Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
|
Makakatulong po kayo sa
pagpapabuti nito
sa pamamagitan ng
pagdagdag ng mga
maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian
.
Tandaan
lamang po na
agad na tatanggalin
ang mga
kaduda-dudang materyales
nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni.
|
Kris Aquino
|
---|
|
Kapanganakan
| Kristina Bernadette Cojuangco Aquino
14 Pebrero 1971
|
---|
Si
Kristina Bernadette Aquino-Yap
(ipinanganak bilang
Kristina Bernadette Cojuangco Aquino
noong 14 Pebrero 1971 sa
Lungsod Quezon
), o mas kilala bilang
Kris Aquino
, ay isang
Pilipinang
aktres sa telebisyon at mga pelikula. Siya ang panlima at bunsong anak nina dating Pangulong
Corazon Aquino
at Senador
Benigno Aquino, Jr.
, isang sikat na senador ng oposisyon na kontra sa administrasyon ni
Ferdinand Marcos
.
Unang nakilala si Aquino sa mga welga laban sa pamahalaang Marcos lalo na nang sumikat ang kanyang ina sa politika. Nang napatalsik si
Ferdinand Marcos
noong 1986, pinasok niya ang
showbiz
. Nagsimula siya sa mga
guest spots
sa mga drama at komedya sa telebisyon, maging ang mga
talk shows
. Ang unang pelikula niya ay ang
Pido Dida
kasama si
Rene Requiestas
, isang aktor ng komedya.
Naging nominado siya para sa pelikulang
The Fatima Buen Story
.
Kasama rin siya sa pelikulang
The Vizconde Massacre
.
Ang pagtabo sa takilya at sunod-sunod na mga pelikula ukol sa mga massacre ang nagbigay sa kanya ng bansag na "
Massacre Queen
" ng ilang
showbiz reporters
.
Nang bumagal na ang kanyang career sa paggawa ng pelikula, pinasok niya ang telebisyon bilang isang
talk show host
. Pagkaraang magkaroon ng dalawang
talk shows
, kinuha siya ng
ABS-CBN
at pinangunahan ang
Today with Kris Aquino
. Naging host din siya ng
Morning Girls
,
The Buzz
,
Pilipinas, Game Ka Na Ba?
at
Kapamilya, Deal or No Deal
. Naging host din siya ng
Wheel of Fortune
. Sa kasalukuyan, siya ay gumaganap na Celine Crisanto sa teleseryeng
Kung Tayo ay Magkakalayo
. Isa rin siya sa mga hurado ng
Pilipinas Got Talent
.