Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Kristallnacht
(
Aleman
; tinatawag ding
Reichskristallnacht
,
Reichspogromnacht
;
Tagalog
:
Gabi ng Salaming Basag
) ay may halos dalawang araw na
pogrom
(serye ng mga atake laban sa mga
Hudyo
) sa
Alemanyang Nazi
at iilang mga bahagi ng
Austria
noong
Nobyembre 9
at
Nobyembre 10
,
1938
. Tinatayang 30,000 mga Hudyo ang inilipat papuntang mga
kampo ng konsentrasyon
, at mahigit sa 1,500 mga
sinagoga
ang dinambong at bahagyang nawasak. Gayundin, halos lahat ng mga
sementeryong
panghudyo sa
Alemanya
at Austria ang nasira. Ito ang palatandaan ng pagbabago magmula sa
diskriminasyon
laban sa mga Hudyo na naging
pag-uusig
at
deportasyon
ng mga ito.
Napag-alaman ni
Herschel Grynszpan
(ibang babaybay:
Grunspan
), isang Hudyong may 17 taong gulang na naninirahan sa
Paris
,
Pransiya
, na ang buo niyang pamilya ay pinabalik sa
Zsbaszyn
,
Polonya
, bagaman ang mas nakababatang mga bata ay ipinanganak sa Alemanya. Kumuha siya ng isang
baril
, at pinaputukan niya si
Ernst Eduard vom Rath
, na
kalihim
ng
embahada
ng Alemanya sa Paris, noong Nobyembre 7. Namatay si vom Rath dahil sa natamo niyang mga sugat noong Nobyembre 9.
Hindi malinaw ang motibo ni Grynszpan. Sa isang
paglilitis
na panghukuman noong 1942, sinabi niyang ito ay buhat ng
paghihiganti
, at ninais niya sanang barilin ang
embahador
, ngunit sa halip ay natamaan ang kalihim.
Ginamit ito ng
NSDAP
ang pangyayaring ito bilang isang dahilan upang samsamin ang mga ari-arian ng mga Hudyo. Nagkaroon ng isang kahalintulad na kaganapan noong
Pebrero
1936
subalit halos walang kinahinatnan. Pagkaraan, nagpaputok ng baril si
David Frankfurter
, isang estudyanteng Hudyo, sa kalihim ng NSDAP na si
Wilhelm Gustloff
. Noong panahong iyon, hindi nakakilos ang NSDAP dahil sa Olimpikong Pang Tag-init sa
Berlin
noong 1936.
- Schultheis, Herbert.
Die Reichskristallnacht in Deutschland nach Augenzeugenberichten (Bad Neustadter Beitrage zur Geschichte und Heimatkunde Frankens 3)
. Bad Neustadt a. d. Saale: Rotter Druck und Verlag. 1985.
ISBN 978-3-9800482-3-1
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Kasaysayan
,
Alemanya
at
Awstriya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.