Nakaturo ang "Japan" dito. Para sa para sa ibang gamit ng Japan, tingnan ang
Japan (paglilinaw)
.
Tungkol sa bansang Hapon ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang
Hapon (paglilinaw)
.
Hapon
日本?
(
Hapones
)
Nippon-koku
o
Nihon-koku
|
---|
|
Awitin:
君が代
Kimigayo
"Paghahari ng Kanyang Kamahalang Imperyal"
|
Lunting Maitim
: Lupaing Hapones.
Lunting Mapusyaw
: Lupaing inaangkin ngunit hindi pinamamahalaan.
|
Kabisera
at pinakamalaking
lungsod
| Tokyo
35°41′N
139°46′E
/
35.683°N 139.767°E
/
35.683; 139.767
|
---|
Pambansang wika
| Hapones
|
---|
Katawagan
| Hapones
|
---|
Pamahalaan
| Unitaryong
parlamentaryong
monarkiyang pansaligang batas
|
---|
|
| Naruhito
|
---|
| Fumio Kishida
|
---|
|
Lehislatura
| Pambansang Diyeta
|
---|
? Mataas na Kapulungan
| Kapulungan ng mga Konsehal
|
---|
? Mababang Kapulungan
| Kapulungan ng mga Kinatawan
|
---|
|
|
| Pebrero 11, 660 BK
|
---|
| Nobyembre 29, 1890
|
---|
| Mayo 3, 1947
|
---|
|
|
? Kabuuan
| 377,975 km
2
(145,937 mi kuw) (ika-62)
|
---|
? Katubigan (%)
| 1.4 (noong 2015)
|
---|
|
? Pagtataya sa 2021
| 125,502,000 (ika-11)
|
---|
? Senso ng 2020
| 126,226,568
|
---|
? Densidad
| 332/km
2
(859.9/mi kuw) (
ika-24
)
|
---|
KDP
(
PLP
)
| Pagtataya sa 2021
|
---|
? Kabuuan
| $5.586 trilyon (ika-4)
|
---|
? Bawat kapita
| $44,585 (ika-27)
|
---|
KDP
(nominal)
| Pagtataya sa 2021
|
---|
? Kabuuan
| $5.378 trilyon (
ika-3
)
|
---|
? Bawat kapita
| $42,928 (ika-23)
|
---|
Gini
(2018)
| 33.4
katamtaman
· ika-78
|
---|
TKP
(2019)
| 0.919
napakataas
· ika-19
|
---|
Salapi
| Yen ng Hapon
(¥)
|
---|
Sona ng oras
| UTC
+09:00
(
JST
)
|
---|
Gilid ng pagmamaneho
| kaliwa
|
---|
Kodigong pantelepono
| +81
|
---|
Internet TLD
| .jp
|
---|
Ang
Hapon
(
Hapones
:
日本
;
Nippon
o
Nihon
) ay bansang pulo na matatagpuan sa
Silangang Asya
. Ito'y nasa hilagang-kanlurang
Karagatang Pasipiko
, at nasa kanluran ng
Dagat Hapon
, habang umaabot mula sa
Dagat Ohotsk
sa hilaga patungo sa
Dagat Silangang Tsina
at
Taywan
sa timog. Bahagi ang bansa ng
Singsing ng Apoy ng Pasipiko
at sumasaklaw sa isang
kapuluan
ng 6852 pulo na mayroong lawak na 377,975 kilometrong kuwadrado; ang limang pangunahing isla ay ang
Honshu
,
Hokkaido
,
Shikoku
,
Kyushu
, at
Okinawa
. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay
Tokyo
.
Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang
Bundok Fuji
. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko. Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng
mga Nagkakaisang Bansa
,
G8
, at ng
APEC
.
Isinusulat sa
wikang Hapones
ang pangalan para sa Hapon gamit ang
kanji
na
日本
at binibigkas na
Nippon
o
Nihon
. Nangangahulugan ang simbolong
日
(
nichi
) na "araw" at
本
(
hon
) na "base" o "pinagmulan"; kapag pinagsama, maisasalin ito na "pinagmulan ng araw". Galing ang nomenklaturang ito sa pagsusulatan sa
Dinastiyang Sui
, dahil sa perspektibo ng mga Tsino ay sumisikat ang araw mula sa Hapon. Dito galing ang tanyag na Kanluraning epiteto na "Lupain ng Sumisikat na Araw".
[1]
:143?144
Bago opisyal na ginamit ang
Nihon
, nakilala ang Hapon sa Tsina bilang
Wa
(倭) o
Wakoku
(倭?), at sa lokal na lugar sa endonimong
Yamato
. Pangalan ang Wa na ginamit noong maagang bahagi sa Tsina upang tumukoy sa pangkat-etnikong Yayoi na naninirahan sa Hapon noong panahon ng
Tatlong Kaharian
. Pangunahing nanirahan sila sa islang
Kyushu
hanggang sa rehiyong
Kant?
sa
Honshu
. Kinaugaliang isinulat ng mga eskribang Tsino, Koreano, at Hapones ang Hapon bilang
Wa
o
Yamato
na may Tsinong karakter na 倭 hanggang sa ika-8 siglo, nang makita ng mga Hapones ang pagkakamali dahil sa lapastangang konotasyon nito, at pinalitan ng 和 o "armonya, kapayapaan, balanse".
Ang isang kulturang
Paleolitiko
noong mga 30,000 BCE ang bumubuo ng unang alam na pagtira ng tao sa kapuluang Hapones. Ito ay sinundan noong mga 14,000 BCE na pasimula ng panahong
J?mon
ng isang kulturang
Mesolitiko
hanggang
Neolitiko
na semi-sedentaryong mangangaso-tagpagtipon na kultura na kinabibilangan ng mga ninuno ng parehong mga kontemporaryong
taong Ainu
at
taong Yamato
na inilalarawan ng mga tirahang hukay at isang rudimentaryong agrikultura. Ang mga pinalamutiang putik na tapayan ang ilan sa mga pinakamatandang umiiral na halimbawa ng palayukan sa mundo. Noong mga 300 BCE, ang isang uri ng mga bagong tao na mga
Yayoi
na marahil ay galing sa kontinenteng Asya ay nagsimulang pumasok sa kapuluang Hapon. Sila ang nagmarka ng mga bagong kasanayan tulad ng pagtatanim ng
bigas
, mga sinaunang uri ng
pananahi
, pagpapaamo sa mga
kabayo
at
baka
, at paggamit ng mga
bakal
at
tanso
bilang kagamitan. Ang kanilang kultura ay humalo sa unang kultura ng Jomon. Ang Hapon ay unang lumitaw sa isinulat na kasaysayan sa isang Aklat na Tsino na
Aklat ng Han
. Ayon sa
Talaan ng Tatlong Kaharian
, ang pinakamakapangyarihang kaharian sa kapulugang Hapones ay noong ikatlong siglo na tinatawag
Yamataikoku
. Ang pinakaunang naisulat na kasaysayan patungkol sa Hapon ang
Kojiki
at
Nihon shoki
na nagsasalaysay ng
mito ng paglikhang Hapones
hinggil sa pinagmulan ng langit at mundo gayundin
sa pinagmulan ng kapuluang Hapon
, kung paano nabuo ang pundasyon ng estado at ang unang emperador ng Hapon na si
Emperador Jimmu
noong 660 BCE. Si Emperador Jimmu ay apo sa tuhod ni
Ninigi-no-Mikoto
na bumabang mula sa langit na apo naman ng Diyosa ng araw na si
Amaterasu
. Sa mga Hapones, ang kanilang mga Diyos ay mababait, matatalino at marangal. Ang
panahong Nara
(710?794 CE) ay nagmarka ng pag-ahon ng isang malakas na estadong Hapones na nakasentro sa isang korteng imperyal sa Heij?-ky? (modernong
Nara
). Ito ay inilalarawan ng paglitaw ng umaahong panitikan gayundin ang pag-unlad ng mga sining at arkitekturang Budista. Noong 784, nilipat ni
Emperador Kammu
ang kabisera mula Nara tungo sa
Nagaoka-ky?
bago muling ilipat sa
Heian-ky?
(modernong
Kyoto
) noong 794. ito ang pasimula ng
panahong Heian
(794?1185 CE) kung saan ang isang natatanging katutubong kulturang Hapones ay lumitaw na kilala sa sining, tula at prosa. Ang
Ang Kuwento ni Genji
at titik ng pambansang awitin ng Hapon na
Kimi ga Yo
ay isinulat. Ang
Budismo
ay kumalat sa panahong Heian na pangunahing sa pamamagitan ng dalawang mga sektang
Tendai
ni
Saich?
at
Shingon
ni
K?kai
. Ang
Budismong Dalisay na Lupain
(J?do-sh?, J?do Shinsh?) ay sumikat sa huling kalahati ng ika-11 siglo. Ang
Panahong Yamato
, mula sa ika-6 siglo hanggang ika-9 siglo, ay nakitaan ng pagbuo ng isang dominanteng politika na nakasentro sa kapatagang Yamato sa katimugang bahagi ng pangunahing pulo ng Hapon ng Honshu. Sinasabi nila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga diyos ng araw at natamo ang kaisahang pampolitika,mga nasa kalagitnaan ng ika-apat na siglo. Pinag-igi naman ang reporma ng
Taika
ng 645, kung saan ang lahat ng lupain ay kinukuha ng hari at ang pagsisimula ng mas pinagbuting pagbubuwis. Ang panahong ito ay nakitaan din ng unang paggamit sa salitang
Nihon
(日本) bilang pangalan ng pabuo ng estado.
Ang panahong
pyudal
ng Hapon ay inilalarawan ng paglitaw at pananaig ng klase ng mga mandirigma na
samurai
. Noong 1185 kasunod ng pagkatalo ng liping
Taira
sa
digmaang Genpei
noong, ang samurai na si
Minamoto no Yoritomo
ay hinirang na
shogun
at nagtatag ng base ng kapangyarihan sa
Kamakura
. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang liping
H?j?
ay umakyat sa kapangyarihan bilang mga regent ng mga shogun. Ang
Budismong Zen
ay ipinakilala mula sa Tsina sa panahong Kamakura at sumikat sa klaseng samurai. Pinaurong ng shogunatong Kamakura ang mga pananakop ng
Mongol
noong 1274 at 1281 ngunit kalaunang pinabagsak ni
Emperador Go-Daigo
. Si Go-Daigo ay natalo ni
Ashikaga Takauji
noong 1336. Itinatag ni Ashikaga Takauji ang shogunato sa Muromachi, Kyoto na nagpasimula na
panahong Muromachi
(1336?1573). Ang shogunatong Ashikaga ay nagkamit ng kaluwalhatian sa panahon ni
Ashikaga Yoshimitsu
at ang kulturang batay sa
Budismong Zen
ay umunlad. Sa kabilang dako, ang humaliling shogunatong Ashikaga ay nabigong kumontrol sa mga pyudal na daimyo o panginoon ng digmaan at ang isang
digmaang sibil
na
Digmaang ?nin
na nagbubukas ng tumagal ng isang daan taong panahong
Sengoku
. Noong ika-16 siglo, ang mga mangangalakal at misyonaryong Heswita mula sa Portugal ay dumating sa Hapon sa unang pagkakataon na nagpasimula ng isang tuwirang palitang pang-kalakalan at pang-kultura sa pagitan ng Hapon at Kanluran. Sinakop ni
Oda Nobunaga
ang maraming ibang mga daimyo gamit ang mga baril at teknolohiyang Europeo. Pagkatapos niyang paslangin noong 1582, pinag-isa ng kanyang kahaliling si
Toyotomi Hideyoshi
ang bansang Hapon noong 1590. Dalawang beses na sinakop ni Hideyoshi ang Korea ngunit pagkatapos ng mga pagkatalo sa mga pwersang Korean at Tsinong Ming gayundin pagkatapos ng kamatayan ni Hideyoshi, ang mga hukbong Hapones ay umatras noong 1598. Ang panahong ito ay tinatawag na panahong Azuchi-Momoyama (1573?1603). Si
Tokugawa Ieyasu
ang regent para sa anak ni Hideyoshi at ginamit ang kanyang posisyon upang magkamit ng suportang militar at pampolitika. Si Ieyasu ay hinirang na shogun noong 1603 at itinatag ang
shogunatong Tokugawa
sa
Edo
sa modernong
Tokyo
. Ang shogunatong ito ay nagpatupad ng mga hakbang kabilang ang buke shohatto na isang kodigo ng pag-aasal upang kontrolin ang autonomosong daimyo. Noong 1639 ay ipinatpuad ang patakarang pakikipaghiwalay na sakoku o saradong bansa na tumagal ng 250 taon ng pagkakaisang pampolitika na kilala bilang
panahong Edo
(1603?1868). Ang pag-aaral ng mga agham na Kanluranin na kilala bilang
rangaku
ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Dutch enclave sa Dejima sa Nagasaki. Ang panahong ito ay nagpalitaw rin ng
kokugaku
o mga pambansang pag-aaral na pag-aaral ng Hapon ng mga Hapones.
Noong 31 Marso 1854, pwersahang binuksan ni
Commodore Matthew Perry
at ng "Black Ships" ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos ang Hapon sa panlabas na daigdig sa
Kumbensiyon ng Kanagawa
. Ang mga kalaunang kasunduan sa mga
bansang Kanluranin
sa panahong
Bakumatsu
ay nagdulot ng mga krisis ekonomiko at pampolitika. Ang pagbibitiw ng
shogun
ay humantong sa pagtatatag ng isang sentralisdong estado na pinagkakaisa ng Emperador o restorasyong Meiji. Sa pag-ampon ng Hapon ng mga institusyong pampolitika, hudisyal at militar ng
Kanluranin
, ang
Gabinete ng Hapon
ay pinangasiwaan ng Konsehong Privy na ipinakilala ng
Saligang Batas na Meiji
at nagtipon ng
Imperyal na Diet
. Ang pagpapanumbalik na Meiji ay nagpabago sa Imperyo ng Hapon tungo sa isang industriyalisadong pandaigdigang kapangyarihan na nagpursigi ng mga alitang militar upang palawakin ang impluwensiya nito. Pagkatapos ng
Unang Digmaang Sino-Hapones
(1894?1895) at
Digmaang Ruso-Hapones
(1904?1905), nakontrol ng Hapon ang Taiwan, Korea at katimugang kalahati ng
Sakhalin
. Ang maagang ika-20 siglo ay nakakita ng maikling panahon ng demokrasyang Taish? na napanaigan ng papalaking pagpapalawig at militarisasyon ng Hapon. Ang
Unang Digmaang Pandaigdig
ay pumayag sa Hapon sa panig ng mga nagwaging Alyado na palawakin ang teritoryo nito. Ito ay nagpatuloy sa pananakop ng
Manchuria
noong 1931. Dahil sa pagkundena ng ibang bansa sa pananakop ng Hapon, ang Hapon ay nagbitiw sa
Liga ng mga Bansa
pagkatapos ng dalawang taon. Noong 1936, ang Hapon ay lumagda sa Kasunduang Anti-Comintern sa
Alemanyang
Nazi
. Ang
Kasunduang Tripartite
noong 1940 ay gumawa sa Hapon na isa sa
Kapangyarihang Aksis
. Noong 1941, ang Hapon ay nakipagkasundo sa
Kasunduang Neutralidad na Sobyet-Hapones
. Sinakop ng
Imperyo ng Hapon
ang ibang mga bahagi ng
Tsina
noong 1935 na nagtulak sa
Ikalawang Digmaang Sino-Hapones
(1937?1945). Mabilis na nabihag ng Hukbong Imperyal na Hapones ang kabiserang
Nanjing
at isinagawa ang
Masaker sa Nanking
. Noong 1940, sinakop ng Imperyo ng Hapon ang Pranses na
Indotsina
na nagtulak sa Estados Unidos na maglagay ng
embargo
ng langis sa Hapon. Noong 7 Disyembre 1941,
sinalakay ng Hapon ang baseng pandagat
ng hukbo ng Estados Unidos sa
Pearl Harbor
at nagdeklara ng digmaan dito na nagtulak sa Estados Unidos upang pumasok sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
. Ang Pilipinas ay surpresang sinalakay ng mga Hapones noong 8 Disyembre 1941 mga 10 oras pagkatapos ng
pag-atake sa Pearl Harbor
sa Hawaii. Ang mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan laban sa mga Hapones ay sumuko noong 9 Abril 1942 at napilitang magtiis sa
Martsa ng Kamatayan sa Bataan
kung saan ang mga 2,000 hanggang 10,000 Pilipino at mga 100 hanggang 650 Amerikano ay namatay o pinatay. Ang mga 13,000 nakaligtas ay sumuko sa Corregidor noong 5 Mayo 1942. Agad na binuwag ng mga autoridad na Hapones ang nakaraang pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos at itinatag ang isang bagong puppet na pamahalaan noong 1943 sa ilalim ni Pangulong
Jose Laurel
. Ang Hong Kong ay sumuko sa mga Hapones noong 25 Disyembre 1941. Sa
Malaya
, napaatras ng mga Hapones ang hukbong alyado na binubuo ng mga pwersang British, Indian, Australian at Malay sa Singapore. Noong 15 Pebrero 1942, ang
Singapore ay bumagsak sa mga pwersang Hapones
na nagdulot ng pinakamalaking pagsuko ng pinamunuan ng British na militar na personnel sa kasaysayan. Ang tinatayang mga 80,000 Indian, Australyano at British ay binihag. Pagkatapos ng pananakop ng Sobyet sa
Manchuria
at mga pagbagsak ng Estados Unidos ng mga bombang atomiko sa
Hiroshima
at
Nagasaki
noong 1945, ang Hapon ay umayon sa isang walang kondisyong pagsuko noong 15 Agosto 1945. Ang digmaan ay nagdulot ng maraming mga kamatayan sa Hapon at pagkasira ng industriya at imprastruktura nito. Ibinalik ng
Mga Alyado ng Digmaan
na pinamunuan ng Estados Unidos ang mga katutubong Hapones mula sa kolonya at mga kampong militar sa buong Asya. Ito ay malaking nag-alis ng Imperyo ng Hapon at nagbalik ng kalayaan sa mga sinakop nitong teritoryo. Nagtipon rin ang
Mga Alyado
ng isang Internasyonal na Tribunal na Miltaryo para sa
Malayong Silangan
noong 3 Mayo 1946 upang litisin ang ilang mga pinunong Hapones para sa mga
krimeng pandigmaan
. Gayunpaman, ang mga unit ng pananaliksik na hinggil sa bakterya gayundin ang mga kasapi ng Hukbong Imperyal ng Hapon na nasangkot sa digmaan ay napalaya mula sa paglilitis na kriminal ng Supreme Allied Commander sa kabila ng mga pagtawag sa paglilitis ng parehong pangkat. Noong 1947, ang isang bagong Saligang Batas ay nilikha sa Hapon na nagbibigay diin sa mga kasanayang liberal demokratiko. Ang pananakop ng
Mga Alyado
sa Hapon ay nagtapos sa
Kasunduan sa San Francisco
noong 1952 at ang Hapon ay pinagkalooban ng pagsapi sa
United Nations
noong 1956. Kalaunan ay nagkamit ang Hapon ng isang mabilis na paglago at naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo hanggang sa malampasan ng Tsina noong 2010.
Ang Hapon ay isang
monarkiyang konstitusyonal
, kung saan ang kapangyarihan ng
Emperador
ay kakaunti o limitado lamang. Siya ay itinakda ng
saligang batas
bilang "simbolo ng estado at ng pagkakaisa ng pamayanan". Pangunahing hawak ng
Punong Ministro ng Hapon
at ng mga halal na kasapi ng
Diet
ang kapangyarihan sa pamamahala, samantalang nasa mga Hapones ang karapatan sa soberenya.
[2]
Ang hari ang gumaganap na
pinuno ng estado
sa mga okasyong diplomatiko. Si
Naruhito
ang kasalukuyang
Emperador ng Hapon
.
Ang lehislatibong sangay ng pamahalaan ng Hapon ay ang
Pambansang Diet
, isang
parliyamentong
bikameral. Ang Diet ay binubuo ng isang
Kapulungan ng mga Kinatawan
, na may 480 na puwesto, hinahalal bawat apat na taon o kung ito ay buwagin at ng
Kapulungan ng mga Konseho
na may 242 puwesto at hinahal bawat anim na taon. Ang pangkalahatang karapatang bumoto ay itinakda sa 20 taong gulang.
[3]
Ang
Punong Ministro ng Hapon
ang
pinuno ng pamahalaan
. Ang posisyon ay itinatalaga ng
Emperador ng Hapon
pagkatapos hirangin ng
Diet
mula sa mga kasapi nito at dapat makuha ang pagtitiwala ng
Kapulungan ng mga Kinatawan
upang manatili sa puwesto. Ang Punong Ministro din ang pinuno ng
Gabinete
at nagtatalaga at nag-aalis ng mga
Ministro ng Estado
, at ang karamihan nito ay dapat kasapi ng Diet.
Pinapanatili ng Hapon ang malapit na ugnayang pang-ekonomiya at pansandatahan sa kanyang pangunahing kaalyado, ang
Estados Unidos
, na ang
Alyansang katiwasayan ng Estados Unidos-Hapon
ang nagsisilbing haligi ng kanilang
patakarang panlabas
.
[4]
Isang bansang kasapi ng
Mga Nagkakaisang Bansa
simula pa noong 1956, at nanilbihang bilang isang hindi-permanenteng kasapi ng
Kapulungang Panseguridad
na may kabuuang labing siyam na taon, na ang pinakahuli ay noong 2009 at 2010. Isa rin ito sa mga kasapi ng
Pangkat ng Apat
na naglalayong makakuha ng permanenteng pagkakasapi sa Kapulungang Panseguridad.
[5]
Bilang kasapi ng
G8
,
APEC
,
ASEAN Plus Three
, at bilang kalahok ng
East Asia Summit
, Ang Hapon ay aktibong nakikilahok sa mga pandaigdigang kapakanan at sa pagpapabuti ng mga diplomatikong relasyon sa mga mahahalagang bansa buong mundo. Lumagda ang Hapon nang isang kasunduang panseguridad sa
Australia
noong Marso 2007
[6]
at sa
Indiya
noong Oktubre 2008.
[7]
Ang Hapon din ang ikatlong pinakamalaking tagapagbigay ng tulong pagpapaunlad pagkatapos ng
Estados Unidos
at
Nagkakaisang Kaharian
, na nagbigay ng EU$8.86 bilyon noong 2004.
[8]
Ang Hapon ay kasama rin sa ilang mga alitang teritoryal sa mga kalapit bansa nito: sa
Rusya
dahil sa mga Pulo ng Timog Kuril, sa
Timog Korea
dahil sa
mga batong Liancourt
, at sa
Republikang Popular ng Tsina
at
Taiwan
dahil sa
Mga pulo ng Senkaku
Binubuo ang Hapon ng
apatnapu't pitong mga prepektura
, na pinamamahalaan ng isang gubernador na tagapagbatas at administratibong burokrasya. Ang bawat ay nahahati pa sa mga lungsod, bayan at mga nayon.
Ang Hapon ay isang bansang may mahigit sa tatlong libong mga pulo na matatagpuan sa baybayin ng
Pasipiko
. Ang panguning mga pulo nito, mula timog hanggang timog, ay ang
Hokkaid?
,
Honsh?
(ang pangunahing pulo),
Shikoku
at
Ky?sh?
. Ang
Kapuluan ng Ryukyu
, kasama ang
Okinawa
, ay tanikala ng mga pulo sa timog ng Kyush?. Sa kabuuan tinatawag silang
Kapuluang Hapones
.
Nasa 70% hanggang 80% ng bansa ay kagubatan, mabundok,
[9]
[10]
at hindi angkop sa pagsasaka, industriya, o paninirahan. Ito ay dahil sa pangkahalatang katarikan ng lupa, klima at ang banta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol, malambot na lupa at malalakas na ulan. Ito ay nagdulot ng napakataas na densidad ng populasyon sa mga sonang maaaring tirahan na pangunahing matatagpuan sa mga baybayin lokasyon. Isa ang Hapon sa mga bansang may pinakamataas ang densidad ng populasyon sa buong mundo.
[11]
Ang lokasyon nito sa
Pacific Ring of Fire
, sa sugpungan ng tatlong platong tektoniko, ang nagbibigay sa Hapon ng madalas na mahihinang pagyanig at okasyunal na aktibidad ng mga bulkan. Ang mga malalakas ng
lindol
, na kadalasang nagdudulot ng
tsunami
, ay nagaganap ng ilang ulit bawat isang dantaon.
[12]
Ang klima ng Hapon ay pangkalahatang katamtaman, subalit labis na nag-iiba mula hilaga patimog.
[13]
Ang katangiang heograpikal ng Hapon ay nahahati sa anim na pangunahing sonang pangklima:
- Hokkaid?
: Ang pinakahilagang sona na may katamtamang klima na may mahaba, malamig na taglamig at malamig na tag-araw. Hindi madalas ang pag-ulan, subalit ang mga pulo ay kadalasang nakakabuo ng malalalim na niyebe tuwing tag-lamig.
- Dagat ng Hapon
: Sa kanlurang bahagi ng Honsh?, ang hanging hilagang kanluran tuwing taglamig ay nagbibigay ng maraming niyebe. Tuwing tag-init,a ng rehiyon ay mas malamig kaysa sa bahaging Pasipiko, subalit paminsan minsan ay nakakaranas ng mainit na temperatura, dahil sa hindi pangkaraniwang
hanging foehn
- Gitnang Kabundukan
: May tipikal na klimang panloob, na may malaking pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng tag-init at tag-araw, at sa pagitan ng araw at gabi. Ang pag-ulan ay hindi madalas.
- Panloob na Dagat ng Seto
: Ang kabundukan ng
Ch?goku
at ang rehiyong
Shikoku
ay humaharang sa pana=panahong pagbabago ng hangin, at nagbibigay ng mahinahon na klima sa kabuuan ng taon.
- Karagatang Pasipiko
: ang silangang baybayin ay nakakaranas ng malamig na tag-lamig na may kakaunting niyebe, at mainit, maalinsangang tag-init dahil sa timog-silangang hangin.
- Kapuluan ng Ryukyu
: Ang kapuluan ng Ryuku ay may klimang subtropikal na may mabanas na tag-lamig at mainit na tag-init. Madalas ang pag-ulan, lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ang mga
bagyo
ay madalas.
Ang ilang mga katangiang pangistruktura ng paglago ng ekonomiya ng Hapon ay umunlad noong
panahong Edo
gaya ng network ng mga ruta ng paghahatid sa kalye at tubig at mga kontrata sa future, pagbabangko at insurance sa mga broker ng kanin sa Osaka. Noong panahong
panahong Meji
mula 1868, ang ekonomiya ng Hapon ay lumawig sa pagyakap nito ng ekonomiyang pamilihan. Ang karamihan ng mga negosyo ay itinatag sa panahong ito at ang Hapon ang umahon na pinaka-maunlad na bansa sa Asya. Ang panahon ng kabuuang paglagong real sa ekonomiya mula 1960 hanggang 1980 ay tinatawag na
milagrong Hapones pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig
. Sa isang bahagi, ito ay natulungan ng tulong pananalapi ng Estados Unidos ngunit pangunahing sinanhi ng mga isinagawang patakaran ng pamahalaan ng Hapon. Ang natatanging mga katangian ng ekonomiya ng Hapon sa panahong ito ng milagro ay kinabibilangan ng pakikipagtulungan ng mga tagapagmanupaktura, mga tagapagsuplay, mga distributor, at mga bangko sa isang malapit na magkakaugnay na mga pangkat na tinatawag na
keiretsu
; ang mabuting mga unyon ng negosyo at shunt?; mabuting mga ugnayan sa mga byurokrata ng pamahalaan at katiyakan ng habang buhay na trabaho (Sh?shin koy?) sa mga malalaking korporasyon at napaka unyonisadong mga manwal na manggagawa. Ang milagrong ito ay pangunahing itinulak ng mga patakaran ng pamahalaan sa ekonomiya ng Hapon partikular na sa Kagawaran ng Internasyonal na Kalakalan at Industriya. Noong 2012, ang ekonomiya ng Hapon ang ikatlong pinakamalaking ekomomiya sa buong mundo pagkatapos ng Estados Unidos at Tsina hinggil sa nominal na GDP. Ito ang ikaapat na pinakamalaking ekonomiya hinggil sa purchasing power parity.
Ang Hapon ay may malaking kapasidad na industriyal. Ito ang tahanan ng ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamaunlad sa teknolohiyang prodyuser ng mga sasakyang motor, elektronika, mga kasangkapan ng makina , mga bakal at mga hindi ferrous na metal, mga barko, mga sustansiyang kemikal, mga textile, at mga prinosesong pagkain.
Ang pangunahing mga inaangkat ng Hapon ang makinarya at mga kasangkapan, mga fossil fuel at mga pagkain sa partikular ang karne ng baka, mga kimikal, mga textile, at mga hilaw na materyal para sa mga industriya nito.
Ang Hapon ay isa sa mga bansang nangunguna sa pananaliksik pang-agham lalo na sa teknolohiya, makinarya, at biomedikal. Ang halos 700,000 mananaliksik na Hapones ay pinagkakalooban ng 130 bilyong US dolyar na budget ng pamahalaan ng Hapon na ikatlong pinakamalaki sa mundo. Ang Hapon ay isang pinuno ng daigdig sa pundamental na pagsasaliksik sa agham. Ang Hapon ay nakalikha ng 16 Nobel laureate sa pisika, kimika o medisina, 3 medalya sa gantimpalang Fields at isang gantimpala sa Gantimpalang Gauss. Ang mga kilalang ambag ng Hapon sa teknolohiya ay sa larangan ng elektronika, sasakyan, makinarya, inhenyeriya ng lindol, industriyal na robotiko, optika, kimikal, semikonduktor at metal. Ang Hapon ay nangunguna sa paglikha at paggamit ng mga robot na nag-aangkin ng higit sa kalahati ng pandaigdigang mga industriyal na robot.
Noong 2008, ang 46.4 porsiyento ng enerhiya sa Hapon ay nalilikha mula sa petrolyo, 21.4 porsiyento mula sa coal, 16.7 mula sa natural gas, 9.7 porsiyento mula sa nuclear power, 2.9 porsiyento mula sa hydropower. Gayunpaman, ang lahat ng mga plantang nukleyar sa Hapon ay pinatigil noong Mayo 2012, dahil sa nangyaring
sakuna sa Fukushima Daiichi
noong 2011.
Ang paggastos ng Hapon sa mga kalye ay ekstensibo. Ang 1.2 milyong km nitong nilatagang kalye ang mga pangunahing paraan ng paghahatid. Ang isang network ng napakabilis at limitadong paggamit na mga kalyeng may toll ay naguugnay ng ma pangunahing lungsod.
Ang populasyon ng Hapon ay tinatayang nasa 127.3 milyon.
[14]
Ang lipunang Hapones ay magkakatulad sa pananalita at kultura na may maliit na bilang ng mga banyagang manggagawa.
[15]
Ang mga
Koreano
,
[16]
Tsino
,
Pilipino
, mga
Brasilyanong Hapones
,
[17]
Perubyanong Hapones
ay ang ilan lamang sa mga maliliit na minorya sa Hapon.
[18]
Noong 2003, mayroong tinatayang 136,000 kanluraning taga-ibang bansa ang nasa Hapon.
[19]
Ang pinakanangingibabaw na katutubong
pangkat etniko
ay ang mga
Taong Yamato
; ang pangunahing pangkat minorya ay kinabibilangan ng katutubong mga
Ainu
[20]
at mga
Ryukyuano
, pati rin ang pangkat minoryang panlipunan gaya ng mga
burakumin
.
[21]
Ang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas na antas ng inaasahang haba ng buhay sa buong daigdig, sa gulang na 81.25 na taon noong 2006.
[22]
Ang populasyong Hapones ay mabilis na tumatanda, epekto ng
baby boom
pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na sinundan ng pagbaba ng ipinapanganak noong huling bahagi ng ika-20 dantaon. Noong 2004, nasa 19.5% ng populasyon ang may gulang na higit sa 65.
[23]
Ang pagbabago sa istrukturang demograpiko ay nagdulot ng ilang mga isyung panlipunan, lalo na ang posibleng pagbaba ng populasyon ng mga manggagawa at ang pagtaas ng gastos ng mga benepisyong panlipunang paseguruhan gaya ng pampublikong planong pensiyon. Maraming mga kabataang Hapones ang tumataas ang pagnanais na hindi mag-asawa o magkapamilya pagtumanda.
[24]
Ang populasyon ng Hapon ay inaaasahang bababa sa 100 milyon pagdating ng 2050 at aabot sa 64 milyon pagdating ng 2100.
[23]
Ang mga Demograpo at ang taga-plano sa pamahalaan ng Hapon ay kasalukuyang nasa mainit na debate kung paano masusulusyunan ang suliranin.
[24]
Ang
Imigrasyon
at pagkakaroon ng insentibo sa mga bagong panganak ay minsang iminungkahing solusyon upang makapagbigay ng mga batang manggagawa upang matugunan ang tumatandang populasyon ng bansa.
[25]
[26]
Dumaranas ang bansang Hapon sa mataas na antas ng pagpapakamatay.
[27]
[28]
Noong 2009, ang bilang ng nagpapakamatay ay lumagpas sa 30,000 sa ika-12 sunod sunod na taon.
[29]
Ang pagpapakamatay ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga taong nasa gulang na 30.
[30]
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa
Hapon
Pagtataya ng populasyon noong Oktubre 1, 2018
|
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Prepektura
|
Pop.
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Prepektura
|
Pop.
|
|
Tokyo
Yokohama
|
1
|
Tokyo
|
Tokyo
|
13,843,403
|
11
|
Hiroshima
|
Hiroshima
|
1,199,252
|
Osaka
Nagoya
|
2
|
Yokohama
|
Kanagawa
|
3,740,172
|
12
|
Sendai
|
Miyagi
|
1,199,252
|
3
|
Osaka
|
Osaka
|
2,725,006
|
13
|
Chiba
|
Fukuoka
|
945,595
|
4
|
Nagoya
|
Aichi
|
2,320,361
|
14
|
Kitakyushu
|
Chiba
|
977,247
|
5
|
Sapporo
|
Hokkaid?
|
1,966,416
|
15
|
Sakai
|
Osaka
|
831,017
|
6
|
Fukuoka
|
Hy?go
|
1,579,450
|
16
|
Niigata
|
Niigata
|
800,582
|
7
|
Kobe
|
Ky?to
|
1,527,407
|
17
|
Hamamatsu
|
Shizuoka
|
794,025
|
8
|
Kawasaki
|
Fukuoka
|
1,516,483
|
18
|
Kumamoto
|
Kumamoto
|
739,556
|
9
|
Kyoto
|
Kanagawa
|
1,468,980
|
19
|
Sagamihara
|
Kanagawa
|
723,012
|
10
|
Saitama
|
Saitama
|
1,295,607
|
20
|
Shizuoka
|
Shizuoka
|
695,416
|
Higit sa 99 porsiyento ng populasyon ng Hapon ay nagsasalita ng
wikang Hapones
bilang
unang wika
. Ang wikang Hapones ay isang wikang agglutinative. Ang pagsulat ng wikang Hapones ay gumagamit ng
kanji
at dalawang hanay ng
kana
. Bukod sa Hapones, ang mga wikang Ryuukan na bahagi ng pamilya ng wikang Haponiko ay sinasalita rin sa
Okinawa
.
Relihiyon sa Hapon (2011)
[31]
Hindi isinaad (6%)
Ang pinakamataas na tantiya ng bilang ng
Budismo
at
Shintoismo
sa Hapon ay nasa 84-96%, na kumakatawan sa malaking bilang ng mga naniniwala sa
sinkretismo
ng parehong relihiyon.
[3]
[32]
Subalit, ang mga tantiyang ito ay nakabatay sa mga taong may kaugnayan sa mga templo, hindi sa mga bilang ng taong talagang nananalig sa relihiyon.
[33]
Ipinahiwatig ni Dalubhasa Robert Kisala (
Pamantasan ng Nanzan
) na 30 bahagdan lang ng populasyon ang nagsasabi na sila ay kasapi ng isang relihiyon.
[33]
Ang
Taoismo
,
Confucianismo
at
Budismo
na nagmula sa Tsina ay nakaimpluwensiya din sa paniniwala at kaugalian ng mga Hapones. Ang relihiyon sa Hapon ay likas na
naghahalo
, at ito ay nagdudulot ng iba't ibang uri ng nakasanayan, gaya ng ang mga magulang at anak nito na nagdiriwang ng mga ritwal na
shinto
, mga mag-aaral na nagdarasal bago kumuha ng pagsususulit, mga mag-asawang ikinakasal sa isang
Kristiyanong
simbahan at ang paglilibing na ginaganap sa isang templong
Budhismo
. May minoridad (2,595,397, o 2.04%) ang nagpahayag na sila ay mga Kristiyano.
[34]
Dagdag pa dito, simula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon, may mga bilang ng sektang (
Shinsh?ky?
) ang sumulpot sa Hapon, gaya ng
Tenrikyo
at
Aum Shinrikyo
(o Aleph).
Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile, lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng
bunraku
,
kabuki
,
noh
, pagsasayaw at
rakugo
; gayundin ang seremonya ng
tsaa
, ikebama, martial arts, kaligrapiya,
origami
,
onsen
,
Geisha
at mga laro.
Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga kronikang
Kojiki
at
Nihon Shoiki
at antolohiyang tulang
Man'y?sh?
na mula ika-8 siglo at isinulat sa karakter na Tsino. Sa maagang
panahong Heian
, ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang kana (
Hiragana
at
Katakana
) ay binuo. Ang
Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan
ay itinuturing na pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay sa
Makura no S?shi
ni
Sei Sh?nagon
samantalang ang
Ang Kuwento ni Genji
ni
Murasaki Shikibu
ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong
panahong Edo
, ang
ch?nin
o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni
Saikaku
halimbawa ay naghahayag ng pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni
Bash?
ang tradisyong tula ng
Kokinsh?
sa kanyang haikai (haiku). Ang
panahong Meiji
ay nakakita ng pagbagsak ng mga anyong panitikang tradisyonal. Sina
Natsume S?seki
at
Mori ?gai
ang mga unang modernong nobelista ng Hapon na sinundan nina
Ry?nosuke Akutagawa
,
Jun'ichir? Tanizaki
,
Yukio Mishima
at
Haruki Murakami
. Ang mga manunulat na sina
Yasunari Kawabata
at
Kenzabur? ?e
ay nagwagi ng
Gantimpalang Nobel sa Panitikan
noong 1968 at 1994.
- ↑
Piggott, Joan R. (1997).
The Emergence of Japanese Kingship
. Prensa ng Pamantasang Stanford.
ISBN
978-0-8047-2832-4
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"The Constitution of Japan"
. House of Councillors of the National Diet of Japan. 1946-11-03. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2007-03-17
. Nakuha noong
2007-03-10
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
3.0
3.1
"World Factbook; Japan"
.
CIA
. 2007-03-15. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-12-26
. Nakuha noong
2007-03-27
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Michael Green.
"Japan Is Back: Why Tokyo's New Assertiveness Is Good for Washington"
. Real Clear Politics
. Nakuha noong
2007-03-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"UK backs Japan for UNSC bid"
. Cenral Chronicle. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2007-02-21
. Nakuha noong
2007-03-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Japan-Australia Joint Declaration on Security Cooperation
- ↑
Joint Declaration on Security Cooperation between Japan and India
- ↑
Table: Net Official Development Assistance In 2004 (PDF).
PDF
(32.9 KB)
Organisation for Economic Co-operation and Development (2005-04-11). Retrieved on 2006-12-28.
- ↑
"Japan"
. Microsoft Encarta Online Encyclopedia. 2006. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2009-11-01
. Nakuha noong
2006-12-28
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Japan Information?Page 1"
. WorldInfoZone.com
. Nakuha noong
2006-12-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"World Population Prospects"
. UN Department of Economic and Social Affairs. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2011-05-11
. Nakuha noong
2007-03-27
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Tectonics and Volcanoes of Japan"
. Oregon State University.
Inarkibo
mula sa orihinal noong 2007-02-04
. Nakuha noong
2007-03-27
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Essential Info: Climate"
.
JNTO
. Nakuha noong
2007-04-01
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"World Factbook; Japan?People"
.
CIA
. 2008. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-12-26
. Nakuha noong
2008-05-18
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"
'Multicultural Japan' remains a pipe dream
". Japan Times. 27 Marso 2007.
- ↑
"
Japan-born Koreans live in limbo
". The New York Times. 2 Abril 2005.
- ↑
"
An Enclave of Brazilians Is Testing Insular Japan
". The New York Times. 1 Nobyembre 2008.
- ↑
'Home' is where the heartbreak is for Japanese-Peruvians
Naka-arkibo
2010-01-06 sa
Wayback Machine
.. Asia Times. 16 Oktubre 1999.
- ↑
Registered Foreigners in Japan by Nationality
. Stat.go.jp.
- ↑
Fogarty, Philippa (2008-06-06).
"Recognition at last for Japan's Ainu"
.
BBC News
. BBC
. Nakuha noong
2008-06-07
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
The Invisible Race
Naka-arkibo
2012-12-16 sa
Wayback Machine
.. Time. 8 Enero 1973.
- ↑
"The World Factbook: Rank order?Life expectancy at birth"
.
CIA
. 2006-12-19. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-12-26
. Nakuha noong
2006-12-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
23.0
23.1
"Statistical Handbook of Japan: Chapter 2?Population"
. Japan Ministry of Internal Affairs and Communications
. Nakuha noong
2006-12-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
24.0
24.1
Ogawa, Naohiro.
"Demographic Trends and Their Implications for Japan's Future"
The Ministry of Foreign Affairs of Japan. Transcript of speech delivered on (7 Marso 1997). Retrieved on 14 Mayo 2006.
- ↑
Hidenori Sakanaka (2005-10-05).
"Japan Immigration Policy Institute: Director's message"
. Japan Immigration Policy Institute. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2007-09-29
. Nakuha noong
2007-01-05
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
French, Howard.
"Insular Japan Needs, but Resists, Immigration".
"
The New York Times
" (2003-07-24). Retrieved on 2007-02-21.
- ↑
Strom, Stephanie (15 Hulyo 1999).
"In Japan, Mired in Recession, Suicides Soar"
.
Health
. The New York Times
. Nakuha noong
2008-09-20
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Lewis, Leo (19 Hunyo 2008).
"Japan gripped by suicide epidemic"
.
The Times (London)
. Nakuha noong
2008-09-20
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Suicides in Japan top 30,000 for 12th straight year, may surpass 2008 numbers"
.
The Mainichi Daily News
. 26 Disyembre 2009.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
[
patay na link
]
- ↑
Ozawa-de Silva, Chikako (2008), "Too Lonely to Die Alone: Internet Suicide Pacts and Existential Suffering in Japan",
Cult Med Psychiatry
,
32
(4): 516?551,
doi
:
10.1007/s11013-008-9108-0
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
p. 519
- ↑
Views on globalisation and faith
Naka-arkibo
2013-01-17 sa
Wayback Machine
.
.
Ipsos MORI
, 5 Hulyo 2011.
- ↑
Bureau of Democracy, Human Rights, and Labor (2006-09-15).
"International Religious Freedom Report 2006"
. U.S. Department of State
. Nakuha noong
2007-12-04
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (
link
)
- ↑
33.0
33.1
Kisala, Robert (2005). Robert Wargo (pat.).
The Logic Of Nothingness: A Study of Nishida Kitar?
. University of Hawaii Press. pp.
3
?4.
ISBN
0824822846
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Religious Juridical Persons and Administration of Religious Affairs, [[Agency for Cultural Affairs]] Retrieved 25 Agosto 2008"
(PDF)
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 2008-09-09
. Nakuha noong
2010-04-17
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
Wiktionary has mga kahulugan related to
Japan
- Pamahalaan
- Tagapaghatid ng balita
- Turismo
- Pangkalahatang impormasyon
|
---|
Mga miyembro ng G8
| |
---|
Mga kinatawan
| |
---|
G8+5
| |
---|
See also
| |
---|
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Heograpiko
| |
---|
Akademya
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|