Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa hapon na isang bahagi ng araw ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang
Hapon (paglilinaw)
.
Isang hapon sa Faridpur,
Bangladesh
Ang
hapon
ay ang oras sa pagitan ng tanghali at
gabi
.
[1]
Ito ang oras nang bumababa ang
Araw
mula sa tanghaling tapat (na tugatog nito sa
kalangitan
) tungo sa mistulang bago sa hangganan nito sa
horisonte
sa kanluran. Sa buhay ng tao, sinasakop nito ang halos kalahati ng karaniwang araw ng trabaho o pag-aaral.
Kadalasang binibigyang kahulugan ang hapon bilang ang panahon sa pagitan ng tanghali at palubog ng araw.
[2]
Kung susundin ang kahulugang ito, iba-iba ang partikular na haba ng oras sa isang direksyon: binibigyan kahulugan ang tanghali bilang ang oras nang naabot ng Araw ang pinakamataas na punto nito sa kalangitan,
[3]
subalit ang hangganan sa pagitan ng hapon at gabi ay walang pamantayang kahulugan.
Ang katagang "maghapon" tulad sa
pariralang
"maghapon at magdamag" ay karaniwang tumutukoy sa buong
araw
subalit may pagkakataon na ginagamit ito para tukuyin ang buong hapon subalit hindi madalas.
Ang hapon ay isang panahon kapag ang
Araw
ay bumababa mula sa tugatog nito, ang tanghaling tapat. Tuwing hapon, lumilipat ang Araw mula sa halos sentro ng langit hanggang sa lalim tungo sa kanluran. Sa dapit-hapon, partikular na maliwanag at nakasisilaw ang liwanag ng araw, dahil nasa mababang
anggulo
ang Araw sa langit.
[4]
Ang karaniwang oras ng trabaho sa mga
bansang maunlad
ay mula sa
umaga
hanggang sa dapit-hapon o pagsapit ng dilim ? tipikal mula 9:00 am hanggang 5:00 pm ? kaya, nasa hapon ang huling bahagi ng oras na ito.
[5]
Sa
Estados Unidos
, kadalasang hinahayaan ng mga
paaralan
na palabasin ang kanilang mga mag-aaral sa tinatayang mga 3:00 pm na nasa gitna ng hapon.
[6]
Sa
Dinamarka
, tinuturing na nasa ng 1:00 at 5:00 pm ang hapon.
[7]