Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
kalifornyo
o
kalipornyo
ay isang
elementong kimikal
na may sagisag na
Cf
,
atomikong bilang
na 98. Ang elemento na ito ay unang nasintetiko noong 1950 sa
Lawrence Berkeley National Laboratory
(ngayon ay California Radiation Laboratory), sa pamamagitan ng pag-bombarda ng
curium
na may
alpha particles
(
helium-4
ions
).
Isang disko ng metalikong kaliforniyo (
249
Cf, 10 mg)
Ang
cyclotron
na ginamit sa paglikha at pagdiskubre ng kalifornyo
Ang kaliforniyo ay nadiskubre ng pangkat nina Stanley Thompson, Kenneth Street Jr.,
Albert Ghiorso
, at
Glenn Seaborg
sa Unibersidad ng California sa Berkeley.
[1]
[2]
Nadiskubre nila ang elementong ito sa pamamagitan ng pagbomba ng
isotopo
ng
kyuryo
(curium-242)
[2]
at ilang mga
ayonong
elyo
(helium ions) habang pinapabilis ang mga ito sa isang
cyclotron
.
[1]
Sa prosesong ito, nakakuha sila ng californium-245 na may kalahating buhay sa loob ng apatnapu't apat na minuto.
[2]
Dahil sa panganib na dala ng kyuryo (curium), nahirapan ang pangkat nina Seaborg na makuha ang angkop na mga milligramo mula sa mga eksperimento at umabot hanggang tatlong taon ang pangangalap ng mga datos. Sa kabila ng kanilang pagpupursige, nakagawa sila ng limang libong atomo ng kalifornyo at ito'y naging sapat na ebidensya para mapatunayan ang pag-iral ng bagong elementong ito.
[2]