한국   대만   중국   일본 
Konigsberg - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Konigsberg

Mga koordinado : 54°43′00″N 20°31′00″E  /  54.71667°N 20.51667°E  / 54.71667; 20.51667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Konigsberg
Kastilyo ng Königsberg bago ang Unang Digmaang Pandaigdig
Kastilyo ng Konigsberg bago ang Unang Digmaang Pandaigdig; giniba matapos ang pambobomba ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Königsberg is located in Baltic Sea
Königsberg
Isang lungsod daungan ang Konigsberg sa timog silangang sulok ng Dagat Baltiko . Kilala na ito bilang Kaliningrad at bahagi na ng Rusya.
Mga koordinado 54°43′00″N 20°31′00″E  /  54.71667°N 20.51667°E  / 54.71667; 20.51667
Kasaysayan
Itinatag 1255
Nilisan 1945
Kaugnay sa Mga Sambiano , Aleman , Polako , Hudyo , Ruso , Litwano
Kaganapan Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagtatala
Pagmamay-ari Estado ng Orden Teutonica, Prusya, Alemanya

Ang Konigsberg ( Aleman:  [?køːn?csb??k]   ( pakinggan ) ) ay ang Prusong makasaysayang lungsod na ngayon ay Kaliningrad , Rusya . Ang Konigsberg ay itinatag noong 1255 sa lugar ng sinaunang Lumang Pruso na paninirahan na Twangste ng mga Orden Teutonica noong mga Krusada sa Hilaga , at pinangalanan bilang parangal kay Haring Otokar II ng Bohemya . Isang Baltikong lungsod pantalan, ito ay sunod-sunod na naging kabesera ng kanilang monastikong estado , ang Dukado ng Prusya (1525?1701), at Silangang Prusya . Ang Konigsberg ay nanatiling lungsod ng koronasyon ng monarkiyang Pruso, kahit na ang kabisera ay inilipat sa Berlin noong 1701.

Sa pagitan ng ikalabintatlo at ikadalawampung siglo, ang mga naninirahan ay nagsasalita ng Aleman , ngunit ang multikultural na lungsod ay nagkaroon din ng malalim na impluwensya sa mga kulturang Litwano at Polako. Ang lungsod ay isang sentro ng paglalathala ng panitikang Luterano, kabilang ang unang salin ng Bagong Tipan sa Polonya, na inilimbag sa lungsod noong 1551, ang unang aklat sa Litwano , at ang unang Luteranong katekismo, na parehong nakalimbag sa Konigsberg noong 1547. Isang lungsod unibersidad, tahanan ng Pamantasang Albertina (itinatag noong 1544), ang Konigsberg ay naging isang mahalagang sentro ng intelektuwal at kulturang Aleman, na siyang tirahan nina Simon Dach , Immanuel Kant , Kathe Kollwitz , E. T. A. Hoffmann , David Hilbert , Agnes Miegel , Hannah Arendt , Michael Wieck , at iba pa.

Noong 1736, gumamit si Leonhard Euler , matematiko Suwiso , ng ayos ng mga tulay ng lungsod bilang batayan para sa kaniyang problemang Pitong Tulay ng Konigsberg , na nagdulot ng mga sangay ng matematika ng topolohiya at teorya ng grap .

Rusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.