Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Lumang Mundo
ay binubuo ng mga bahagi ng
mundo
na nakikilala sa
kalaunang klasikal
at sa
Gitnang Panahon
sa
Europa
. Ginamit ito sa diwa ng, at maipagkakaiba, o maihahambing sa "
Bagong Mundo
" (iyong
Kaamerikahan
). Binubuo ang Lumang Mundo o Matandang Mundo ng
Aprika
,
Asya
, at Europa (na nakikilala bilang
Apro-Eurasya
kapag pinagsama-sama), dagdag pa ang mga pulong nakapaligid (o kahit na iyong mga bahaging nakikilala o nalalaman sa heograpiyang klasikal bago sumapit ang ika-15 daantaon).
Ang konsepto ng tatlong mga kontinente sa Lumang Mundo ay umaabot pabalik sa kalaunang klasikal (klasikal na sinaunang kapanahunan). Ang mga hangganan ng mga ito ay nilarawan ni
Ptolemy
at ng iba pang mga heograpo ng sinaunang panahon ay iginuhit sa kahabaan ng kailugan ng
Nilo
at ng
Ilog Don
. Ang paglalarawang ito ay nanatiling maipluwensiya sa kahabaan ng Gitnang Panahon (tingnan ang
mapa ng T at O
) at ng
Maagang Makabagong panahon
.