Ang
mga Medo
,
Medes
,
Imperyong Medes
,
Imperyong Media
o
mga Mede
(
/
/
)
[2]
(mula sa
Matandang Persa
(Persian)
:
M?da-
) ang naging mga pinuno ng
Iran
,
Armenya
, gitnang
Turkiya
,
Apganistan
, at hilagang-silangang
Pakistan
mula 625 BK hanggang 549 BK. Sila ay
mga sinaunang taong Iranyano
[4]
na nanirahan sa isang pook na nakilala bilang Media at nagwiwika ng isang
wikang Iranyano ng hilagang kanluran
na tinutukoy bilang
wikang Mediano
. Ang pagdating nila sa rehiyon ay mayroong kaugnayan sa unang alon ng mga tribong
Iraniko
noong hulihan ng
ikalawang milenyo BKE
(ang
pagbagsak ng Panahon ng Tansong Dilaw
) hanggang sa pagsisimula ng
unang milenyo BKE
.
Magmula noong ika-10 daantaon BKE hanggang sa hulihan ng ika-7 daantaon BCE, ang Medes na Iraniko at ang mga
Persiyano
ay bumagsak at napailalim sa pangingibabaw ng
Imperyong Neo-Asirya
na nakahimpil sa
Mesopotamya
.
[5]
Ang
pagguho ng Panahong Bronse
ay nag-iwan ng ilang mga munting kaharian at mga estadong-siyudad. Ang mga sentrong Hittie ay nanatili sa hilagaang Syria kasama ng mga puertong Phoenician sa Canaan na nakatakas pagkawasak at umunlad s amga dakilang kapangyarihang pangkalakal. Noong 1200 BCE, ang karamihan ng looban nito gayundin ng Babilonya ay sinunggaban ng mga
Arameo
samantalang ang baybayin sa ngayong Gaza Strip ay tinirhan ng mga
Pilisteo
. Sa panahong ito, ang ilang mga inobasyon sa teknolihiya ay kumalat na ang pinakakilala ang paggawa sa bakal at
alpabetong Penisyo
na pinaunlad ng mga Penisyo o mga Cananeo noong 1600 BCE. Sa pag-akyat sa kapangyarihan ni
Adad-nirari II
noong 911 BCE, ang
Imperyong Neo-Asirya
ay sumakop sa buong
Sinaunang Malapit na Silangan
noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE na gumawa sa imperyong ito na pinakamalaking imperyo sa kasaysayan at itinturing ng mga historyan na ang
kauna-unahang imperyo ng mundo
sa kasaysayan. Ito ay namuno sa buong Mesopotamia,
Levant
,
Ehipto
, mga bahagi ng
Anatolia
,
Iran
at
Armenia
. Sa panahon ng pamumuno ng haring Asiryong si
Sinsharishkun
(622?612 BCE), ang mga basalyo ng Asirya gaya ng
Medes
, Babilonya, Ehipto, Lydia, at Aram ay tumigil sa pagbibigay ng
tributo
sa Asirya. Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak sa magkasanib na puwersa ng Medes sa pamumuno ni
Cyaxares
at ng
Imperyong Neo-Babilonya
sa pamumuno ni
Nabopolassar
noong 609 BCE. Noong mga 550 BCE, ang
Medes
sa pamumuno ni
Astyages
ay bumagsak sa Persiyanong si
Dakilang Ciro
na nagtatag ng Persiyanong
Imperyong Akemenida
. Ang
Imperyong Neo-Babilonya
ay bumagsak kay Dakilang Ciro noong 539 BCE. Sa sumunod na ilang mga dekada ay idinagdag sa mga sakop nito ang Lydia sa Anatolia, Damascus, Babilonia at Ehipto gayundin ang pag-iisa ng kontrol nito sa talampas na Iranian na halos kasing layo India. Ang malawak na kaharian ay nahati sa iba't ibang mga
satrapiya
at pinamahalaan ayon sa modelong Asiryo ngunit may mas magaan na kamay. Sa panahong ito, ang
Zoroastrianismo
ang nanaig na relihiyon sa Persiya.
Kabilang ang
Medes
sa sinakop ng Persiyanong
Imperyong Akemenida
ayon sa
Inskripsiyong Behistun
.
Sinabi ni
Dario I ng Persiya
: Ang aking ama ay si
Hystaspes
[Vi?taspa]; ang ama ni
Hystaspes I
ay si
Arsames
[Ar?ama]; ang ama ni
Arsames
ay si
Ariaramnes
[Ariyaramna]; ang ama ni
Ariaramnes
ay si
Teispes
[Ci?pi?]; ang ama ni
Teispes
ay si
Achaemenes
[Haxamani?].
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Kaya kami tinawag na mga
Akemenida
mula sa sinaunang panaho, kami ay maharlika, sa sinaunang panahon. Kami ay mga hari.
Sinabi ng Dario I ng Persiya:Ang walo sa aking dinastiya ay mga hari bago ko, Ako ang ikasiyam. Ang siyan sa pagkakahalili ay mga hari.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Sa biyaya ni
Ahura Mazda
, ako ay isang Hari, Ipinagkaloob sa akin ni Ahura Mazda ang Kaharian.
Sinabi ni
Dario I ng Persiya
: Ito ang mga bansa na aking nasasakupan at sa pamamagitan ni
Ahura Mazda
, Ako ay naging hari sa kanila:
Persiua
[Parsa],
Elam
[Uvja],
Babilonya
[Babiru?],
Asirya
[Athura],
Arabia
[Arabaya],
Ehipto
[Mudraya], mga bansa sa karagatan na [Tyaiy Drayahya],
Lydia
[Sparda],
Mga Griyego
[Yauna (
Ionia
)],
Medes
[Mada],
Armenia
[Armina],
Cappadocia
[Katpatuka],
Parthia
[Parthava],
Drangiana
[Zraka],
Aria
[Haraiva],
Chorasmia
[Uvarazmiy],
Bactria
[Baxtri?],
Sogdia
[Suguda],
Gandhara
[Gadara],
Scythia
[Saka],
Sattagydia
[Thatagu?],
Arachosia
[Harauvati?] at
Maka
[Maka];dalawampu't tatlo sa lahat.
- ↑
OED
Paglahok na nasa internet na
"entry Mede, n."
.
:
- ↑
from
OED
's entry: "Mede
< classical Latin
M?dus
(na ang karaniwang anyo ng maramihan ay
M?d?
) < sinaunang Griyego (Atika at Ionika):
Μ?δο?
(Sipriyotang ma-to-i
Μ?δοι
, kapag maramihan) < Lumang Persiya:
M?da
"
[1]
- ↑
Encyclopædia Britannica Online
Media (ancient region, Iran)
- ↑
(A)
"..and the Medes (Iranians of what is now north-west Iran).."
EIEC
(1997:30). (B)
"Archaeological evidence for the religion of the Iranian-speaking Medes of the .."
(
Diakonoff 1985
, p. 140). (C)
".. succeeded in uniting into a kingdom the many Iranian-speaking Median tribes"
( mula sa Encyclopædia Britannica
[3]
). (D)
"Proto-Iranian split into Western (Median, ancient Persian, and others) and Eastern (Scythian, Ossetic, Saka, Pamir and others)..."
(
Kuz'mina, Elena E. (2007),
The origin of the Indo-Iranians
, J. P. Mallory (ed.), BRILL, p. 303,
ISBN
978-90-04-16054-5
{{
citation
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
) ...
- ↑
Georges Roux - Ancient Iraq
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Tao
at
Kasaysayan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.