Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Labanan ng Hastings, ni Philip James de Loutherbourg (1740-1812).
Ang
Labanan ng Hastings
o
Labanan sa Hastings
(Ingles:
Battle of Hastings
) ay nangyari noong Oktubre 14, 1066. Ito ang tagumpay ng mga
Normando
na nagbigay-daan sa
Kongkistang Normando
ng Inglatera, na pinaglabanan sa pagitan ng hukbong Normando ni
Duke Guillermo II ng Normandia
at ng hukbong
Ingles
ni Haring
Harold II
.
[1]
Ang labanan ay ginanap sa Burol ng Senlac, humigit-kumulang na 6 milya sa hilagang-kanluran ng
Hastings
, malapit sa kasalukuyang lungsod ng Battle, Silangang Sussex.
Si Harold II ay napatay sa labanan - ang alamat ay natusok ang kaniyang mata ng isang sibat. Kahit na mayroong pagtutol ang mga Ingles sa mga sumunod na panahon, ang labanang ito ay nagtaguyod sa pagkakaroon ni Guillermo ng kapangyarihan sa Inglatera,
[2]
at sa gayon siya ay naging unang pinunong Normando nito bilang Haring Guillermo I.
Ang bantog na
Burda ng Bayeux
ay naglalarawan sa mga pangyayari bago at habang umiiral ang labanan. Ang Abadiya ng Battle sa Silangang Sussex ay itinayo sa lupa na kung saan ginanap ang labanan.
- ↑
Sa artikulong ito, ang mga petsang bago mag ika-14 ng Setyembre 1752 ay sa Kalendaryong Hulyano; ang mga sumunod na petsa ay sa Kalendaryong Gregoryo.
- ↑
Paul K. Davis, 100 Decisive Battles from Ancient Times to the Present: The World's Major Battles and How They Shaped History (Oxford: Oxford University Press, 1999), 113.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Digmaan
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.