Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Kapitan John Smith.
Si Kapitan
John Smith
[1]
(c. Enero 1580 ? 21 Hunyo 1631) ay isang Almirante ng
New England
(Bagong Inglatera), sundalo ng
Kaharian ng Inglatera
,
manggagalugad
, at may-akda. Noong humigit-kumulang sa 1600, naging isa siyang
pirata
sa
Turkiya
. Higit siyang nakikilala sa pagiging isa sa mga pinuno ng maliit na pamayanang Ingles na itinatag sa
Jamestown, Virginia
noong kaagahan ng dekada ng 1600. Dahil sa kaniyang pamumuno, ang kolonya ay hindi nabigo, hindi katulad ng naunang mga maliliit na pamayanan. Naging mahalaga ang kaniyang pagganap sa paglulunsad ng unang permanenteng
pamayanang Ingles
sa
Hilagang Amerika
. Siya ang pinuno ng tinatawag na
Kolonya ng Virginia
(na ang himpilan nga ay ang Jamestown) sa pagitan ng Setyembre 1608 at Agosto 1609, at namuno ng eksplorasyon sa kahabaan ng mga ilog ng Virginia at ng
Look ng Chesapeake
. Siya ang unang Ingles na eksplorador na nagmapa ng pook Look ng Chesapeake at ng Bagong Inglatera. Paminsan-minsan siyang iniuugnay sa babaeng Indiyanang si
Pocahontas
pagkaraang madakip ng ama ni Pocahontas na si
Powhatan
; subalit ibang kolonistang Ingles, na nagngangalang
John Rolfe
ang nagpakasal kay Pocahontas.
Ang mga isinulat na aklat at ginawang mapa ni Smith ay itinuturing na napakahalaga sa panghihikayat at pagsuporta ng kolonisasyong Ingles ng
Bagong Mundo
. Siya ang nagbigay ng pangalang
New England
sa rehiyong iyon at hinikayat niya ang mga taong mandayuhan papunta roon sa pamamagitan ng pagsasabi na sa lugar na iyon ang bawat isang tao ay maaaring maging panginoon at may-ari ng sarili niyang gawain at lupain; at kung ang taong nandayuhan ay walang pag-aari, ang taong iyon, sa pamamagitan ng industriya ay madaling yayaman.
[2]
Nang ang Jamestown ay naging unang permanenteng maliit na pamayanan ng Inglatera sa Bagong Mundo, sinanay ni Smith ang mga tao roon sa pagsasaka at paggawa, kung kaya't nasagip ang kolonya mula sa isang maagang pagkawasak. Lantaran niyang ipinahayag na ang sinumang hindi gagawa o magtatrabaho ay hindi kakain. Ang ganitong katatagan ng katangian at pagpupunyagi ay nakapangibabaw at nakapagbigay ng lunas sa mga suliranin na hinarap niya dahil sa mga Indiyanong nanggugulo, dahil sa kasukalan at sa maliligalig at hindi nakikiisang mga Ingles na kasapi ng pamayanan.
[3]
Halos nasira ang kolonya dahil sa marahas na panahon, kawalan ng tubig, pamumuhay sa kasukalang malati, hindi kagustuhan ng mga Ingles na magtrabaho, at mga paglusob ng
nasyong Powhatan
.
Nakalibing si Smith sa simbahan ng
St Sepulchre-without-Newgate
, ang pinakamalaking simbahan sa
Lungsod ng Londres
, kung saan mayroong isang kaaya-ayang bintana na idinisenyo ni
Francis Skeat
at iniluklok noong 1968.
[4]
- ↑
Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Captain John Smith".
Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book
. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,
ISBN
0671604767
.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
, pahina 66.
- ↑
David Cressy (1987). "Coming Over: Migration and Communication Between England and New England in the Seventeenth Century". p. 99. Cambridge University Press,
- ↑
Snell 1974
, Ch. 4.
- ↑
"The John Smith Window"
.
St. Sepulchre-without-Newgate
. Nakuha noong
22 Disyembre
2010
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
![Talambuhay](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/24/Childbook.png/35px-Childbook.png)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Talambuhay
at
Estados Unidos
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.