Ika-10 Abenida
10th Avenue
|
---|
|
|
|
Haba
| 2.2 km (1.4 mi)
|
---|
|
Dulo sa kanluran
| Kalye Hizon sa Grace Park West (Barangay 64)
|
---|
| |
---|
Dulo sa silangan
| Kalye Kamantigue sa Grace Park East (Barangay 98)
|
---|
|
Mga pangunahing lungsod
| Caloocan
|
---|
|
---|
|
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang
Ika-10 Abenida
(
10th Avenue
), dating kilala bilang
Abenida Macario Asistio Sr.
o sa payak
Abenida Asistio
(
Macario Asistio Sr. Avenue
/
Asistio Avenue
), ay isang pang-apatang kalye na hindi nahahati ng panggitnang harangan sa
Caloocan
,
Kalakhang Maynila
, na dumaraang silangan-pakanluran at naghahati sa Timog Caloocan. Tulad ng karamihan ng mga abenida sa lugar na ito ng Grace Park, tumatawid ito ng isang sistema ng halos-ganap na pinagtagpu-tagpong mga guhit ng mga kalyeng maybilang na tumakbo hilaga-patimog, kalakip ng iba pang mga abenidang maybilang na tumatakbo silangan-pakanluran.
Isang pambansang lansangan ang Ika-10 Abenida na ibinukod ng
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
(DPWH) bilang isang hindi nakanumerong pambansang daang tersiyaryo.
[1]
Pormal nang ipinalit ang pangalan sa Abenida Asistio bago ibinalik sa kasalukuyang nakanumerong pangalan sapagkat ito ang ikasampung abenida na tumatakbo silangan-pakanluran mula sa hangganan ng lungsod sa
Tondo
,
Maynila
. Ang dating pagbabago ng pangalan ay isinagawa noong 1984 bilang karangalan sa dating alkalde ng Caloocan na naglingkod noong 1962?1971 at ama ng isa pang alkalde ng Caloocan na si
Boy Asistio
, ngunit ito ay isinawalang-bahala at ibinalik mula noon.
[2]
Ang Ika-10 Abenida at ang kasalukuyang distritong pampamahayan at pang-industriya ay dating isang palapagang pansibilyan bago ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
. Tinawag itong
Hilagang Palapagan ng Maynila
(
Manila North Airfield
) o
Grace Park
. Ang palapagang ito na binuksan noong 1935 malapit sa noo'y bagong-tayo na
Bantayog ni Bonifacio
(o Monumento) ay ang unang paliparang pangkomersiyo ng Maynila na nagsilbing himpilan ng
Philippine Airlines
para sa mga rutang domestiko nito. Isinara ang palapagan pagkaraan ng digmaan at ginawa itong pook pampamahayan at pang-industriya ng pamahalaang lungsod ng Caloocan.
[3]
[4]
Dumadaan ang Ika-10 Abenida mula sa kanlurang dulo nito sa sangandaan ng Kalye M. Hizon at linyang daambakal ng
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
(PNR) sa Grace Park West hanggang sa silangang dulo nito sa Kalye Kamantigue sa Grace Park East malapit sa
Abenida Andres Bonifacio
sa may hangganam ng lungsod at ng mga barangay ng Balingasa at Pag-Ibig sa Nayon sa Balintawak,
Lungsod Quezon
.
Hinahati ng
Abenida Rizal
ang abenida sa dalawang bahagi. Nasisilbi ring linyang panghati ang Abenida Rizal sa pagitan ng Grace Park West at Grace Park East. Sa kanlurang bahagi nito, nagsisimula ang Ika-10 Abenida sa silangan ng
estasyong daangbakal ng ika-10 Abenida
sa Barangay 64 at bahagyang liliko pahilaga bago tumbukin ang sangandaan nito sa Kalye Vibora. Tutuwid ito pagbagtas ng ilang mga kalye habang tumatahak ng direksiyon patungong Abenida Rizal. Kabilang sa mga palatandaang-pook sa bahaging ito ang pampublikong aklatan ng Caloocan, Mataas na Paaralan ng Caloocan at ang
Mataas na Paaralang Agham ng Lungsod ng Caloocan
. Sa silangan ng Abenida Rizal, tumatakbo ito ng halos-ganap na linyang tuwid papunta sa silangang dulo nito sa Kalye Kamatigue sa Grace Park East. Matatagpuan sa bahaging ito ang kampus-Caloocan
Systems Plus College Foundation
. Maaabot ang Bagong Gusaling Panlungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng Kalye 8 at Kalye 9, isang buong bloke sa timog ng Ika-10 Abenida.
Sa kanlurang dulo ng abenida, tutuloy ito bilang Kalye Padre Burgos sa
poblasyon
(kabayanan) ng Caloocan's
poblacion
at Barangay Dagat-Dagatan at nagbibigay ng daan papuntang Hugnayan ng Hudikatura ng Caloocan Judicial, Pamilihang Poblasyon ng Caloocan Poblacion, Gitnang Mababang Paaralan ng Caloocan at ang
Katedral ng Caloocan
.
14°39′3″N
120°59′21″E
/
14.65083°N 120.98917°E
/
14.65083; 120.98917