Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga
manati
[1]
o
manatee
[Ingles] (
pamilya
:
Trechecidae
,
sari
:
Trichechus
) ay malalaking
mamalyang
pantubig na kilala rin sa tawag na "
bakang-dagat
" o
sea cow
sa Ingles. Naiiba ang
Trichechidae
sa
Dugonguidae
sa hugis ng bungo at hugis ng buntot. Hugis
sagwan
ang buntot ng mga manati, samantalang ang sa hugis
tinidor
naman o nagsasanga ang sa mga
dugong
. Kumakain lamang ng mga halaman ang mga ito, na ginugugol ang kanilang oras sa panginginain ng mga damong-tubig sa mabababaw na tubigan. Nagmula ang pangalang
manati
(
manati
sa orihinal na baybay) mula sa
wikang Taino
, isang
pre-Kolombiyano
(bago dumating si
Cristobal Colon
, kilala rin bilang
Christopher Columbus
) sa mga mamamayang
Karibyano
; nangangahulugan itong "
suso
."
[1]
.
Pinaninirahan ng mga manati ang mababaw na tubigan at mga latian sa baybayin ng
Hilaga
,
Gitna
, at
Timog Amerika
, at ng
Dagat Karibyano
. Naninirahan ang isang uri ( ang
Trichechus senegalensis
) sa kanlurang baybayin ng Aprika; naninirahan naman ang isa (ang
T. inunguis
) sa silangang baybayin ng Timog Amerika, at ang ikatlo (ang
T. manatus
) sa
Mga Kanlurang Indiya
sa Dagat Karibyano. Ang
manati ng Florida
at itinuturing ng ilan bilang hiwalay na uri, subalit itinuturing naman ng
Binuong Pamamaraang Kaalamang Pangtaksonomiya
(
Integrated Taxonomic Information System
o
ITIS
) na sub-uri ito ng ito ng
T. manatus
, kaya ito ngayon ang kinaugaliang pagturing. Maaring humaba ito hanggang 4.5 metro (15 talampakan), at namumuhay sa tubig-tabang at tubig-alat. Dati, hinuhuli ang mga ito para sa langis at laman ngunit nasa ilalim ito ngayon ng pangangalagang legal.
Isang
nanganganib na uri
ang
manati ng Kanluran Indiya
. Bagaman walang likas na predator o tagapagtugis ang mga ito, pinababa ng paglawak at pagdami ng mga tao ang kanilang likas na tirahan sa mga latian ng mga baybayin, at nasasaktan ng mga propeler ng mga bangkang de-motor ang mga ito. Nakakain din ng mga manati ang ilang kagamitang pangingisda (gaya ng mga kawit, pabigat na mga metal, at iba pa). Hindi naman nakapipinsala ang mga ito sa mga manati maliban ang
monopilamentong linya
o
may isahang hiblang tali
. Nakakabara ito sa
sistemang dihestibo
ng hayop na nagiging sanhi ng onti-onting pagkamatay nito.
Karaniwang nagsasama-sama ang mga manati malapit sa mga plantang pang-enerhiya, na nagpapainit ng tubig. Umaasa ngayon ang mga ito sa hindi likas na pinanggagalingan ng init. Hindi na lumilipat ang mga ito sa mga tubigang may likas na kainitan dahil mayroon na silang palagiang pinagkukunan ng tubig na may init. Sa
Estados Unidos
at kamailan lamang, nagsasara na ang mga plantang pang-enerhiya, at dahil nga sa kaalamang umaasa ang mga manati sa mga plantang ito, naghahanap ang Palingkuran ng Isda at Likas na Mailap na mga Buhay ng Estados Unidos (
U.S. Fish and Wildlife Service
) ng paraan kung paano paiinitin ang tubig para sa mga manati.