Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Karen Louise Erdrich
, kilala rin bilang
Louise Erdrich
, (ipinanganak noong 7 Hunyo 1954) ay isang katutubong Amerikana ng Estados Unidos na naging manunulat at may-akda ng mga
nobela
,
panulaan
, at
panitikang pambata
. Isa siyang nakatalang kasapi ng nasyong
Anishinaabe
(kilala rin bilang
Ojibwa
,
Ojibwe
, at
Chippewa
) at mayroon ding ninunong Aleman, Pranses, at Amerikano.
[1]
Kinikilala siya bilang isa sa pinakamahalagang katutubong mga manunulat ng pangalawang alon o daloy ng tinatawag ng manunuring si Kenneth Lincoln bilang Pagkamulat ng Katutubong Amerikano (
Native American Renaissance
). Noong Abril 2009, naging isang pinalista ang kanyang nobelang
The Plague of Doves
o "Ang Salot ng mga Kalapati" para sa
Gantimpalang Pulitzer
sa Kathang-Isip o Piksiyon.
Naging may gampanin ang
katatawanan
o
humor
sa mga kuwentong isinulat ni Erdrich, maging sa kanyang sariling buhay. Pinag-aralan niya ang wikang
Ojibwemowin
, ang lengguwahe ng mga kakapwa-tao ng kanyang ina, upang maunawaan ang mga biro sa kalinangang Ojibwa. Naniniwala siyang nakapagpapanatili ng katinuan ng isip ang katatawanan. Masisilayan din ang katatawanan maging sa pinakamadirilim na mga pagkakataon sa mga piksiyon ni Erdrich.
[1]
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Talambuhay
,
Panitikan
at
Estados Unidos
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.