Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
indibiduwal
o
sarili
(Ingles:
individual
,
self
) ay isang
tao
o isang partikular na
bagay
. Ang
indibiduwalidad
, na tinatawag ding
pagkatao
o
kasarilihan
(Ingles:
individuality
,
selfhood
) ay isang katayuan o kalidad o katangian ng pagiging isang indibiduwal; isang
persona
o tao na nakabukod mula sa iba pang mga persona o mga tao at nag-aangkin kaniyang pansariling mga pangangailangan o mga layunin; at may pagiging mapagpahayag ng sarili, at may pagsasarili o hindi umaasa sa ibang mga tao (independiyente).
Mula ika-15 daantaon at mas maaga pa, at pati na rin ngayon sa mga larangan ng
estadistika
at
metapisika
, ang indibiduwal ay nangangahulugang
hindi mahahati
(hindi mapapagparte-parte, hindi maihihiwalay), na karaniwang naglalarawan ng anumang bagay na pangnumerong nag-iisa, subalit paminsan-minsang nangangahulungang "isang tao" o "isang persona" (tingnan din ang "ang suliranin ng mga
pangngalang pantangi
). Mula ika-17 daantaon at pasulong pa, ang
indibiduwal
ay nagpapahiwatig ng
bukod
o
pagkakabukod
, katulad ng sa
indibiduwalismo
.
Ang indibiduwalismo ay maaaring kasingkahulugan o may kaugnayan sa mga salita o mga pariralang ito:
nag-iisa
,
pang-isa
,
isa
,
para sa isa
,
bawa't
,
para sa bawa't isa
, at
panarili
.
[1]
[2]
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Tao
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.