Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakaturo ang "Zwingli" dito. Para sa asteroid na nasa tinatawag na "pangunahing sinturon" sa kalawakan, tingnan ang
7908 Zwingli
.
Si
Huldrych Zwingli
(1 Enero 1484 ? 11 Oktubre 1531), kilala rin bilang
Huldrychus Zwinglius
sa pagbabaybay sa
Latin
, at binabaybay din ang unang pangalan bilang
Huldreich
[1]
,
Ulrich
, o
Ulricht
,
[2]
ay isang pinuno ng
Repormasyon sa Suwisa
. Ipinanganak si Zwingli sa
Wildhaus
,
[1]
Suwisa
noong panahon ng bumabangong patriyotismong
Suwisa
at tumataas na kritisismo ng
sistema ng mersenaryong Suwiso
, nag-aral siya sa
Pamantasan ng Vienna
at sa
Pamantasan ng Basel
, isang pandalubhasang sentro ng
humanismo
. Ipinagpatuloy niya ang kanyang mga pag-aaral habang naglilingkod bilang isang pastor sa
Glarus
at pagdaka roon sa
Einsiedeln
, kung saan naimpluwensiyahan siya ng mga sulatin ni
Erasmus
.
Noong 1518, si Zwingli ay naging pastor ng
Grossmunster
sa
Zurich
kung saan nagsimula siyang mangaral ng mga ideya hinggil sa pagrereporma ng
Simbahang Katoliko
. Sa una niyang publikong kontrobersiya noong 1522, binatikos niya ang
kostumbre ng pag-aayuno
sa panahon ng
Kuwaresma
. Sa kanyang mga lathalain, tinalakay niya ang
katiwalian
sa hirarkiyang eklesyastikal, itinaguyod niya ang pag-aasawa ng mga pari, inatake niya ang paggamit ng mga
imahe
sa mga pook ng pagsamba, at pinintasan din niya ang mga ritwal at pamumulitika ng
Santo Papa
.
[1]
Noong 1525, ipinakilala ni Zwingli ang isang bagong
liturhiya
ng
komunyon
upang palitan ang
misa
. Kabilang sa mga paniniwala ni Zwingli ang tunay na kapangyarihan ng mga Kasulatan, pati na ang kailangang pagpapasupil o pagpapasailalim ng administrasyon ng Simbahan sa kapangyarihan ng pamahalaan ng estado.
[1]
Nakipagbanggaan din si Zwingli sa mga
Anabaptista
, na nagresulta sa pag-uusig sa kanya. Napasailalim siya sa
ekskomunikasyon
ng Simbahang Katoliko Romano.
[1]
Nagkaroon siya ng pagsuporta ng mga tao mula sa
Zurich
.
[1]
Lumaganap ang Repormasyon sa iba pang mga bahagi ng
Konpederasyong Suwiso
, subalit ilang mga
kanton
ang tumutol, na mas nagnanais na manatili bilang mga
Katoliko
. Bumubuo si Zwingli ng isang alyansa ng narepormang mga kanton na naghati sa Konpederasyon batay sa pananampalataya. Noong 1529, isang digmaan sa pagitan ng dalawang mga panig ang napigil sa huling mga sandali bago ito maganap. Samantala, nakarating kay
Martin Luther
at iba pang mga
repormista
ang mga ideya ni Zwingli. Nagpulong sila sa
Marburg Colloquy
at bagaman nagkasundo sila sa maraming mga punto na pangdoktrina, hindi sila makaabot ng pagsasang-ayunan ukol sa doktrina ng
presensiya ni Kristo
sa
eukaristiya
. Noong 1531, nilabanan ni Zwingli at ng kanyang mga tagasunod ang mga tauhan ng Santo Papa,
[1]
at naglapat ang kanyang alyansa ng isang hindi matagumpay na pagharang ng mga pagkain na papunta sa mga Katolikong kanton. Tumugon ang mga kanton sa pamamagitan ng isang paglusob habang si Zwingli ay nasa isang panahon ng hindi kahandaan. Napatay si Zwingli habang nasa labanan sa Kappel
[1]
sa gulang na 47. Ang kanyang pamana ay nabubuhay sa
pagkukumpisal
, liturhiya, at mga ordeng pangsimbahan sa pangkasalukuyang mga
simbahang nireporma
.
- ↑
1.0
1.1
1.2
1.3
1.4
1.5
1.6
1.7
"Zwingli, Huldreich".
The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated
. 1977.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
, sa titik Z, pahina 445
- ↑
Potter 1976
, p. 1
harv error: no target: CITEREFPotter1976 (
help
)
. Ayon kay Potter, "Huldrych" ang pagbabaybay na mas gusto ni Zwingli. Subalit, ginamit ni Potter ang "Ulrich", habang ginamit naman nina Gabler, Stephens, at Furcha ang "Huldrych". Ang lagda ni Zwingli sa Marburg Colloquy ay ang
isina-Latin
na pangalang "Huldrychus Zwinglius" (
Bainton 1995
, p. 251
harv error: no target: CITEREFBainton1995 (
help
)
). Para sa mas marami pa hinggil sa kanyang pangalan, tingnan ang
Rother, Rea.
"Huldrych - Ulrich"
(sa wikang Aleman). Evangelisch-reformierte Landeskirche des Kantons Zurich. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2008-09-20
. Nakuha noong
2008-03-03
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)