Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marky Cielo
|
---|
Kapanganakan
| Mark Angelo Cadaweng Cielo
12 Mayo 1988
(
1988-05-12
)
|
---|
Kamatayan
| 7 Disyembre 2008
(2008-12-07)
(edad 20)
|
---|
Ibang pangalan
| Marky Cielo, Boknoy, Kuya Marky
|
---|
Aktibong taon
| 2006
-
2008
|
---|
Si
Mark Angelo Cadaweng Cielo
(Mayo 12, 1988 - Disyembre 7, 2008), mas kilala bilang
Marky Cielo
ay isang
Pilipinong
aktor
at
mananayaw
.
Si Cielo ay lumaki sa
Butuan
bago tumira sa
Mountain Province
noong 2001. Nabibigkas niya ang mga wikang
Kankanaey
,
Ilokano
,
Tagalog
at
Bisaya
(gaya ng
Wikang Butuanon
at
Wikang Cebuano
). Ayon sa pangyayari sa kanyang buhay na pinakita sa
Magpakailanman
, ang mga magulang ni Marky ay naghiwalay noong bata pa sila ng kanyang kapatid na babae. Mag-isa silang inalagaan ng kanyang ina. Nagkita lamang sila ng kanyang ama makalipas ng maraming taon.
Siya ay isang unang taong mag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Luis sa Baguio City
ng kursong
arkitektura
bago sumali sa
Starstruck
. Kabilang din siya sa
SLU
. Sinabi ng kanyang ama na may plano si Cielo na mag-aral muli subalit pumanaw na siya.
Tinanggap niya ang paghikayat ng kanyang mga kaklase na sumali sa
StarStruck
. Napanalunan niya ang titulong Ultimate Male Survivor, at ang titulong Sole Survivor Batch 3. Siya rin ang unang
Igorot
na sumali sa patimpalak. Isa sa mga napalanunan niya ay ang bahay at lote sa
Antipolo
na tinitirhan ng kanyang pamilya.
[1]
Pumasok si Cielo sa larangan ng showbiz pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa StarStruck. Ang kanyang unang palabasay ang
Fantastikids
kasama nila Isabella de Leon at B.J. "Tolits" Forbes at pagkatapos ay
Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas
. Namatay ang kanyang ginaganap na tauhan sa mga palabas na
Bakekang
at
Asian Treasures
. Sinasabi na ang mga palabas na ito ang tumulong sa pag-taas ng karera ni Cielo. Naging bida si Cielo sa Pilipinong paggawa
Uchuu Keiji Shaider
bilang Alexis del Mundo o Shaider. Subalit
Dennis Trillo
at StarStruck Ultimate Hunk
Aljur Abrenica
ay sinama din dito at pinalitan ang titulo ng programa at tinawag na
Zaido: Pulis Pangkalawakan
,
isang sekwel sa
Mga Bayaning Bakal
kung saan ginanap niya si Alexis Lorenzo o ang Berdeng Zaido. Sinasabing ang Zaido ay ang pinakamalaking tulong sa kanyang pag-angat bilang artista. Sumali din siya sa
Sine Novela
:
Kaputol ng Isang Awit
. Sumali din siya sa
Codename: Asero
at pagkatapos ay sa
LaLola
na naging huli niyang palabas sa telebisyion.
Si Cielo ay natagpuan ng kanyang ina noong Disyembre 7, 2008, noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Lungsod ng Antipolo ng mga dakong alas-diyes ng umaga upang gisingin siya para sa isang programang pangkawang-gawa. Siya ay 20 taong gulang. Isang pang-unang ulat ay nagsabing namatay siya habang natutulog. Huling nakita si Cielo sa
LaLola
, kung saan iniwan niya ang karakter na si "Billy".
[2]
- Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2007) - Most Promising Male Artist
- Yes! Magazine's 100 Most Beautiful
- Starstuck Batch 3 - Ultimate Male Survivor and 1st Sole Survivor
- Candy Mag's 100 Candy Cuties
Padron:StarStruck