- Tumuturo dito ang Malayo at Melayu. Para sa ibang gamit, tingnan ang
Malay (paglilinaw)
.
Ang mga
Malay
(
Malay
:
Melayu
;
Kastila
:
malayo
) ay isang pangkat etnikong
Awstronesyo
mula sa
Timog-silangang Asya
na pangunahing matatagpuan sa
Bruney
,
Indonesia
at
Malaysia
.
[1]
[2]
Bagaman isang menorya ngayon sa
Singapore
, sila rin ang kinikilalang mga katutubo ng
lungsod-estado
.
[3]
May higit-kumulang 300 milyon ang bilang ng mga Malay.
Malay
ang
lingua franca
ng mga Malay, bagaman sa iba't ibang yugto ng kanilang kasaysayan ay natuto rin sila ng
Portuges
,
Olandes
at
Inggles
. Maliban sa mga wikang nabanggit, nagsasalita rin ng sari-sarili nilang mga lokal na wika ang mga Malay, na nabibilang sa pamilyang
Awstronesyo
. Ang
Arabe
naman ang mga wikang liturhiko ng mga Malay.
Ayon sa kasaysayan ng Jambi, ang salitang
Melayu
ay mula sa isang
ilog
na may pangalang Sungai Melayu malapit sa Sungai Batang Hari ng kasalukuyang bayan ng Muara Jambi, lalawigang
Jambi
ng
Sumatra
, Indonesia. Ang nagpundar ng
Malacca Parameswara
ay isang prinsipe ng Palembang na pag-aari ng isang bansang tinatawag na
Melayu
noong siglo 7. Malinaw na itinala ito ni
Yi Jing
(635-713) sa kanyang talaarawang aklat na mayroong bansang may pangalang
Ma-La-Yu
. Ayon sa mga
arkeolohikong
pananaliksik ng Jambi, maraming mga kasangkapan pang-
arkitektura
noong sinaunang Melayu ang natagpuan kasama ang mga ebidensiya nito. Sa matandang
wikang Tamil
ng
India
, 'Kanlurang Bundok' ang ibig sabihin ng Malaya.
Ang salitang
Malay
ay direktong hiniram mula sa Inggles; ang katawagang
Malay
sa Inggles ay siya namang nagmula sa salitang
Olandes
na
Maleier
na nagmula naman sa na
Melayu
ng salitang Malay. Sa
Kastila
naman,
malayo
ang ginagamit na katawagan. Ayon sa isang hinuang popular, ang salitang
Melayu
ay nangangahulugan ng "dumayo" o "lumayo," na maaring pakahulugan sa mapaglakbay na lipi sa rehiyong ito.
Ang katagang Malay ay tumutukoy sa etnikong grupo na naninirahan sa tangway Malay (na kasama ang pinakatimog na bahagi ng Thailand na tinatawag na
Pattani
at
Satun
) at silangang Sumatra gayundin ang ang daigdiging kultural na lumalagom sa malaking bahagi ng kapuluan. Sa Malaysia at Brunei, mayoridad ang etnikong Malay, at isang malaking menoridad sa Singapore at Indonesia. Nagsasalita sila ng iba’t-ibang
diyalekto
ng wikang Malay. Ang diyalekto ng tangway ang saligang wika ng mga Malay ng Malaysia at Singapore. Ang diyalektong Riau naman ng silangang Sumatra ang pambansang
wikang Indones
(Bahasa Indonesia) sa buong Indonesia. Sa Malaysia, 51% ng populasyon ay
Malay
kasama ng ibang menoriya tulad ng timoging Tsino (e.g. Hokkien at
mga Cantones
), timoging Indio (ang karamihan ay
mga Tamil
at
Malayali
) gayundin ang mga Eurasyano.
Sa tiyak na kaisipan, ang katagang Malay ay tumutukoy rin sa isang grupo na taal sa silangang bahagi ng Sumatra na dumayo sa
Tangway Malay
at sa Kapuluang Riau nitong mga nakaraang libong taon. Minsan, ngunit madalang, ang grupong ito ay tinatawag na “Malay Riau” upang ipakita bilang isang hiwalay na grupo.
Nasala ang impluwensiya ng kulturang Malay sa buong kapuluan tulad ng monarkong estado, relihiyon (
Hinduismo
/
Budismo
noong unang milenyo AD,
Islam
noong ikalawang milenyo) at ang wikang Malay. Ang makapangyarihang kaharian ng
?r?vijaya
ang nag-isa sa iba't-ibang grupong etniko sa timog silangang Asya bilang isang pinag-isang daigdiging kultural sa halos isang milenyo. Noong panahong iyon nangyari ang malawak na paghiram ng mga salita at konsepto sa
Sanskrit
na nagpadali sa paglinang ng Malay bilang isang wika. Malay ang pinaka rehiyonal na
lingua franca
at ang mga
wikang creolo
mula sa Malay ang ginagamit sa mga punduhang kalakalan sa Indonesia.