Si
Katan-bator Magsaryab
(
Mongol
:Хатанбаатар Магсаржав
Latin
:
Khaatanbaatar Magsarjav
) (
Intsik
: 哈丹巴特?·?克思??布
Pinyin
: 'H? d?n b?te'?r·m?kes? ?r zh? bu) ay Isang Heneral sa Mongolia na namuno sa
Rebolusyong Mongolyano
noong 1911, siya at ang kanyang walong daang kawal ng hukbong Mongol at mga puting
Ruso
ay nag tulungan upang palayasin ang pwersang
Intsik
ni Heneral
Zu Shuzeng
sa Urga. sa tulong ni
Datu Roman von Ungern-Sternberg
ng Rusya. sa pagitan ng taong 1912 at 1921 ng walang kahit isang pagkatalo.
Si Sandorij Magsaryab ay ipinanganak sa lunsod ng Tage-Olongor sa Sain Noyon Khan aimag na ngayon ay probinsya ng Bulgan sa
Mongolia
. siya ay kabilang sa Tribong
Sayinoya
, sa gitnang bahagi ng Mongolia, Tinuruan siya ng kanyang Ama sa pagsusulat at pagbabasa, at noong siya ay 11 taong gulang, siya ay pinag kasundo sa isang Dalagitang nag ngagalang Tsevegmid, at noong siya sumapit sa ika 25 na taon gulangay nag lingkod siya sa kanyang ama sa pamamahala sa karaban, at noong pumanaw ang kanyang ama , ay minana niya ang titulong Prinsepe. noong siya ay tumungtong sa edad na 30, ay meron na siyang sampung mga anak, ngunit limalang ang nabuhay sa mga ito.
Si Magsaryab ay naglingkod sa Tsina bilang Punong Kawal ng Amban na naka base sa
Ulastai
(na dating kabisera ng
Mongolia
) noong panahon ng
Dinastiyang Qing
.
Nguit sa
Tsina
ay naganap ang
Rebleyong Xinhai
na siyang unti unting pang bagsak ng Monarkiyang
Manchu
sa Tsina, at pagkakatatag ng pamahalaan ng
Republikang Tsina
sa ilalim ni
Yuan Shikai
.
At ng mag deklara ng Kalayaan ang Mongolya ay iniutos ni Magsariyab ang Pag alis ng mga Amban sa Ulastai at ang pag alis ng mga Sundalong Qing sa Mongolia, Ngunit tumanggi si
Amban Sanduo
sa Kautusan ng bagong pamamahalang Mongol. Sa halip ay nag karoon ng militarisasyon sa mga daan malapit sa Ulastai. At ginamitan sila ng pwersang Mongol ng istratehiya sa pamamagitan ng Pag atake sa kanilang mga Karaban na siyang nag dadala ng suplay ng Armas.Gamot pagkain . Nag patuloy ito hanggang makaipon sila ng lakas para salakayin ang Garison ng mga sundalong Manchu at ang Palasyo ng
Amban
sa Ulastai.
Ng Sumuko ang Amban ng Tsina at napalayas ang pwersang manchu sa Mongolia, ay Ginawaran si Magsarjav ng Titulong
Katanbatar
( na ang kahulugan ay
Magiting na Bayani
) kaya nadagdagan ang kanyang pangalan ng katagang
Kahatanbatar Magsariyab
.
At noong tagsibol ng 1913, Ay inatasan ng Pamahalaang Mongol na Ipagtanggol ang katimugang bahagi ng Mongolia at ang Lunsod ng
Dolon Nur
Laban sa Pananalakay ng Pwerang Intsik sa ilalim ni Heneral
Duan Qirui
ng Republikang Tsina.
Sa tulong ng mga
Ruso
at mga
buryatia
, ay Naipagtanggol ng Pwersang Mongol ang Katimugang Mongolia laban sa
Tsina
.
Ayon naman sa Bayograpiya ni
Korulochin Choibalsan
, noong 1914, nabawi ng
Labasang Mongolia
ang
Loobang Mongolia
na sakop ng bansang
Tsina
, inatasan siya ng pamahalaan na protektahan ang lungsod ng
Jingpeng
at ang lunsod ng
Hohot
laban sa pananalakay ng mga Intsik. Kinailangan nila ang pwersa ng mga Ruso upang protektahan ang loobang mongolia, ngunit tumanggi ang pamahalaang ruso dahil sa banta ng pananakop ng
Bansang Hapon
sa Silangang Rusya, kaya ng mag tagumpay siya sa pag protekta sa loobang mongolia ay ginawaran siya ng medalyang
Shar Joulo
. Bukod sa laban niya sa mga Intsik ay napagtagumpayan din niya ang Laban mula sa paksyon ng
Babuja
na nanggugulo sa Silangang Mongolia at noong 1918, ay ginawaran siya ng sarili niyang watawat.
Noong 1919 , Matapos Salakayin ang Kabisera at Mapailalim ang Mongolya sa bansang Tsina, sa ilalim ni
Warlord
Xu Shuzheng
, ay Nabilango si Magsarjav sa isang kampong Intsik sa
NislelKhurei
(na ngayon ay tinatawag na Ulaanbaatar ) Dahil siya ay pinaghinalaang kakampi ng isa pang rebolusyonarong Mongol na si Heneral
Damdin Sugbatar
. Pinahirapan siya ng mga intsik kasama ang kanyang Pinuno ng pwersang Mongol na si
Manlaibatar Damdinsuren
, namatay si Damdinsuren sa loob ng kampo dahil sa pinahirapan ito ng mga sundalong Tsino sa utos ni Capitan
Tien Shihung
.
At noong 1921 ay Sinalakay ng Sundalo ng
Kawal Asyatiko
Ang Garisong Tsino sa Mongolia sa ilalim ng Rusong warlord na si
Datu Roman von Ungern-Sternberg
, ay napaalis ng Kawal asyatiko ang mga sundalong Intsik sa Nilslel Khurei at pinalaya nito sa bilanguan ng Garison .
Naging Punong Ministro si Magsariyab ng Pamahalaang
Pupet
ng Mongolya sa ilalim ni Datu Roman at tumulong sa pag hihikayat sa mga Mongol na sumapi sa
kawal Asyatiko
upang palayasin ang natitirang pwersang Tsino sa Mongolia. Kaya noong 1921 ay lumabas ng kabisera si Magsariyab upang pamunuan ang mga sundalo ng Kawal Asyatiko upang protektahan ang ang mga probinsiya malapit sa ulastai laban sa pananalakay ng pwersang rebolusyonaryo ni Heneral Damdinsuren at ang
Red Army
ng Komunistang
Rusya
. Ngunit noon ding 1921 ay sumapi sa Mga rebolusyonaryong Mongol si Magsariyab dahil sa unti unting pag kontrol ng mga puting Ruso sa Mongolya at Pinalibutan nila ang kawal ni magsaryab at napatay nila ang mga pwersa ng mga Sundalong
buryat
at mga Ruso ng kawal Asyatiko sa isang kampo malapit sa Ulastai,nakatakas ang mga kumander ng mga ito At noong gabi ng hulyo 22, ay pinatay nila ang mga natitirang puting Ruso sa Ulastai.
Tinutugis parin ni Magsariyab ang mga natitirang kawal ni Datu Urgern sa probinsya ng mongolia hanggang sa
kalagtnaan ng taong 1922. Naging Punong Ministro ng militar sa Mongolia at noong 1923 ang mga tropa ng grupng kontra- rebolusyonaryo (Na dating sundalo ni Datu Urgern) ay humingi ng tulong mula kay Magsariyab sahalip ay ipinadala sila sa Kagawaran ng pamahalaang panloob. Sumali si Magsariyab sa
Mongolian Peoples Party
(na isang maka-kaliwang partido politikal sa Mongolya) noong 1925, at noong taon ding iyon ay ipinadala siya sa
Moscow
para sa isang usapang diplomatiko, at nahalal sia bilang pinuno ng Komite ng Peoples party.
Noong 1926 ay pumanaw si Magsariyab dahil sa isang karamdaman at inilibing siya sa isang musoleyo na hugis
Ger
(o tolda) sa bayan ng ng Bulgan.
At Dahil sa kanyang kabayanihan at magaling na pamumuno ay Indineklara ng pamahalaan ng
Mongolian Peoples Republic
na madagdagan ang kanyang titulo ng
Ardin Khatanbatar Magsariyab
(na ang kahulugan ay "Makataong Bayaning si Magsariab" ).
[1]
Padron:Mga Punong Ministro sa Mongolia
- ↑
Urgunge Onon,
Mongolian Heroes of the 20th Century
, New York 1976, p. 105-142 (translation of Kh. Choibalsan,
A brief history of Ardyn Khatanbaatar Magsarjav
, Ulaanbaatar 1942)