Ang
laro
ay isang uri ng paglalarong may estraktura, kadalasang ginagawa para sa
libangan
o kasiyahan, at ginagamit minsan bilang kagamitang pang-edukasyon.
[1]
Itinuturing ding trabaho ang maraming laro (gaya ng mga propesyonal na manlalaro ng
palakasan
o larong pinapanood) o
sining
(gaya ng mga palaisipang
jigsaw
[o rompekabesas] o larong may kinalaman sa artistikong paglalatag gaya ng Mahjong, solitaryo, o ilang
larong bidyo
).
Nilalaro lamang minsan ang mga laro para sa kasiyahan, minsan para sa tagumpay o gantimpala rin. Maaari silang laruin nang mag-isa, sa mga koponan, o
online
; ng mga
amateur
(o baguhan) o ng mga propesyonal. Maaaring may madla o manonood ang mga manlalaro na hindi maglalaro, gaya ng kapag naaaliw ang mga tao sa panonood ng isang kampeonato ng
ahedres
. Sa kabilang banda, maaaring bumuo ng kanilang sariling madla ang mga manlalaro sa isang laro habang pumipili sila sa paglalaro. Kadalasan, bahagi ng libangan para sa mga batang naglalaro ng isang laro ang pagpapasya kung sino ang bahagi ng kanilang madla at kung sino ang isang manlalaro. Hindi pareho ang laruan at laro. Karaniwang nagbibigay-daan ang mga laruan sa walang limitasyong paglalaro samantalang nagpapakita ang mga laro nagpapakita ng mga panuntunan para sundin ng manlalaro.
Ang mga pangunahing bahagi ng mga laro ay mga layunin,
panuntunan
,
hamon
, at
pakikipag-ugnayan
. Karaniwang may kasamang mental o pisikal na pagpapasigla, at kadalasan pareho ang mga laro. Maraming laro ang tumutulong sa pagbuo ng mga praktikal na
kasanayan
, na nagsisilbing isang paraan ng
ehersisyo
, o kung hindi man ay gumaganap ng isang pang-edukasyon,
pang-simulasyon
, o
sikolohikal
na tungkulin.
Pinatunayan noong 2600 BC,
[2]
[3]
ang mga laro ay isang unibersal na bahagi ng karanasan ng tao at naroroon sa lahat ng
kalinangan
. Ang Pangharing Laro ng Ur, Senet, at
Mancala
ay ilan sa mga pinakalumang kilalang laro.
[4]
Ang mga laro ay maaaring mailalarawan sa pamamagitan ng "kung ano ang ginagawa ng manlalaro".
[5]
Ito ang madalas na tinutukoy bilang
gameplay
o paraan ng paglalaro. Ang mga pangunahing elementong natukoy sa kontekstong ito ay mga kagamitang at panuntunan na tumutukoy sa pangkalahatang konteksto ng laro.
Maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo ang mga laro, mula sa mapagkumpitensyang
palakasan
hanggang sa mga
larong tabla
at larong bidyo.
Ang
palakasan
ay karaniwang binibigyan kahulugan bilang atletikong aktibidad na kinakasangkutan ng isang antas ng
kompetisyon
, tulad ng
basketbol
o
beysbol
, o
sipaang-bola
. Tinatawag na palakasan ang ilang laro at maraming uri ng
karera
. Tinatawag na atleta ang propesyunal na nasa palakasan.
Ang
board game
o
larong tabla
ay isang laro o laruan na karaniwang nilalarong may mga piyesa sa ibabaw ng isang pook na parang tabla o karton. Ilan sa mga halimbawa ng mga larong tabla ay ang
ahedres
,
scrabble
,
dama
,
backgammon
, irensei,
parques
at
go
. Ang ahedres at dama ay nilalaro sa ibabaw ng 8 x 8 na tablang
parisukat
, na binubuo ng 32 puti at itim na mga parisukat.
Ang
video game
o
larong bidyo
ay mga larong
elektroniko
na nilalaro sa isang iskrin pambidyo (kadalasang
telebisyon
,
monitor ng kompyuter
, o iskrin na naka-
built-in
kapag nilalaro sa isang makinang
handheld
o hinahawakan).
Ang
laruan
ay isang bagay na
nilalaro
,
malalaro
, o
pinaglalaruan
. Para sa mga
bata
, mga nasa wastong gulang, mga
nakatatanda
, at mga
hayop
ang mga laruan. Bago ang
1970
, karamihan sa mga laruan ang gawa mula sa
metal
at
kahoy
. Sa ngayon, karamihan sa kanila ang yari na sa
plastiko
at kung minsan gawa sa sangkap na
elektroniko
.
- ↑
"Definition of GAME"
.
Merriam-Webster
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
7 Mayo
2017
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Soubeyrand, Catherine (2000).
"The Royal Game of Ur"
(sa wikang Ingles). The Game Cabinet
. Nakuha noong
5 Oktubre
2008
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Green, William (19 Hunyo 2008).
"Big Game Hunter"
.
2008 Summer Journey
(sa wikang Ingles). Time. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 20 Hunyo 2008
. Nakuha noong
5 Oktubre
2008
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"History of Games"
(sa wikang Ingles). MacGregor Historic Games. 2006
. Nakuha noong
5 Oktubre
2008
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Crawford, Chris (2003).
Chris Crawford on Game Design
(sa wikang Ingles). New Riders.
ISBN
978-0-88134-117-1
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)