Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, tingnan ang
Himagsikang Ruso (paglilinaw)
.
Ang
Himagsikang Ruso ng 1917
ay isang serye ng mga
himagsikan
sa
Imperyong Ruso
. Ang mga kaganapan sa panahong ito ang nagwasak sa
awtokrasyang
Tsarista
at tumulong sa paglikha ng
Unyong Sobyet
. Ang
Himagsikang Pebrero
ang unang rebolusyon na naganap noong Pebrero 1917. Napalitan ang Tsar (
Czar
) ng pamahalaang probisyonal. Ang pangalawang rebolusyong kilala bilang
Himagsikang Oktubre
ay naganap sa buwan ng Oktubre noong 1917. Pinalitan ng mga
Bolshevik
ang pamahalaang probisyonal.
Sa simula ng Pebrero, nagsimula ang mga manggagawa ng
Petrograd
ng ilang welga at demonstrasyon. Noong Marso 7 [O.S. Pebrero 22], nagsara ang Putilov, ang pinakamalaking plantang pang-industriya sa Petrograd, dahil sa welga ng mga mangagagawa.
[1]
Sa sumunod na araw, naganap ang isang serye ng pagpupulong at pagtipun-tipon para sa
Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
, na unti-unting naging patitipong pampolitika at pang-ekonomika. Naorganisa ang mga demonstrasyon upang humingi ng
tinapay
, at sinuportahan ito ng puwersang manggagawang pang-industriya na tinuturing silang bilang dahilan ng patuloy na welga. Nagmartsa ang mga manggagawang kababaihan sa katabing pagawaan na nagdala ng higit sa 50,000 manggagawa para magwelga.
[2]
Sa pagpatak ng Marso 10 [O.S. Pebrero 15], halos lahat ng mga negosyong pang-industriya sa Petrograd ang nagsara, kasama ang maraming negosyong pang-komersyo at pang-serbisyo. Sumali ang mga mag-aaral, manggagawang pang-opisina, at guro sa mga kalye at mga pagpupulong pampubliko.
[3]
Sumunod ang
Himagsikang Oktubre
na sinamantala ang mga kaganap sa Himagsikang Pebrero na nauna, na nagdulot sa pagbibitiw ni
Nicolas II
at ang paglikha ng
pamahalaang pansamantala
. Kilala din ang
Himagsikang Oktubre
[a]
bilang ang
Dakilang Himagsikang Sosyalista ng Oktubre
,
[b]
(sa Historiyagrapiyang Sobyetiko) o
Kudetang
Oktubre
.
[4]
Pinamunuan ang Himagsikang ito sa
Rusya
ng
Partidong Bolshevik
ni
Vladimir Lenin
na naging susi sa mas malaking Himagsikang Ruso na tumagal mula 1917 hanggang 1923. Ito ang ikalawang pagbabagong rebolusyonaryo ng pamahalaan sa Rusya noong 1917. Naganap ito sa pamamagitan ng armadong paghihimagsik sa Petrograd (
San Petersburgo
na ngayon) noong Nobyembre 7, 1917 [O.S. October 25].
Nagdulot ng
Digmaang Sibil sa Rusya
[c]
ang pagpapatalsik ng sosyo-demokratikong
Pansamantalang Pamahalaang Ruso
na nabuo noong Himagsikang Oktubre. Sa
digmaang sibil
na ito, maraming paksyon ang lumaban upang tukuyin ang politika ng Rusya sa hinaharap. Nagresulta ito sa pagbuo ng
Sobyetikong Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya
at sa kalaunan ang
Unyong Sobyetiko
sa karamihan ng teritoryo nito. Minarkahan ng katapusan nito ang katapusan ng Himagsikang Ruso, na isa mga susing kaganapan sa
ika-20 dantaon
.
- ↑
Ruso
:
Октябрьская революция
,
romanisado:
Oktyabrskaya revolyutsiya
,
Pagbigkas sa Ruso:
?k?t?abr?sk?j? r??v??l?uts?j?.
- ↑
Ruso
:
Великая Октябрьская социалистическая революция
,
romanisado:
Velikaya Oktyabrskaya sotsialisticheskaya revolyutsiya
,
Pagbigkas sa Ruso:
v???l?ik?j? ?k?t?abr?sk?j? s?ts??l???s?t?it??sk?j? r??v??l?uts?j?.
- ↑
Ruso
:
Гражданская война в России
,
romanisado:
Grazhdanskaya voyna v Rossii
- ↑
Service, 2005. p. 32. (sa Ingles)
- ↑
When women set Russia ablaze
,
Fifth International
11 Hulyo 2007. (sa Ingles)
- ↑
?duard Nikolaevich Burdzhalov,
Russia's second revolution: the February 1917 uprising in Petrograd
(Indiana UP, 1987). (sa Ingles)
- ↑
"ЖОВТНЕВИЙ ПЕРЕВОРОТ У ПЕТРОГРАД? 1917".
Енциклопед?я ?стор?? Укра?ни: Т. 3: Е-Й
[
Encyclopedia of the history of the Ukraine, volume 3
] (sa wikang Ukranyo). National Academy of Sciences of Ukraine. 2005.
ISBN
978-966-00-0632-4
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)