한국   대만   중국   일본 
Marc Tyler - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Marc Tyler

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marc Tyler

Si Marc Tyler (ipinanganak noong Setyembre 27 , 1988 sa Palmdale, California ) ay isang Amerikanong manlalaro ng football sa posisyong running back para sa koponan ng University of Southern California Trojans .

Karera [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Karera sa mataas na paaralan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Si Tyler ay dating nag-aaral sa Oaks Christian High School na matatagpuan sa Westlake Village, California . Noong nasa huling baitang na siya, nakagawa si Tyler ng 31 touchdown at may karaniwang na 12.2 mga yarda bawat buhat. [1] Nabali ang binti ni Tyler habang nasa naglalaro noong Nobyembre 2006; bilang resulta, nagkaroon siya ng hindi kinakalawang bakal na ipinasok sa kanyang binti. [1]

Sa kabila ng kanyang kapinsalaan, nanatili si Tyler bilang kaanib ng 5-star at naging pangalawa sa pinakamagaling na running back sa Estados Unidos sa likod ng kasamahan na si Joe McKnight [2] , at pang labing-pito naman sa kabuuan. [3] Sa Oaks Christian High School, naglaro si Tyler kasama ang quarterback na si Jimmy Clausen, ang nangunguna sa pangkalahatang kaanib. [3]

Karera sa kolehiyo [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Pumasok si Tyler sa University of Southern California noong Agosto 2007. [1]

Pansarili [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Dating running back ang ama ni Marc Tyler na si Wendell Tyler sa UCLA (1973-76), pinangunahan niya ang Bruins noong 1975, siya ay naging Pro Bowl running back para sa koponan ng Los Angeles Rams at San Francisco 49ers ng NFL .

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 1.2 Eric Sondheimer, USC-bound Tyler tests his leg [ patay na link ] , Los Angeles Times , Mayo 15, 2007.
  2. Rivals.com running backs 2007 Naka-arkibo 2008-01-07 sa Wayback Machine ., Rivals.com
  3. 3.0 3.1 Rivals.com Rivals100 2007 Naka-arkibo 2007-10-02 sa Wayback Machine ., Rivals.com

Mga panlabas na link [ baguhin | baguhin ang wikitext ]