Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
kindergarten
, (salitang
Aleman
, literal na salin sa
Tagalog
:
hardin ng mga bata
), ay isang pamamaraan ng pagtuturo sa
preschool
(o bago ang eskuwelahan) na tradisyunal na nakabatay sa
paglaro
,
pag-awit
at mga praktikal na gawain tulad ng pagguhit at pakikipag-ugnayan bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabago mula
tahanan
patungong
paaralan
. Ang mga unang ganitong institusyon ay binuo noong huling yugto ng ika-labingwalong siglo sa
Bavaria
at
Strasbourg
para maglingkod sa mga bata na may parehong magulang na nagtatrabaho sa labas ng tahanan.
Ang salitang
kindergarten
ay nanggaling kay Friedrich Frobel na may pamamaraan na malaki ang naging impluwensiya sa unang taon ng
edukasyon
sa mundo. Ang salita ay ginagamit sa maraming mga bansa para ilarawan ang iba’t ibang uri ng mga institusyong pang-edukasyon para sa mga bata na dalawa hanggang pitong taong gulang, na nakabase sa iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo.
Noong 1779, sina Johann Friedrich Oberlin at Louise Scheppler ay nagtatag sa Strasbourg ng establisimiyento para sa pag-aalaga at pagtuturo ng mga bata na ang mga magulang ay wala sa umaga at hapon. Sa halos kaparehong panahon, noong 1780 ay may mga katulad na establisimiyentong pang-sanggol na naitatag sa Bavaria. Noong 1802, si Pauline zur Lippe ay nagtatag ng isang sentrong
preschool
sa Detmold.