Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
kagalantihan
o ang
kodigo ng kagalantihan
ay kodigo ng
asal
na may kaugnayan sa samahan ng mga
kabalyero
noong
Gitnang Panahon
.
Sa kasaysayan, ang kodigo ng kagalantihan sa huling parte ng Gitnang Panahon ay nagmula sa pinagsamasamang ideya mula sa maagang Gitnang Panahon ng mga tradisyong
militar
ng mga
Aleman
at
Romano
— na may kinalaman sa katapangang militar, sariling
pagsasanay
, at paglilingkod sa iba — at lalo na sa mga
Pranses
sa mga kawal na nagsisipangabayo sa kabalyerya ni
Charlemagne
. Sa
wikang Ingles
, tinatawag ang kagalantihang bilang
chivalry
na nagmula sa
lumang Pranses
na salitang
chevalerie
na ang ibig sabihin ay "sundaluhang kabayo."
Sa paglipas ng panahon, ang ibig sabihin nito ay napalitan para bigyang diin ang panlipunan at moral na asal sa pangkalahatan, at ang kodigo ng kagalantihan, katulad ng sa huling Gitnang Panahon, ay sistemang
moral
na pinagsama ang karakter ng mandirigma, birtud at magalang na pakikitungo ng mga
Kristiyano
, na lahat tumutulong para sa pagtatag ng dangal at antas.