Ang
Maharashtra
(
/
/
;
IPA
:
[m?haraː??r?]
, abbr.
MH
) ay isang
estado
sa kanlurang rehiyon ng
India
. May mahigit sa 110 milyong katao ang naninirahan dito kasama ang 15.2 milyon katao sa kabisera nitong
Mumbai
. Ang Mumbai naman ang sentro ng pananalapi ng India at dito matatagpuan ang mga punong-tanggapan ng mga pangunahing bangko, institusyong pampananalapi, at kompanya ng seguro sa bansa. Nakabase rin sa estado ang industriya ng pelikulang
Hindi
,
Bollywood
, at industriya ng pelikula at telebisyong
Marathi
. Patuloy na umaakit ng mga migrante mula sa iba't-ibang bahagi ng India ang Maharashtra dahil sa mga oportunidad nito sa pagnenegosyo at ang potensiyal na ibinibigay nito upang magkaroon ng higit na mataas na antas ng pamumuhay.
Kasama sa mga sinauna at medyebal na imperyo ng Maharashtra ang
Dinastiyang Satavahana
,
Imperyo ng Western Chalukya
,
Imperyong Mughal
at
Imperyong Maratha
. May laking 307,713 km², ito ay pinalilibutan ng
Dagat Arabiano
sa kanluran, at ng mga estado ng
Karnataka
,
Telangana
,
Goa
,
Gujarat
,
Chhattisgarh
,
Madhya Pradesh
at ang
Union territory
ng
Dadra and Nagar Haveli
. Ang mga pangunahing ilog sa estado ay ang Godavari, Krishna, Narmada at Tapti. Maraming destinasyong makasaysayan, likas, at relihiyo ang pinupuntahan ng mga turista sa Maharashtra gaya ng Pandharpur, Hazur Sahib Nanded, Shegaon, Shirdi, Mahabaleshwar, Satara, Nanded, Nagpur, Chikhaldara at Panhala. Ang lupain ng estado ay hindi angkop sa agrikultura na siyang nagtutulak sa mga tao sa kanayunan nito na magtungo sa mga kalungsuran, kaya naman ang populasyon sa mga lungsod ng Maharashtra ay higit pa sa kahit anong estado ng India. Ito rin ang may pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa mga estado ng India. Ilan sa malalaking lungsod nito ay ang
Navi Mumbai
,
Pune
,
Nagpur
,
Nashik
,
Aurangabad
,
Kolhapur
,
Thane
,
Solapur
,
Amravati
,
Sangli
at
Nanded
.
Pinakamayaman at pinakamaunlad ang Maharashtra sa mga estado ng India. Nag-aambag ito ng 25 bahagdan sa produksiyong industriyal at 23.3% sa GDP ng bansa noong 2010?2011.
[4]
Noong ngang 2011, ang per capitang kita ng estado ay
1.0035
lakh
(US$1,600) higit sa pambansang antas ng kita na
0.73 lakh (US$1,200). Sa unang pagkakataon, lumagpas sa
1.20 lakh (US$2,000) ang per capitang kita ng Maharashtra noong 2013, at siyang naging pinakamaymang estado ng India. Malaking bahagi ng ekonomiya ng estado ay mula sa sektor ng argrikultura at mga industriya. Ang mga pangunahing industriya produktong kemikal, elektrikal at di-elektrikal na makinarya, tela, petrolyo at mga kaugnay na produkto.