Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Huwag itong ikalito kay
Marcus Aurelius Antoninus
.
Si
Marcus Aurelius Antoninus Augustus
[notes 1]
(
Abril 26
,
121
?
Marso 17
,
180
) ay ang
emperador
ng
Roma
mula sa taong 161 hanggang sa kanyang kamatayan noong 180. Kasabay niyang naging emperador si
Lucius Verus
hanggang sa pagpanaw ni Verus noong 169. Siya ang huli sa "
Limang Mabubuting mga Emperador
" at sinasabi na siya bilang isa sa mga mga pinakamahalagang mga
pilosopong
Stoiko
. Sa kanyang pamumuno ng imperyo, tinalo nito ang isang nag-babalik-kapangyarihan na
Imperyong Parthiano
; Isang heneral ni Aurelius na si
Avidius Cassius
ang nagnakaw sa kabiserang sinakop na nagngangalang
Ctesiphon
noong 164. Kinalaban ni Aurelius ang mga
Marcomanni
,
Quadi
, at
Sarmatia
na may tagumpay sa
mga Digmaang Marcomanniko
ngunit nagkaroon ng banta mula sa mga
tribong Aleman
at ito ay naging isang naka-aalarma na katotohanan sa imperyo. Isang himagsikan sa silangan na pinamunuan ng kanyang heneral na nagngangalang Avidius Cassius ay hindi naging matagumpay na makaasenso at dali-daling tinapos ng pamahalaan.
Ang kanyang akda, ang
Meditations
(literal na "Mga Meditasyon") na nakasulat sa Wikang Griyego habang nasa kampanya sa pagitan ng 170 at 180 ay bina-balik-balikan bilang isang monumento ng panitikan para sa isang pamahalaan ng paglilingkod at tungkulin. Ito ay nagpapakita ng halimbawa ng kung paano hinarap ni Marcus Aurelies ang
Platonikong
kaisipan ng isang
pilosopong-hari
at kung paano niya binigyan ng simbolismo ang pinakamaganda na paglalarawan sa
Sibilisasyong Romano
.
[3]
- ↑
He was originally named Marcus Annius Catilius Severus (or perhaps Marcus Catilius Severus).
[1]
When he married he took the name Marcus Annius Verus,
[2]
and when he was named emperor, he was given the name Marcus Aurelius Antoninus.
- ↑
Dio 69.21.1;
HA Marcus
1.9; McLynn, 24.
- ↑
Dio 69.21.1;
HA Marcus
1.10; McLynn, 24.
- ↑
Western Civilization: Sources, Images and Interpretations,
Dennis Sherman, Vol. 1, 5th Ed., p. 104.