Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang isang
hurado
o
tagahatol
ay isang pangkat ng mga taong nanumpa na nagtitipon upang pakinggan ang
ebidensya
at magbigay ng walang kinikilingan hatol (isang paghahahanap ng katunayan sa isang tanong) na opisyal na sinusumite sa kanila ng isang
korte
, o itakda ang isang kaparusahan o paghuhusga.
Nanggaling ang mga konsepto ng hurado sa
Inglatera
noong
Gitnang Panahon
at tanda ito ng karaniwang batas na Ingles. Tulad nito, ginagamit sila ng
Reyno Unido
, ang
Estados Unidos
,
Canada
,
Irlanda
,
Australya
, at ibang mga
bansa
na ang mga sistemang legal ay hinango mula sa
Imperyong Britaniko
. Ginagamit ng ibang mga bansa ang mga baryasyon ng batas sibil ng Europa o mga sistemang Islamikong batas na
sharia
na kung saan pangkalahatang hindi ginagamit ang mga hurado.
Maaring kabilang sa mapagkukunang kaalamang hurado ang kaalamang unang nakuha, imbestigasyon, at hindi gaanong maasahang mapagkukunan tulad ng tsimis at sabi-sabi.
[1]
Mababakas ang konsepto ng testimonya sa
Normandiya
bago ang 1066, nang itinatatag ang isang hurado ng mga
noble
upang pasyahan ang mga alitan sa lupa. Sa ganitong paraan, ang Duke, na siyang pinakamalaking may-ari ng lupa, ay hindi maaring umaktong hukom sa kanyang sariling kaso.
[2]
Ipinapakita ng ebidensya na tipikal na napakaseryoso ang mga hurado sa kanilang gampanin.
[3]
Sang-ayon kay Simon (1980), ginagampanan nila ang kanilang mga responsibilidad bilang mga tagagawa ng pasya na tulad sa isang hukom ng isang korte ? na may lubhang pagkaseryoso, isang kaisipang makabatas, at pag-alala sa konsistente na nakabatay sa ebidensya. Sa pamamagitan ng aktibong pagproseso ng ebidensya, paggawa ng mga paghihinuha, paggamit ng sintudo kumon at pansariling karanasan upang mabatid ang kanilang paggawa ng pasya, naipahiwatig ng
pananaliksik
na ang mga hurado ay epektibong tagagawa ng desisyon na naghahanap ng pagkaunawa, sa halip na mapagbigay, apatikong lumalahok na hindi karapat-dapat na magsilbing hurado.
[4]
- ↑
Daniel Klerman,
"Was the Jury Every Self-Informing"
(sa Ingles)
Naka-arkibo
2011-07-19 sa
Wayback Machine
. Southern California Law Review 77: (2003), 123.
- ↑
Tingnan, halimbawa, ang diskusyon ng teoriya ng testimonya ni Brunner, sa halip sa partipasyon panghukuman bilang pinagmulan ng hurado, na ginalugad saexplored in MacNair,
Vicinage and the Antecedents of the Jury ? I. Theories
, sa "Law and History Review", Vol. 17 No 3, 1999, pp. 6?18. (sa Ingles)
- ↑
Simon, R. J. (1980). The jury: Its role in American society. Lexington, MA: Heath (sa Ingles)
- ↑
"Human Genome Project Information Site Has Been Updated"
(sa wikang Ingles). Ornl.gov. 2013-07-23
. Nakuha noong
2014-01-05
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)