Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Magreb
[1]
(
Arabe
: ?????? ??????;
Bereber
:
Tamazgha
;
Ingles
:
Maghreb
o
Maghrib
) ay isang rehiyon ng hilagang
Aprika
.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa limang bansa sa hilagang Aprika, kahit na madalas nitong tinitiyak lamang yaong tatlong mga bansang nagpa-
Pranses
(
Algeria
,
Marwekos
at
Tunez
). Ito ay katagang
Arabe
, na nangangahulugang "dako ng taglubog ng araw" o "kanluran" (mula sa paninging Arabe). Ito ngayon ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa kalahatan ng mga bansang Marwekos, Algeria, Tunez,
Libya
,
Mawritanya
at ang pinagtututulang teritoryo ng
Kanlurang Sahara
. Bago itinaguyod ang mga kasalukuyang bansa sa rehiyong ito noong ika-20 siglo, ang katagang "Magreb" ay tumukoy sa mas maliit na kasukatan sa pagitan ng
Kabundukang Atlas
sa timog at ng
Dagat Mediterraneo
sa hilaga, at dahil dito hindi nakasama ang karamihan sa lupain ng Libya at ang kabuuan ng Mawritania.
[2]
Noong panahon ng
Kalipato ng Omeya
, ang katagang ito ay sumaklaw din sa mga dating-
Muslim
na mga kabayanan ng
Andalucia
,
Sicilia
at
Malta
.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.