Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bantayog ng Inang Diwa sa
Unibersidad ng Illinois sa Urbana-Champaign
Ang
inang diwa
(o
inang-diwa
) ay isang
parirala
na mas kilala bilang
alma mater
, isang pariralang
Latin
na nangangahulugang "inang nagpapalusog".
[1]
Ginamit ang parirala sa
sinaunang Roma
upang tumukoy sa ilang mga
inang diyosa
, lalo na kay
Seres
o
Sibeles
, at ng mga Kristiyano noong
Gitnang Panahon
bilang pantukoy sa
Mahal na Birheng Maria
.
Sa kasalukuyan, ginagamit ang parirala upang tumukoy sa
paaralan
,
dalubhasaan
o
pamantasan
na ikinatapos ng isang mag-aaral at kung saan kinuha niya ang kanyang
katibayan
ng pagtatapos: diploma, batsilyer o doktorato man. Maaari rin itong tumukoy sa isang awit o himno na may kaugnayan sa nasabing paaralan, dalubhasaan o pamantasan: halimbawa, ang
U.P. Naming Mahal
ay kinikilala na awiting
alma mater
ng
Unibersidad ng Pilipinas
.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.