Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Komitas
Vardapet
|
---|
Si Komitas noong 1901
o 1902
[2]
|
Kapanganakan
| Soghomon Soghomonian
Oktubre 8
[
Lumang Estilo
Setyembre 26]
1869
|
---|
Kamatayan
| 22 Oktobre 1935
(1935-10-22)
(edad 66)
|
---|
Libingan
| Panteon ni Komitas
|
---|
Nasyonalidad
| Armenio
|
---|
Edukasyon
| Seminaryong Gevorkyan
PamantasangHumboldt University ng Berlin
|
---|
Trabaho
| Musikologo
, kompositor, maestro sa koro
|
---|
Aktibong taon
| 1891?1915
|
---|
Website
| komitasmuseum.am
|
---|
|
|
Si
Soghomon Soghomonian
,
[A]
inordina at karaniwang kilala bilang
Komitas
,
[B]
(
Armenyo
:
???????
;
Oktubre 8
[
Lumang Estilo
Setyembre 26]
1869
– Oktubre 22, 1935) ay isang Armeniong pari,
musikologo
, kompositor, tagaareglo, mang-aawit, at maestro ng koro, na tinuturing na tagapagtatag ng pambasang paaralan ng musika sa
Armenia
.
[4]
[7]
Kinikilala siya bilang isa sa mga tagapanguna ng
etnomusikolohiya
.
[9]
Ulila noong bata pa siya, dinala si Komitas sa Etchmiadzin, ang relihiyosong sentro ng Armenia, kung saan nakatanggap siya ng edukasyon sa Seminaryong Gevorkyan. Pagkatapos ng kanyang ordinasyon bilang vardapet (selibatong pari) noong 1895, nag-aral siya ng musika sa Pamantasang Frederick William sa
Berlin
. Pagkatapos noon, "ginamit niya ang kanyang Kanluraning
pagsasanay
upang itaguyod ang isang pambasang tradisyon".
[10]
Kinolekta at sinalin niya ang higit sa 3,000 piraso ng
musikang pambayan
, na higit sa kalahati nito ay nawala sa kalaunan at mayroon sa mga 1,200 na lamang ang nananatili. Maliban sa mga musikang pambayang Armenio, nagkaroon din siya ng interes sa ibang
kalinangan
at noong 1903, nilathala niya ang kauna-unahang koleksyon ng musikang pambayang Kurdo na pinamagatang
Kurdish melodies
. Tinanghal ng kanyang koro ang musikang Armenio sa maraming lungsod sa
Europa
, na umani ng mga papuri ni Claude Debussy, at iba pa. Nanirahan si Komitas sa
Constantinople
noong 1910 upang tumakas sa pagmamaltrato ng sobrang konserbatibong klerigo sa Etchmiadzin at upang ipakilala ang musikang pambayang Armenio sa mga malawak na tagapakinig. Malawak siyang tinanggap ng pamayanang Armenio, habang tinawag siya ni Arshag Chobanian bilang ang "tagapagligtas ng musikang Armenio."
Noong panahon ng
Henosidyong Armenyo
?kasama ng daan-daang ibang mga intelektuwal na Armenio?ipinatapon at inaresto si Komitas sa isang bilangguang kampo noong Abril 1915 ng pamahalaanng Otomano. Maaga siyang pinakawalan sa ilalim ng hindi malinaw na kalagayan at nakaranas ng pagkasira ng kaisipan at nagkaroon ng matinding kaso ng
posttraumatic stress disorder
(PTSD) o sakit pagkatapos ng isang traumatikong istres. Ang laganap na napopoot na kapaligiran sa Constantinople at ang mga ulat ng malawakang patayan at martsa ng kamatayan na umabot sa kanya ay mas lalo pang nagpalala sa kanyang marupok na katayuang kaisipan. Una siyang nilagay sa isang ospital na pinapagana ng
Turkong
militar
hanggang 1919 at pagkatapos nito ay nilipat sa
saykayatrikong
ospital sa
Paris
, kung saan naglagi siya sa mga huling taon ng kanyang buhay sa matinding paghihirap. Nakikita si Komitas ng marami bilang isang martir ng
henosidyo
at isinalarawan bilang isa sa mga pangunahing simbolo sa
sining
tungkol sa Henosidyong Armenio.
[12]
- ↑
??????? ?????????? sa klasikal na ortograpiya ??????? ?????????? sa repormadong ortograpiya. Naka-anglikanisado minsan bilang
Solomon Solomonian
.
[3]
[4]
- ↑
Malawak siyang kilala bilang Komitas (may transliterasyon na
Gomidas
mula Kanlurang Armenio) lamang. Ang kanyang ranggo sa simbahan, ang Vardapet, ay kadalasang ginagamit kasama ng kanyang pangalan:
Komitas Vardapet
(??????? ????????),
Gomidas Vartabed
sa Kanlurang Armenio. Noong unang bahagi ng dekada 1900, at hanggang 1908, pumipirma siya bilang Soghomon Gevorgian (Kevorkian o Keworkian),
[5]
hango sa Seminaryong Gevorkyan.
- ↑
"Etchmiadzin. 1902"
(sa wikang Ingles). Virtual Museum of Komitas
. Nakuha noong
21 Pebrero
2014
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Lang, David Marshall (1980).
Armenia: Cradle of Civilization
(sa wikang Ingles). London: Allen & Unwin. p. 256.
ISBN
9780049560079
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
4.0
4.1
"Komitas"
.
Encyclopædia Britannica
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
26 Enero
2014
.
Komitas [...] created the basis for a distinctive national musical style in Armenia.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"The Monthly Musical Record".
The Monthly Musical Record
(sa wikang Ingles). London: Augener.
30
:
15
. 1900.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Editorial Board (1969).
"??? ??????? ???????????? ????????? [The Founder of Armenian National Music]"
.
Lraber Hasarakakan Gitutyunneri
(sa wikang Armenio). Yerevan: Armenian Academy of Sciences (11): 3?6. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2017-05-21
. Nakuha noong
2020-10-15
.
{{
cite journal
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
) CS1 maint: unrecognized language (
link
)
- ↑
McCollum, Jonathan Ray (2004).
"Music, Ritual, And Diasporic Identity: A Case Study Of The Armenian Apostolic Church"
(PDF)
(sa wikang Ingles). University of Maryland. p. 11
. Nakuha noong
4 Pebrero
2014
.
Komitas Vardapet, considered a pioneer in ethnomusicology, turned his attention to the anthropological, sociological, and historical aspects of comparative musicology.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Crutchfield, Will (5 Oktubre 1987).
"Music Noted in Brief; Choir From Armenia at Avery Fisher Hall"
.
The New York Times
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
26 Enero
2014
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Soulahian Kuyumjian, Rita.
Archeology of Madness: Komitas, Portrait of an Armenian Icon
. Edition: 2, Reading, England: Taderon Press; Princeton, NJ: Gomidas Institute, 2001, p. 3. (sa Ingles)