Pambansang Ruta Blg. 1 (N1)
|
---|
Palatandaan ng N1-AH26 sa bahaging
Gapan
ng Daang Maharlika
|
|
Haba
| 3,666 km
(hindi kasama ang 19 kilometro (12 mi) na puwang sa Kalakhang Maynila at mga bahagi sa
Bangsamoro
na may kabuoang 112 kilometro (70 mi))
(2,278 mi)
|
---|
Umiiral
| 2014?kasalukuyan
|
---|
|
Haba
| 1,410 km (880 mi)
|
---|
Dulo sa hilaga
| N2
sa
Laoag
|
---|
Pangunahing
daanan
| |
---|
Dulo sa timog
|
|
---|
|
Haba
| 784 km (487 mi)
|
---|
Dulo sa hilaga
| E2
/
AH26
/
N411
/
N142
in
Alabang
,
Muntinlupa
|
---|
Pangunahing
daanan
| |
---|
Dulo sa timog
| Pantalan ng
Matnog
|
---|
|
Haba
| 397 km (247 mi)
|
---|
Dulo sa hilaga
|
|
---|
Pangunahing
daanan
| |
---|
Dulo sa timog
| Pantalan ng Liloan
|
---|
|
Haba
| 1,074.5 km (667.7 mi)
|
---|
Dulo sa hilaga
| Pantalan ng Lipata sa
Lungsod ng Surigao
|
---|
Pangunahing
daanan
| |
---|
Dulo sa timog
| Lungsod ng Zamboanga
|
---|
|
Mga lawlawigan
| Ilocos Norte
,
Cagayan
,
Isabela
,
Nueva Vizcaya
,
Nueva Ecija
,
Bulacan
,
Kalakhang Maynila
,
Laguna
,
Batangas
,
Quezon
,
Camarines Norte
,
Camarines Sur
,
Albay
,
Sorsogon
,
Hilagang Samar
,
Samar
,
Silangang Samar
,
Leyte
,
Katimugang Leyte
,
Surigao del Norte
,
Agusan del Norte
,
Agusan del Sur
,
Davao de Oro
,
Davao del Norte
,
Davao del Sur
,
Sarangani
,
Timog Cotabato
,
Lanao del Norte
,
Zamboanga del Sur
,
Zamboanga Sibugay
|
---|
|
---|
|
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang
Pambansang Ruta Blg. 1
(
N1
) ay ang pangunahing pambansang lansangan sa
Pilipinas
na dumadaan mula Luzon hanggang Mindanao. Maliban sa 19 na kilometro (o 12 milyang) puwang sa Kalakhang Maynila at mga ugnayan ng ferry, karaniwang tuluy-tuloy ang lansangan. Karamihang bahagi ng N1 ay bumubuo sa
Pan-Philippine Highway
maliban sa mga bahaging nilalampasan ng mga mabilisang daanan.
Sinusunod ng N1 ang rutang dumadaan mula
Laoag
sa
Ilocos Norte
hanggang
Lungsod ng Zamboanga
sa pamamagitan ng
Kabikulan
,
Silangang Kabisayaan
at silangang bahagi ng Mindanao. Ini-uugnay ng lansangan ang karamihan sa mga sentrong panrehiyon sa kahabaan ng ruta, at dumadaan sa iba't-ibang mga tanawin. Karamihan sa lansangan ay nakapangalang
Lansangang Maharlika
o
Daang Maharlika
(
Maharlika Highway
), ngunit gumagamit ang ibang mga bahagi ng ibang mga pangalan.
Nagsisimula ang N1 sa
Laoag
, sa upong ng
Lansangang MacArthur
(N2) sa harap ng Kapitolyong Panlalawigan ng Ilocos Norte. Dadaan ito bilang
Abenida Heneral Segundo
(
General Segundo Avenue
), isa sa mga pangunahing lansangan ng lungsod na dumadaan sa kabayanan nito at patungo sa labas nito. Pagpasok sa
Bacarra
, ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na nililinyahan ng 69,000 boltaheng linya ng kuryente na tumatanggap ng kuryente mula sa
Bangui Wind Farm
. Nilalagpasan ng lansangan ang kabayanan ng Bacarra sa hilaga at tutungo ito sa pangkabukirang pook at pagkatapos papasok sa
Pasuquin
, kung saang nagsisilbi itong pangunahing pambayang kalye. Ito ay nagiging pangkabukirang lansangan na may dalawang landas mula Bacarra hanggang
Burgos
na malapitang kalinya ang linyang transmisyon mula Burgos Wind Farm at dadaan sa mga kalat-kalat na barangay sa kahabaan ng baybay-dagat ng
Dagat Timog Tsina
(o
Dagat Kanlurang Pilipinas
). Aakyat ito sa mga bundok pagdating nito sa Burgos, kung saang tuwirang naglilingkod ito sa bayan. Magliliku-liko ang lansangan sa baku-bakong lupa at matutunghan ang dalampasigang kinaroroonan ng Bangui Wind Farm. Dadaan naman ito sa
Bangui
na kung saang nagsisilbi itong pangunahing kalye nito. Tatawirin nito ang Ilog Bulu at papasok sa
Pagudpud
kung saang nilalagpasan ng N1 ang kabayanan nito. Dadaan ang N1 sa mga paanan ng bundok na tanda sa dulo ng
Cordillera ng Hilagang Luzon
at dadaan malapit sa baybay-dagat ng
Bambang ng Bashi
, kung saang liliku-liko ang lansangan sa mga bangin. Sa ibaba ng Bundok Patapat, dadaan ang lansangan sa
Biyadukto ng Patapat
, isang 630 metro o 0.39 milyang mahabang tulay o biyadukto na kinakailangan upang makadaan ang lansangan sa mga matarik na bangin na tumatanda sa hilagang dulo ng Luzon Cordillera.
Papasok kalaunan ang N1 sa
Bulacan
, sa
San Miguel
, kung saang dadaan ito sa tuwid na ruta at kilala bilang
Lansangang Dona Remedios Trinidad
(
Dona Remedios Trinidad Highway
, na mas kilala bilang
DRT Highway
). Papasok naman ito sa kabayanan o poblasyon ng San Miguel na nilalagpasan nito. Sisimulang magliko ang lansangan sa karamihan sa kahabaan nito sa pagitan ng
San Ildefonso
at
San Rafael
, kung saang dadaan ang ruta sa mga palayan. Susunod nang malapitan ang N1 sa koridor ng transmisyon sa pagitan ng hangganang San Miguel-San Ildefonso at San Rafael. Babagtasin ng Plaridel Bypass Road ang lansangan bago tunungo sa San Rafael. Liliko patimog-kanluran malapit sa
Baliwag
ang lansangan, kung saang papasok sa nabanggit na bayan ang lumang Daang Cagayan Valley. Nagsisilbi bilang isang daang panlagpas ng Baliwag ang lansangan, kalakip ang isang
flyover
na itinayo sa ibabaw ng sangandaan sa isang pambansang daan patungong
Candaba
,
Pampanga
. Tutuloy ang lansangan sa
Pulilan
kung saang nagsisilbi itong pangunahing ruta sa mga silangang barangay nito. Babagtasin ito ng
Daang Panrehiyon ng Pulilan
sa puntong ito, at pagkatapos ay tatawid ito sa ibabaw ng
Ilog Angat
patungo sa
Plaridel
. Nagsisilbi itong pangunahing lansangang pangkomersiyo sa nabanggit na bayan.
Sa
Guiguinto
, tatawirin nito ang
North Luzon Expressway
(NLEX) kalakip ang isang palitan. Kalauna'y tatawirin nito ang unang ruta ng NLEX (Daang Sangay ng Tabang) sa barangay Tabang, kung saang tatawirin din nito ang karapatang-daan ng
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
. Magsisimulang sundin ng N1 ang
Lansangang MacArthur
na nagsisilbingwalang-bayad na lansangan sa katimugang Bulacan. Kalauna'y papasok ito sa
Balagtas
kung saang direktang dadaan ito sa kabayanan nito. Tatawid ang lansangan sa ibabaw ng Ilog Bigaa, at pagkatapos ay dadaan ito sa mga pook-pampamahayan at pang-industriya. Liliko ito pagpasok ng
Bocaue
, kung saang nilalagpasan ng lansangan ang kabayanan nito. Tatawid sa
Abenida Fortunato Halili
ang
flyover
na para lamang sa mga magaan na sasakyan, at ang mga daang serbisyo ay nagsisilbing mga rutang
frontage
at para sa mga mabigat na sasakyan. Liliko naman ang N1 at dadaan sa mga pampamahayang barangay ng Bocaue at papasok sa
Marilao
paglaon.
Pagpasok ng Kalakhang Maynila, susundan ng N1 ang ruta ng Lansangang MacArthur sa
Valenzuela
, na dadaan sa pang-apatan hanggang pang-animang lansangan hanggang sa Bantayog ni Bonifacio (
Monumento
) sa
Caloocan
. Liliko ang lansangan sa
EDSA
(Abenida Epifanio de los Santos), at susundin nito ang kabuoang ruta ng abenida hanggang sa
Pasay
. Kilalang-kilala ang bahaging ito ng N1 sa matinding paninikip ng trapiko na nagdudulot ng mga antala gayunding kawalan sa ekonomiko ng daklungsod. Dadaan ang lansangan sa mga distritong sentral ng negosyo sa Kalakhang Maynila, pinakakilala ay
Lundayang Araneta
,
Lundayang Ortigas
, at
Distritong Sentral ng Negosyo ng Makati
. Gumagamit ang
Ikatlong Linya ng MRT
at karugtong ng
Unang Linya ng LRT
ng
center island
sa karamihang mga bahagi ng EDSA sa pagitan ng Caloocan at Pasay. Tatapos ang N1 sa ilalim ng
flyover
ng EDSA sa Pasay. Isang 19 na kilometro o 12 milyang puwang sa lansangan ay nilalaan ng
South Luzon Expressway
at
Metro Manila Skyway
sa pagitan ng Makati at Muntinlupa.
Ang puwang na ito ay dapat sanang inilalaan ng Karugtong ng
Abenida Taft
, mula EDSA patimog sa mga lansangan ng
Abenida Elpidio Quirino
at
Abenida Diego Cera
at matatapis sa Lansangang Maharlika sa ibaba ng Biyadukto ng Alabang sa pamamagitan ng
Daang Alabang?Zapote
, kung hindi lamang binigyan ngpanibagong bilang ang mga ito. Dating itinakda ang N1 sa mga abenida ng
Rizal
, Taft, Quirino, at Diego Cera, at Daang Alabang?Zapote ayon sa lumang sistema ng pamilang ng ruta (bago ang taong 2014), bago pinalitan ang pagtatakdang ito ng sariling mga bilang ng ruta.
Sisimula muli ang N1 sa ilalim ng Biyadukto ng Alabang sa
Alabang
,
Muntinlupa
, kung saang babagtasin nito ang
South Luzon Expressway
(SLEX/E2/
AH26
),
Daang Alabang?Zapote
, at Kalye Montillano (N142). Gagampanin ng lansangan ang pangalang
Lansangang Maharlika
(
Maharlika Highway
), o pampook ay
Pambansang Daan
(
National Road
). Kilala rin itong
Manila South Road
. Dadaan ito bilang isang pang-komersiyo na arteryal hanggang sa hangganan nito sa
Laguna
sa ibabaw ng
Ilog Tunasan
.
Pangkaraniwang nagsisilbi na pang-apatang lansangan na walang bayad ang N1 sa mga lungsod-naik ng hilaga-kanlurang Laguna katabi ng may-bayad na
South Luzon Expressway
. Nakapangalan pa rin itong Lansangang Maharlika, Pambansang Daan (
National Road
), o Manila South Road. Karamihan sa N1 sa mga lungsod ng
San Pedro
,
Binan
,
Santa Rosa
,
Cabuyao
, at
Calamba
ay nagsisilbing mga kalyeng pangkomersiyo. Karamihan nito ay nililinyahan ng mga kubtransmisyong linyang mataas ang boltahe na pinatatakbuhan ng Meralco, na nakalagay sa kahabaan ng lansangan para sa mga sanhing pang-ekonomiko at pangmadadaanan. Maliban sa isang tulay sa San Pedro na hindi pa napapalawak, karamihan sa N1 ay may apat na mga linya na may nakapinturang panghati sa gitna.
Papasok ito sa Laguna sa San Pedro kung saang ito ay pangunahing daang pangkomersiyo na may pinakamaraming bilang na apat na mga linya. Sa Binan babagtasin nito ang
N65
sa isang may-ilaw trapiko na sangandaan sa kanluran ng poblasyon o kabayanan.
Ang
Laoag Bypass Road
ay isang walong kilometro (o limang milyang) daang panlagpas na nagsisilbing alternatibong ruta papuntang
Paliparang Pandaigdig ng Laoag
.
Ang
Lansangang Felipe Vergara
(
Felipe Vergara Highway
) ay isang sampung kilometro (o 6.2 milyang) daang panlagpas ng N1 sa
Cabanatuan
,
Nueva Ecija
. Pinananatili ito ng lungsod ng Cabanatuan.
Ang
Pili Diversion Road
ay isang daan sa bayan ng
Pili
, kabisera ng
Camarines Sur
, na nilalagpasan ang pusod o kabayanan nito.
Ang
Pambansang Lansangan ng Carlos P. Garcia
, kilala rin bilang
Davao Bypass Road
,ay isang 18 kilometro o 11 milyang pambansang daan na may dalawa hanggang anim na mga landas at nilalagpasan ang
N1
mula Lanang papuntang Bangkal. Tuwirang dumadaan ito patungong hilagang bahagi ng
Lungsod ng Dabaw
, lalo na ang Distrito ng Buhangin.
|
---|
Mga pambansang daang primera
|
| |
---|
Mga pambansang daang sekundarya
| Luzon
| |
---|
Kabisayaan
| |
---|
Mindanao
| |
---|
|
---|
|