한국   대만   중국   일본 
Johannes Stark - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Johannes Stark

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Johannes Stark
Kapanganakan 15 Abril 1874 ( 1874-04-15 )
Kamatayan 21 Hunyo 1957 (1957-06-21) (edad 83)
Nasyonalidad Germany
Nagtapos University of Munich
Kilala sa Stark effect
Parangal Nobel Prize in Physics (1919)
Karera sa agham
Larangan Physics
Institusyon University of Gottingen
Technische Hochschule, Hannover
Technische Hochschule, Aachen
University of Greifswald
University of Wurzburg
Doctoral advisor Eugen von Lommel

Si Johannes Stark (15 Abril 1874 ? 21 Hunyo 1957) ay isang pisikong Aleman na nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1919, para sa kanyang pagkakatuklas ng epektong Dopper sa mga canal ray at paghihiwalay ng mga linyang spektral sa mga elektrikong field. Siya ay malapit na nasangkot sa kilusang Deutsche Physik o Pisikang Aleman sa ilalim ng rehimeng Nazi . Mula 1933 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1939, si Stark ang nahalal na Pangulo ng Physikalisch-Technische Bundesanstalt habang pangulo rin ng Deutsche Forschungsgemeinschaft. Si Stark bilang editor ng Jahrbuch der Radioaktivitat und Elektronik ay humiling sa hindi pa kilalang si Albert Einstein noong 1907 na ireview ang prinsipyo ng relatibidad. Tila napahanga si Stark kay Einstein at mas maagang akda ni Einstein na kanyang sinipi sa kanyang 1907 papel sa Physikalische Zeitschrift kung saan niya ginamit ang ekwasyong e0=m0c2 upang kwentahin ang elementaryong quantum ng enerhiya. Si Stark ay kalaunang naging anti-Einstein at propagandistang anti-relatibidad sa Kilusang Deutsche Physik.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.