Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang isang
planetang
menor
(
Kastila
:
planeta menor
,
Ingles
:
minor planet
) ay isang
bagay na pang-astronomiya
na direktang
umorbita
sa palibot ng
Araw
(o mas malawak na kahulugan, kahit anumang
bituin
sa isang
sistemang planetaryo
) na hindi isang
planeta
ni hindi eklusibong inuuri bilang isang
kometa
.
[a]
Bago ang 2006, opisyal na ginamit ng
International Astronomical Union
(IAU o
Pandaigdigang Unyong Astronomiko
) ang katawagang
minor planet
(planetang menor), ngunit sa pagpupulong noong taon na iyon, muling inuri ang mga planetang menor at kometa sa mga
planetang unano
at mga
maliit na bagay sa Sistemang Solar
o
small Solar System bodies
(SSSBs).
[1]
Kabilang sa mga planetang menor ang mga
asteroyd
(mga bagay na malapit-sa-
Daigdig
, mga tumatawid sa
Marte
, mga pangunahing
sinturon ng asteroyd
, at mga troyano ng
Hupiter
), gayon din ang mga malayong planetang menor (mga cenatauro at mga bagay na
transneptuniyano
), na matatagpuan ang karamihan sa
sinturon ng Kuiper
at sa diskong nakakalat. Noong Hunyo 2021, mayroong 1,086,655 kilalang mga bagay, na mahahati sa
567,132 nakanumero
(siniguradong mga tuklas) at 519,523 di-nakanumerong planetang menor, na lima lamang dito ang opisyal na kinikilala bilang
planetang unano
.
[2]
Ceres
ang natuklasang planetang menor noong 1801. Ginamit ang katawagang planetang menor simula pa noong
ika-19 na dantaon
upang isalarawan ang mga ganitong bagay.
[3]
Ginagamit din ang katawagang
planetoyd
(
Ingles
:
planetoid
), lalo na para sa mas malaking planetaryong mga bagay tulad ng mga tinatawag ng IAU bilang mga
planetang unano
simula noong 2006.
[4]
[5]
Sa kasaysayan, humigit-kumulang magkasingkahulugan ang
asteroud
,
planetang menor
, at
planetoyd
.
[4]
[6]
Naging mas komplikado ang terminolohiyang ito sa pagkakatuklas ng napakamaraming planetang menor lampas ng sa
orbita
ng
Hupiter
, lalo na ang mga bagay na transneptuniyano na pangkalahatang tinuturing na mga asteroyd.
[6]
- ↑
Ang mga bagay (pangkalahatang centauro) na hindi orihinal na natuklasan at inuri bilang mga planetang menor, subalit natuklasan sa kalaunan na mga kometa ay nakatala sa parehong mga planetang minor at kometa. Ang mga bagay na nauri bilang mga kometa ay hindi dalawang uri..
- ↑
Press release, IAU 2006 General Assembly: Result of the IAU Resolution votes
, International Astronomical Union, Agosto 24, 2006. Hinango noong Mayo 5, 2008 (sa Ingles).
- ↑
"Latest Published Data"
(sa wikang Ingles). Minor Planet Center. 1 Hunyo 2021. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 5 Marso 2019
. Nakuha noong
17 Hunyo
2021
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
When did the asteroids become minor planets?
Naka-arkibo
2016-06-12 sa
Wayback Machine
., James L. Hilton, Astronomical Information Center, United States Naval Observatory. Hinango noong Mayo 5, 2008 (sa Ingles).
- ↑
4.0
4.1
Planet, asteroid, minor planet: A case study in astronomical nomenclature, David W. Hughes, Brian G. Marsden,
Journal of Astronomical History and Heritage
10
, #1 (2007), pp. 21?30. Bibcode:
2007JAHH...10...21H
(sa Ingles)
- ↑
Mike Brown, 2012.
How I Killed Pluto and Why It Had It Coming
(sa Ingles)
- ↑
6.0
6.1
"
Asteroid
Naka-arkibo
2009-10-28 sa
Wayback Machine
.",
MSN Encarta
,
Microsoft
. Hinango noong Mayo 5, 2008. 2009-11-01 (sa Ingles).