Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Lalawigan ng Mardin
(
Klasikong Siriako
:
????
,
Turko
:
Mardin ili
,
Kurdo
:
Parezgeha Merdine
,
Arabe
: ??????,), ay isang
lalawigan
sa
Turkiya
na may tinatayang populasyon na 809,719 noong 2017 samantala noong 2000, ang populasyon ay 835,173. Ang kabisera ng lalawigan ay ang lungsod ng Mardin (
Klasikong Siriako
:
???????
"Mardin" sa kaugnay ng wikang Semitiko na
Arabe
: ??????,
Mard?n
). Matatagpuan malapit sa tradisyunal na hangganan ng
Anatolia
at
Mesopotamia
, mayroon itong iba't ibang populasyon, na binubuo ng
mga Kurdo
,
Arabo
at
Asirio
, kasama ng mga Kurdo na binubuo ng mayorya ng populasyon ng lalawigan.
[2]
Nagmula ang Mardin mula sa salitang
Siriako
na (????) at nangangahulugang "mga muog".
[3]
[4]
Ang unang kilalang
kabihasnan
sa Mardin ay ang mga Subartu-Hurrita na pinalatan noong 3000 BCE ng mga Hurrita. Nakuha ito ng
mga Elamita
noong mga 2230 BCE at sinundan ng mga
Babilonia
,
Heteo
,
Asiriano
,
Romano
at
Bisantino
.
[5]
Mga distrito ng Mardin
Ang lalawigan ng Mardin ay nahahati sa 10
distrito
(nasa
makapal
ang distritong kabisera):
- Mardin
(kalagitnaang distrito, ipinangalang Artuklu pagkatapos ng 2014)
- Dargecit
- Derik
- Kızıltepe
- Mazıda?ı
- Midyat
- Nusaybin
- Omerli
- Savur
- Ye?illi