Visayas
Kabisay-an
Kabisayaan
Palayaw: Gitnang Pilipinas
|
---|
|
Lokasyon
| Timog Silangang Asya
|
---|
Arkipelago
| Pilipinas
|
---|
Sukat
| 61,077 km
2
(23,582 mi kuw)
|
---|
|
Pilipinas
|
|
Populasyon
| 11,203,760
|
---|
Densidad ng pop.
| 294.28 /km
2
(762.18 /mi kuw)
|
---|
Ang
Visayas
o
Kabisayaan
(sa
Bisaya
:
Kabisay-an
), tinagurian ding
Gitnang Pilipinas
, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa
Pilipinas
kabilang ang
Luzon
at
Mindanao
. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa
Dagat Kabisayaan
, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng
Dagat Sulu
.
[2]
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang
Panay
,
Negros
,
Cebu
,
Bohol
,
Leyte
, at
Samar
.
[5]
Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng
Romblon
at
Masbate
, kung ang populasyon nito ay kinikilalang
mga Bisaya
.
Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at mga salaysay tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang tao sa rehiyon ay mga
Austronesyo
at
Negrito
na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay maituturing na
animista
. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng
Srivijaya
,
Majapahit
at
Brunei
, na pinamunuan ni
Datu Puti
at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan sa pulo ng
Panay
at sa mga pulong nakapalibot dito.
[6]
Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na
Arabe
at ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.
Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 17 mga probinsiya.
Ang
Kanlurang Kabisayaan
ay binubuo ng isla ng
Panay
at
Guimaras
. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)
Kabilang sa
Gitnang Kabisayaan
ang mga pulo ng
Cebu
,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros Oriental. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VII)
Ang
Silangang Kabisayaan
ay binubuo ng mga pulo ng
Leyte
, Biliran, at
Samar
. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VIII)
Ang Kalakhan sa Bisayas o Metro sa Visayas ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Bisayas ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan at pababa sa lunsod.
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang
wikang Hiligaynon
o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan,
wikang Cebuano
sa Gitnang Kabisayaan, at
Waray
sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang
wikang Aklanon
,
wikang Kinaray-a
, at
wikang Capiznon
. Ang
wikang Filipino
, ang pambansang wika na ibinatay sa
Wikang Tagalog
, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang
wikang Ingles
, isa sa mga opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong palatandaan at kalakalan.
May mga alamat na nakapaloob sa librong
Maragtas
, tungkol sa sampung hepe (
datu
) na tumakas mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga
Bisaya
. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng
Ati-atihan
sa
Kalibo
,
Aklan
. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga totohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni
Pedro Alcantara Monteclaro
noong 1907.
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
|
|
Ranggo
|
|
Rehiyon
|
Pop.
|
Ranggo
|
|
Rehiyon
|
Pop.
|
|
Cebu City
Bacolod
|
1
|
Cebu City
|
Central Visayas
|
922,611
|
11
|
Calbayog
|
Eastern Visayas
|
183,851
|
Iloilo City
Lapu-Lapu City
|
2
|
Bacolod
|
Western Visayas
|
600,783
|
12
|
Roxas
|
Western Visayas
|
179,292
|
3
|
Iloilo City
|
Western Visayas
|
457,626
|
13
|
Toledo
|
Central Visayas
|
170,335
|
4
|
Lapu-Lapu City
|
Central Visayas
|
408,112
|
14
|
Cadiz
|
Western Visayas
|
158,544
|
5
|
Mandaue
|
Central Visayas
|
362,654
|
15
|
Danao
|
Central Visayas
|
136,471
|
6
|
Tacloban
|
Eastern Visayas
|
242,089
|
16
|
San Carlos
|
Western Visayas
|
132,650
|
7
|
Talisay
|
Central Visayas
|
227,645
|
17
|
Dumaguete
|
Central Visayas
|
131,377
|
8
|
Ormoc
|
Eastern Visayas
|
215,031
|
18
|
Silay
|
Western Visayas
|
130,478
|
9
|
Kabankalan
|
Western Visayas
|
200,198
|
19
|
Carcar
|
Central Visayas
|
119,664
|
10
|
Bago
|
Western Visayas
|
191,210
|
20
|
Bayawan
|
Central Visayas
|
117,900
|