Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Padron:History of Israel
Ang
Dinastiyang Hasmoneo
o
Kahariang Hasmoneo
[4]
(
/
/
(
audio
Naka-arkibo
2007-11-05 sa
Wayback Machine
.)
;
Hebreo
:
??????????????
?a?m?na??m
) ang ang naghaharing
dinastiya
sa
Judea
mula 140 BCE hanggang 37 BCE. Mula 140 BCE hanggang 116 BCE, ang dinastiyang Hasmoneo ay namuno sa Judea nang semi-austonomoso mula sa
Imperyong Seleucid
at mula 110 BCE, sa paghina ng Imperyong Seleucid, ang Judea ay lalo pang nagkamit ng
autonomiya
o pamumuno sa sarili at lumawak pa sa mga kalapit na rehiyong
Samaria
,
Galilea
,
Iturea
,
Perea
, at
Idumea
. Itinuturing ng ilang mga iskolar ang kahariang Hasmoneo na independiyente sa Lupain ng
Israel
.
[5]
Kinuha ng mga haring Hasmoneo ang pamagat na Griyegong
basileus
(hari o emperador). Sinakop ng mga puwersa ng
Republikang Romano
ang kahariang Hasmoneo noong 63 BCE at pinalitan ni
Dakilang Herodes
ang huling hari ng Kahariang Hasmoneo noong 37 BCE. Itinatag ni
Simon Thassi
ang dinastiyang ito noong 141 BCE, mga dalawang dekada pagkatapos na matalo ng kanyang kapatid na si
Judas Macabeo
(
????? ?????
Yehudah HaMakabi
) ang mga hukbo ng
Imperyong Seleucid
sa
paghihimagsik na Macabeo
noong 167 BCE hanggang 141 BCE. Ayon sa
1 Macabeo
,
2 Macabeo
at
Digmaang Hudyo
ni
Josephus
,
[6]
, istriktong kinontrol ng haring si
Antiochus IV Epiphanes
ang
satrapiyang
Seleucid ng
Coele Syria
at
Phoenicia
[7]
pagkatapos ng kanyang matagumpay na pagsakop sa
Kahariang Ptolemaiko
(170 hanggang 168 BCE) at pinabalik sa panghihimasok ng
Republikang Romano
.
[8]
[9]
Nilusob ni
Antiochus IV Epiphanes
ang
Herusalem
, ipinatigil ang paghahandog sa
Ikalawang Templo sa Herusalem
,ipinagbawal ang
relihiyong
Hudaismo
.
[7]
[10]
at inutos sa mga Hudyo na magsanay ng
Helenisasyon
o mga pagsasanay ng mga Griyego.(
c.
168-167 BCE).
[10]
Ang patuloy na pagguho ng
Imperyong Seleucid
dahil sa pagsalakay ng lumalakas na
Republikang Romano
at
Imperyong Parthian
ay pumayag sa
Judea
na muling magkamit ng autonomiya o pangangasiwa sa sarili nito. Noong 63 BCE, ang kahariang Hasmoneo ay sinakop ng
Republikang Romano
at ginawang
estadong kliyente
.