Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Kalye Escolta
ay isang maksaysayang silangan-kanlurang kalyeng nasa lumang distrito ng
Binondo
sa
Maynila
. Kahilera nito ang
Ilog Pasig
, mula
Plaza Santa Cruz
hanggang
Plaza Moraga
at Kalye Quintin Paredes. Ang kalye ay kinalalagyan ng ilang naggagandahang halimbawa ng mga sinaunang disenyo ng tukudlangit. Kilala ito sa Kastila bilang
calle de la Escolta
. Ang kahulugan nito bilang isang makasaysayang distritong pampinansiyal ay kinabibilangan ng Kalye Escolta at ibang mga kalapit na kalye sa Binondo at
Santa Cruz
.
Isa sa mga pinakalumang kalye sa Maynila, binuo ang Escolta noong 1594. Ang pangalan nito ay mula sa Kastilang salitang
escoltar
, nangangahulugang "upang i-abay".
[1]
Kilala ang Escolta sa dami ng mga imigranteng mangangalaka, karamihan mula sa
Fujian
,
Tsina
, na nagsidatingan ipang makipagsaparalan sa
Kalakalang Galyon
. Nakalinya sa Escolta ang mga tindahan na nagbebenta ng mga iniluwas na produkto mula sa Tsina,
Europa
, at sa iba pang bahagi ng
Amerikang Latino
na dumating sa katabing daungan ng
San Nicolas
. Sa dulo ng ika-19 siglo, umusbong ang Escolta lalo sa pagiging isang maunlad na distritong pangnegosyo na tahanan ng mga pinakamataas na gusali sa lungsod gaya ng
Pamilihang Sapi ng Maynila
. Ang mga pamilihan ay pinalitan ng mga modernong department store at mayroong dumadaang isang elektronikong linya ng tram na tawag noon ay
tranvia
. Nagsilbing pangunahing distritong pangkomersiyal ang Escolta hanggang sa pagtamlay nito noong dekada-1960, kung kailang lumipat ang sentro ng negosyo sa
Makati
.
[2]
Ang unang pagsangguni sa "La Escolta", ay napakinggan sa sarsuwelang "El pay-pay de Manila"
Al volver de la Escolta Charito
tras comprarse un precioso paipay,
y una carta encontro de Pepito
en su rocabay,
¡Ay, que se le cai!
Y en la carta le hablaba de amor
¡Ay Jesus, que calor, que calor!
- Isang
neo-klasikong
sa tapat ng Plaza Goiti (Lacson) sa silangang dulo ng Kalye Escolta. Naging punong-himpilan ito ng Monte de Piedad and Prudential Bank bago ito ibinenta sa
Bangko ng Kapuluang Pilipinas
.
- Isa sa mga natitirang halimbawa ng arkitekturang
art deco
sa Maynila, ito ang pinakamataas na gusali sa lungsod nang ito ay natapos noong 1928. Idiniseniyo ni Andres Luna de San Pedro, ang dating pangalan nito ay Gusaling Perez Samanillo.
- Itinayo noong 1934, itong gusaling may apat na palapag ay idinisenyo ni Andres Luna de San Pedro sa estilong
beaux arts
.
- Isang gusaling may estilong
beaux arts
na naging tahanan ng Insurance Commission noong 1950s.
- Ipinangalanan mula sa pilantropong si
William J. Burke
, dito matatagpuan ang unang asensor sa Pilipinas.
- Isa pang natatanging halimbawa ng estilong
beaux arts
, itinayo ito noong 1938 ng Edificio Calvo at idinisenyo ni Fernando Ocampo. Noong 1950, ang gusali ang naging tahanan ng unang estasyong radyo ng
DZBB-AM
(isang pangunahing estasyon ng radyo sa AM ng
GMA Network
) hanggang 1957 bago lumipat ang estudyo ng DZBB sa
GMA Network Center
(ang kasalukuyang punong-himpilan ng GMA 7) sa may kanto ng
EDSA
at
Abenida Timog
,
Diliman
,
Lungsod Quezon
.
- Dinisenyo ni
Juan Nakpil
at itinayo noong 1930s, dalawa ang balkonahe ng tanghalan, na isang natatanging disenyo. May dalawang relief ng mga
musa
sa harap nito na likha ni Francesco Monti. Sarado na ang tanghalan at ito ngayon ay mayroong mga establisimiyento ng iilang komersiyo at kainan.
[3]
14°21′19″N
120°35′03″E
/
14.3553°N 120.5843°E
/
14.3553; 120.5843