Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Ignacio ng Loyola
|
---|
|
|
Ipinanganak
| 24 Disyembre 1491
(
1491-12-24
)
Loyola
(
Azpeitia
)
|
---|
Namatay
| 31 Hulyo 1556
(1556-07-31)
(edad 64)
Roma
|
---|
Benerasyon sa
| Simbahang Katoliko
|
---|
Beatipikasyon
| 27 Hulyo
1609
ni
Paul V
|
---|
Kanonisasyon
| 12 Marso
1622
, Roma ni
Gregory XV
|
---|
Kapistahan
| 31 Hulyo
|
---|
Katangian
| Eukaristiya
,
kasulya
,
aklat
,
krus
|
---|
Patron
| Bansang Basque
, Diosesis ng Donostia at Bilbao,
Espanya
,
Militar na Ordinaryata ng Pilipinas
,
Lipunan ni Hesus
, mga
sundalo
,
Biscay
|
---|
- Tumuturo rito ang San Ignacio; para sa iba pang mga santo, tingnan ang
Ignacio
.
Si
San Ignacio ng Loyola
[2]
, kilala rin bilang
Inigo Onaz Lopez de Loyola
(bago ang
Oktubre 23
,
1491
[3]
?
Hulyo 31
,
1556
), ay ang pangunahing tagapagtatag at unang
Superyor Heneral
ng
Lipunan ni Hesus
, isang
relihiyosong orden
ng mga
Simbahang Katoliko
na nagpapahayag ng tuwirang paglilingkod sa
Papa
ayon sa patakaran ng misyon. Tinatawag na mga
Hesuwita
ang mga kasapi ng samahan.
Bilang tagapagtipon ng
Mga Kasanayang Pangkaluluwa ni Ignacio ng Loyola
, at bilang direktor na pang-espiritwal, inilarawan siya ni
Papa Benedicto XVI
bilang isang tao ng Diyos higit pa sa lahat, na inialay ang unang pook ng kaniyang buhay para sa Diyos at isang taong labis ang pagiging madasalin.
[4]
Aktibo siya sa paglaban sa
Repormasyong Protestante
, kung kaya't nagtaguyod ng
Kontra-Repormasyon
. Dumaan siya sa
beatipikasyon
at
kanonisasyon
para tumanggap ng titulong
Santo
noong
Marso 12
,
1622
.
Hulyo 31
ang
araw ng kaniyang kapistahan
, na ipinagdiriwang taun-taon. Siya ang
santong patron
ng
Guipuzcoa
at ng samahang Lipunan ni Hesus.