Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, tingnan ang
Heneral (paglilinaw)
.
Ang
kaheneralan
o pagiging
opisyal na heneral
ay isang opisyal na may mataas na ranggo sa militar, karaniwang sa hukbong katihan, at sa ilang mga bansa, sa hukbong himpapawid.
[1]
Ang katagay ay malawakang ginagamit ng maraming mga bansa ng mundo, at kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ibang katawagan, may katumbas na pamagat na ibinibigay. Ang salitang
Heneral
ay ginagamit sa dalawang mga paraan: bilang isang pangkaraniwan o henerikong pamagat para sa lahat ng mga grado ng opisyal na heneral; at bilang isang espesipikong ranggo. Bilang karagdagan, ang
heneral
[2]
o
pangulo ng hukbo
[2]
ay isang opisyal sa hukbong sandatahan na nasa mataas na kahanayan ng militar. Ginagamit ang katawagan o katumbas nito sa halos lahat ng mga bansa sa mundo. Maaari ring gamitin ang
heneral
bilang isang pangkaraniwang katawagan para sa lahat ng mga grado o ranggo ng mga opisyal na heneral, o maaaring tiyakang tumutukoy sa isang nag-iisang ranggo na tinatawag lamang bilang
heneral
. Magmula noong kahulihan ng ika-20 daantaon, ang ranggo ng Heneral ay karaniwang pinakamataas na masigla o aktibong ranggo ng isang militar na hindi nakikidigma.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Tao
at
Militar
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.