Mga
Alphonso mango
("Manggang Alphonso"), na ipinangalanan kay
Afonso de Albuquerque
, na nagpakilala nitong prutas sa
Goa
Mangga (prutas)
Ang
mangga
ay isang
drupa
na naluluwal mula sa maraming uri ng tropikal na
puno
na kabilang sa sari ng
halamang namumulaklak
na
Mangifera
, na halos palaging nililinang para sa kani-kanilang mga nakakain na prutas. Matatagpuan ang karamihan ng mga uri nito sa kalikasan bilang mailap na mangga. Kabilang ang sari sa pamilya ng
kasoy
,
Anacardiaceae
. Katutubo ang mga mangga sa
Timog Asya
,
[1]
[2]
kung saan ang "
common mango
" ("karaniwang mangga") o "
Indian mango
" ("manggang Indiyano"),
Mangifera indica
, ay naipamahagi sa buong mundo upang maging isa sa mga pinakanililinang na
prutas
sa
tropiko
. Pinatutubo ang mga ibang uri sa
Mangifera
(hal.
horse mango
,
Mangifera foetida
) sa mas lokal na batayan.
Sa buong mundo, mayroong daan-daang
kultibar
ng mangga. Depende sa kultibar, iba-iba ang mga sumusunod na katangian ng mangga: laki, hugis, tamis, kulay ng balat, at kulay ng laman na maaaring maging dilaw, ginto, o kahel.
[1]
Ang mangga ay ang pambansang prutas ng
India
, at ang pambansang puno ng
Bangladesh
.
[3]
Ang
manggang kalabaw
, ang pambansang prutas ng
Pilipinas
. Tulad ng mga ibang tropikal na uri ng mangga sa Timog-silangang Asya, ito ay
poliembrioniko
at matingkad na dilaw habang hinog, di-tulad ng subtropikal na manggang Indiyano na
monoembrioniko
at mamula-mula kapag hinog.
[
kailangan ng sanggunian
]
Ang mga puno ng mangga ay tumataas nang 30?40 m (98?131 tal), at 10?15 m (33?49 tal) ang radius ng korona (
crown radius
) nito. Nabubuhay ang mga puno nang matagal; ang ilan sa mga ispesimen ay namumunga pa rin pagkatapos ng 300 taon.
[4]
Sa malalim na lupa, bumababa ang
punong-ugat
nang hanggang 6 m (20 ft), na may napakaraming at kalat na kalat na ugat na pangkain (
feeder root
) at ugat na angkla (
anchor root
) na tumatagos nang malalim sa lupa.
[1]
Ang mga
dahon
ay
laging-lunti
, naghahalili, payak, 15?35 cm (5.9?13.8 pul) sa haba, and 6?16 cm (2.4?6.3 pul) sa lapad; kapag bata pa ang mga dahon, kahel-rosas ang mga ito, na nagbabago agad para maging matingkad at makintab na pula, tapos matingkad na berde habang tumatanda.
[1]
Namumulaklak
ang puno sa mga
terminal
panicle
na may habang 10?40 cm (3.9?15.7 pul); ang bawat bulaklak ay maliit at puti na may limang talutot na may habang 5?10 mm (0.20?0.39 pul), na may banayad at mabangong amoy.
[1]
Kilala ang higit sa 500 uri ng mangga,
[1]
karamihan dito ay humihinog sa tag-init, habang ang mga iba ay humihinog nang dalawang beses sa isang taon.
[5]
Ang pamumulaklak hanggang pagkahinog ng prutas ay tumatagal nang apat hanggang limang buwan.
[1]
Nag-iiba-iba ang hinog na prutas ayon sa kultibar sa laki, hugis, kulay, tamis, at kalidad kapag kinain.
[1]
Depende sa kultibar, maaaring maging dilaw, kahel, pula, o berde ang kulay ng prutas.
[1]
Ang prutas ay may iisang patag, pahabang buto na maaaring
mahibla
o mabuhok sa ibabaw, at hindi madaling ihiwalay sa sapal.
[1]
Ang hugis ng prutas ay maaaring pabilog, hugis-itlog, o hugis-
bato
, na may 5?25 centimetro (2?10 pul) sa haba at 140 gram (5 oz) hanggang 2 kilogram (5 lb) sa timbang sa bawat indibidwal na prutas.
[1]
Ang balat nito ay
malakatad
, mapagkit, makinis, at mabango, na may kulay na maaaring berde, dilaw, dilaw-kahel, dilaw-pula, o may kasamang kakulay ng pula, lila, rosas, o dilaw kapag hinog na hinog na.
[1]
Katangi-tanging
malasahing
at mabango ang amoy ng mga manggang hinog at buo.
[1]
Sa loob ng buto na may kapal na 1?2 mm (0.039?0.079 pul) ay isang manipis na sapin na nagtatakip sa isang
binhi
na may 4?7 cm (1.6?2.8 pul) sa haba. Ang mga mangga ay may mga
binhing mapagmatigas
(
recalcitrant seeds
) na hindi na nabubuhay kapag pinayelo o pinatuyo.
[6]
Tumutubo kaagad ang mga puno ng mangga mula sa mga binhi. Pinakamataas ang tagumpay ng
pagtutubo
kapag nakuha ang mga binhi sa mga hinog na prutas.
[1]
- ↑
1.00
1.01
1.02
1.03
1.04
1.05
1.06
1.07
1.08
1.09
1.10
1.11
1.12
1.13
Morton, Julia Frances (1987).
Mango. In: Fruits of Warm Climates
[
Mangga. Sa: Mga Prutas ng Maiinit na Klima
] (sa wikang Ingles). NewCROP, New Crop Resource Online Program, Center for New Crops & Plant Products, Purdue University. pp. 221?239.
ISBN
978-0-9610184-1-2
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Kostermans, AJHG; Bompard, JM (1993).
The Mangoes: Their Botany, Nomenclature, Horticulture and Utilization
[
Ang Mga Mangga: Kanilang Botanika, Nomenklatura, Hortikultura at Paggamit
] (sa wikang Ingles). Academic Press.
ISBN
978-0-12-421920-5
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Mango tree, national tree"
[Puno ng mangga, pambansang puno] (sa wikang Ingles). Nobyembre 15, 2010
. Nakuha noong
Nobyembre 16,
2013
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Mango"
[Mangga].
California Rare Fruit Growers
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2020-10-19
. Nakuha noong
Nobyembre 4,
2015
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Mango (Mangifera indica) varieties"
[Mga baryante ng mangga (mangifera indica)].
toptropicals.com
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
Enero 2,
2014
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Marcos-Filho, Julio.
"Physiology of Recalcitrant Seeds"
[Pisyolohiya ng mga Binhing Mapagmatigas]
(PDF)
(sa wikang Ingles). Ohio State University. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong Enero 24, 2014
. Nakuha noong
Disyembre 3,
2014
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)