Ang
Ilog Amasona
(
Portuges
:
Rio Amazonas
;
Kastila
:
Rio Amazonas
) ng
Timog Amerika
ay ang pinakamalaking
ilog
sa buong mundo sa dami ng
bolyum
nito. Ang Amasona, na may pinakamalaking paagusang palanggana sa buong mundo, ay tinatayang may 20 bahagdan ng kabuuang pag-agos ng ilog ng mundo. Sa panahon ng tag-ulan, nasa 120 km - 130 km ang lapad. Dahil sa kanyang napakalawak na dimensiyon, tinatawag ito minsan na
Ang Ilog na Dagat
. Wala itong mga
tulay
kahit sa anumang lugar nito.
[1]
Hindi lamang dahil ito sa napalaking dimensiyon. Sa katunayan, hindi naman ganoong kahaba na hindi kakayanin ng makabagong tulay ang karamihan ng haba ng Amazon, kung hindi mas dahil, sa karamihan ng haba nito, umaagos ang ilog sa tropikal na ulan-gubat (
rainforest
), kung saan may iilang mga daan at mas iilang mga
lungsod
.
Pinaniwalaan na ang pinakalayong pinanggagalingan ng Ilog Amasona ay nasa pag-agos ng Ilog Apurimac nang halos isang siglo. Inilathala pa rin ang ganitong mga pag-aaral hanggang kamakailan, tulad noong 1996,
[2]
2001,
[3]
2007,
[4]
at 2008,
[5]
kung saan natukoy ng iba't-ibang mga may-akda ang
snowcapped
na tuktok na 5,597 m (18,363 tal) ng Nevado Mismi, na humigit-kumulang na 160 km (99 mi) sa kanluran ng Lawa ng Titicaca at 700 km (430 mi) sa timog-silangan ng Lima, bilang ang pinakamalayong pinanggagalingan ng ilog. Mula roon, lumilitaw ang Quebrada Carhuasanta mula sa Nevado Mismi, sumasama sa Quebrada Apacheta, at di-magtagal ay bumubuo sa Rio Lloqueta na nagiging Rio Hornillos at pagkatapos, magsasanib sa Rio Apurimac.
Subalit, itinutukoy ng isang pag-aaral noong 2014 ng mga Amerikano na sina James Contos at Nicolas Tripcevich sa
Area
, isang
peer-reviewed
na
journal
ng Royal Geographical Society, na ang pinakamalayong pinanggagalingan ng Amasona ay totoong nasa pag-agos ng Rio Mantaro.
[6]
Iba't-ibang mga paraan ang ginamit upang ihambing ang mga haba ng Ilog Mantaro vs. ang Ilog Apurimac mula sa pinakamalayong punto ng pinanggagalingan hanggang sa pagsasama ng mga ito, at ipinapakita ang mas mahabang haba ng Mantaro. Pagkatapos, isinukat ang mga layo mula sa Lago Junin hanggang sa iba't-ibang maaaring maging mga punto ng pinanggalingan sa pinakamataas na bahagi ng Ilog Mantaro, na nagbigay ng kakayahan sa kanila na itukoy na ang Cordillera Rumi Cruz ay ang pinakamalayong pinanggagalingan ng tubig sa basin ng Mantaro (at sa gayon, sa buong basin ng Amasona). Ang pinakatumpak na paraan ng pagsukat ay ang pagsusukat nang direkta gamit ang GPS na kinuha sa pagbaba sa bawat ilog gamit ang isang kayak mula sa punto ng pinanggagalingan ng mga ito hanggang sa pagsasanib ng mga ito (na isinagawa ni Contos). Naging mahirap ang pagkuha ng mga sukat na ito buhat ng pagiging
class IV?V
[
en
]
ng bawat ilog na mga ito, lalo sa mga mas mababang seksyong "Abyss" ng mga ito. Sa huli, natukoy nila na ang pinakamalayong punto sa pag-agos ng Mantaro ay mas malayo nang
upstream
nang halos 80 km kumpara sa Bundok Mismi sa pag-agos ng Apurimac, at sa gayon, ang maximum na haba ng Ilog Amasona ay mas mahaba nang halos 80 km kaysa sa pinaniniwalaan dati. Nagpatuloy si Contos nang
downstream
patungong karagatan at natapos ang kauna-unahang kumpletong pagbaba ng Amasona mula sa bagong natukoy na pinanggagalingan (natapos noong Nobyembre 2012), isang paglalakbay na inulit ng dalawang mga grupo pagkatapos lumaganap ang balita.
[7]
Pagkatapos ng halos 700 km (430 mi), sumasanib ang Apurimac sa Rio Mantaro sa pagbuo ng Ene, na sumasanib sa Perene sa pagbuo ng Tambo, na sumasanib sa Ilog Urubamba sa pagbuo ng Ucayali. Pagkatapos ng pagsanib ng Apurimac at Ucayail, lumalayas ang ilog mula sa
terrain
na Andean at napapaligiran ng
floodplain
. Mula rito hanggang sa pagsasanib ng Ucayali at ng Maranon, na mahigit-kumulang na 1,600 km (990 mi), mas mataas nang kaunti lamang ang mga pampang na may gubat at binabaha na nang matagal bago pa maabot ng ilog ang maximum na yugto nito ng pagbabaha.
Hinihinto ang mga mabababang pampang ng kaunting mga burol lamang, at pumapasok ang ilog sa napakalaking
Amazon rainforest
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Heograpiya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.