Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Lovers in Paris
ay isang palabas sa
telebisyon
sa
Timog Korea
. Una itong pinalabas noong 2004 at pinagbibidahan ito nina
Kim Jung-eun
, Park Shin-yang at Lee Dong-gun. Inere ito ng
SBS
mula Hunyo 12 hanggang Agosto 15, 2004 at naka-dalawangpung kabanata
[1]
Ang serye ay isa sa tatlong seryeng pantelebisyon sa trilohiyang
Lovers
ng manunulat na si Kim Eun-sook at direktor na si Shin Woo-chul. Sinundan ito ng
Lovers in Prague
(2005), at ang ikatlo na simple na pinamagatang bilang
Lovers
(2006), na hindi sa
Europa
ang tagpuan, di tulad ng naunang dalawa.
Napakapopular ng serye noong tumakbo ito, nanalo ng Grandeng Premyo ("Daesang") sina Kim Jung-eun at Park Shin-yang sa
SBS Drama Awards
noong 2004, at sa kalaunan sa
Baeksang Arts Awards
noong 2005. Nanalo si Kim bilang Pinakamahusay na Aktres sa Telebisyon habang nanalo sina Kim Eun-sook at Kang Eun-jung ng Pinakamahusay na Senaryo sa Telebisyon, at nanalo ang drama ng Grandeng Premyo para sa Telebisyon.