Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalye Padre Faura
Padre Faura Street
|
---|
|
|
Haba
| 1.0 km (0.6 mi)
|
---|
Bahagi ng
| |
---|
|
Dulo sa silangan
| N181
(Kalye San Marcelino) sa Paco
|
---|
| |
---|
Dulo sa kanluran
| N120
(
Bulebar Roxas
) /
AH26
sa Ermita
|
---|
|
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang
Kalye Padre Faura
(
Ingles
:
Padre Faura Street
) ay isang kalye na dumadaan mula silangan pakanluran sa pusod ng
Maynila
,
Pilipinas
. Dinadala nito ang walang salubong na trapiko pakanluran mula Kalye San Marcelino hanggang
Bulebar Roxas
. Nagsisimula ito sa Kalye San Marcelino sa may
Liwasang Paco
sa distrito ng
Paco
. Dadaan ito pakanluran, at babagtasin nito ang
Abenida Taft
. Paglampas, dadaan ito sa distrito ng
Ermita
. Tatapos ito sa Bulebar Roxas, sa tapat ng
Embahada ng Estados Unidos
. Ang haba nito ay 1 kilometro (0.62 milya).
Ipinangalan ang kalye mula kay Federico Faura, paring
Kastila
at
Heswita
at tagapamahala ng
Obserbatoryo ng Maynila
(Observatorio Meteorologico de Manila) na matatagpuan noon sa kalye. Dati itong tinawag na
Calle Observatorio
.
[1]
[2]
Ang Obserbatoryo ng Maynila ay matatagpuan noon sa dating campus ng
Ateneo Municipal
sa may Padre Faura; pinalitan na ito ngayon ng pook-pamilihan ng
Robinsons Place Manila
.
14°34′43″N
120°59′1″E
/
14.57861°N 120.98361°E
/
14.57861; 120.98361