한국   대만   중국   일본 
Ina - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Madre )
Para sa ibang gamit, tingnan ang Ina (paglilinaw) .
Para sa ibang gamit, tingnan ang Mama (paglilinaw) .
Isang ina at kanyang anak sa Ifugao , Pilipinas . Isa itong litratong kuha noong 1917.

Ang ina (Ingles: mother ) [1] ay ang babaeng magulang ng anumang uri ng anak o supling . Karamihan sa mga hayop , kabilang ang mga tao , ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa kanilang pag-ibig at pagtatalik . Ang ina ang nagdadalangtao at nagluluwal ng sanggol . Tinatawag na ina sa batas o biyenang babae ang ina ng asawa ng isang tao.

Sa ilang mga kultura, nangangahulugang " pinuno " ang ina. Paminsan-minsang tinataguriang mga Ama ang mga tagapagtatag ng o manlilikha ng isang larangan o imbensiyon. Ginagamit din ang madre [1] (mula sa wikang Kastila na may ibig sabihing "ina") bilang pamagat o katawagan para sa mga madreng Katoliko . Nagiging tawag na paggalang sa may edad na babae ang "ina". [1]

Katumbas ang ina ng ima , nanay , mama , inang , at inay . [1]

Tinatawag na ina sa turing ang isang ina-inahan o hindi tunay na ina, kinikilalang ina bagaman pangalawa o naging tinuturing na "ina" dahil sa muling pag-aasawa ng tunay na ama.

Tingnan din [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Gaboy, Luciano L. Mother - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com .


Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.