Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Koliseo
o
Koloseo
, na kilala rin bilang ang
ampiteatrong Flavio
(
Latin
:
Amphitheatrum Flavium
;
Italyano
:
Anfiteatro Flavio
[anfite?atro ?flavjo]), ay isang
elliptical
na ampiteatro sa gitna ng lungsod ng
Roma
,
Italya
. Gawa sa sementado at bato, ito ang pinakamalaking ampiteatrong naitayo kailanman at isa sa mga itinuturing na pinakakahanga-hangang yari ng arkitektura at inhinyero.
Ang Koliseo ay nakatayo sa silangan lamang ng Roman Forum. Ang konstruksyon ay sinimulan sa ilalim ni emperador
Vespasiano
noong 72 AD, at natapos noong 80 AD sa ilalim ng kanyang kapalit at tagapagmanang si
Tito
. Ang mga karagdagang pagbabago ay ginawa sa panahon ng kaharian ni
Domiciano
(81-96). Ang tatlong emperador ay kilala bilang ang
dinastiyang Flavia
, at ang ampiteatro ay ipinangalan sa Latin dahil sa kaugnayan nito sa kanilang apelyido (
Flavius
).
Ang Koliseo ay kayang punuin ng tinatayang sa pagitan ng 50,000 at 80,000 na manonood, at ginamit sa mga paligsahan ng mga manlalaban o
gladyador
at mga pampublikong palabas, tulad ng mga hindi totohanang labanan sa dagat, pangangaso ng mga hayop, mga pagpugot ng ulo, mga muling pagsasadula ng mga kilalang labanan, at mga dramang batay sa mitolohiyang Klasiko. Itinigil ang paggamit sa Koliseo para sa aliwan noong unang bahagi ng
Gitnang Kapanahunan
. Ito ay kinalaunang muling ginamit sa mga layuning tulad ng pabahay, mga pagawaan, mga kuwarto para sa panrelihiyong kaugalian, muog, silyaran, at Kristyanong dambana.