Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hamburger
|
Kurso
| Ulam
|
---|
Lugar
| Estados Unidos
|
---|
Gumawa
| Maraming nag-aangkin
|
---|
Ihain nang
| Mainit
|
---|
Pangunahing Sangkap
| Giniling na karne,
tinapay
|
---|
|
Ang
hamburger
o
burger
ay
sandwits
na may
patty
na gawa sa giniling na karne, kadalasan
baka
?na ipinalaman sa loob ng dalawang hati ng tinapay.
[1]
Madalas sinasahugan ito ng
keso
,
letsugas
,
kamatis
,
sibuyas
, pikels,
bacon
o
sili
, at nilalagyan ng mga kondimento tulad ng
ketsap
, mustasa,
mayonesa
o "sarsang espesyal", kadalasan isang baryasyon ng sarsang Libong Pulo. Kapag may palamang keso sa ibabaw ng
hamburger patty
, tinatawag itong cheeseburger ("keso burger").
[2]
Ibinebenta ang mga hamburger sa mga bilihan ng
pangmadaliang pagkain
at iba pang restawran. Napakaraming mga baryasyon ng hamburger ayon sa bansa at rehiyon. Isa sa mga pangunahing produkto ng ilan sa mga pinakamalaking multinasyonal na
fast-food chain
sa ang burger: ang
Big Mac
ng
McDo
at Whopper ng
Burger King
ay naging mga pandaigdigang ikono ng kulturang Amerikano.
[3]
[4]
Nagmula ang salitang
hamburger
sa
Hamburgo
, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa
Alemanya
; subalit walang tiyak na koneksiyon sa pagkain at ang lungsod.
[5]
Sa paglipas ng panahon, ang salitang
burger
ay naging sariling salita na may kaugnayan sa maraming uri ng sandwits, kahawig ng hamburger, ngunit gawa sa mga iba't ibang uri ng karne (o iba pang sangkap).
[6]
Kabilang sa mga halimbawa ang
tsoriso
sa tsori burger,
[7]
tosino
sa tosino burger,
[8]
at bilang halimbawa na walang karne, (sapal ng)
niyog
sa niyog burger.
[9]
Tumutukoy rin ang
burger
sa
patty
mismo, lalo na sa
United Kingdom
, kung saan bihira ang paggamit ng salitang
patty
sa pagtukoy sa giniling na baka. Dahil maaaring akalin na gawa sa baka ang
hamburger
, maaaring banggitin ang karne o kapalit ng karne bago ang salitang
burger
para sa kalinawan tulad ng nabanggit na tosino burger.