Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Hama
(
Arabo
: ??????
?am?h
[ħa?maː], "
fortress
";
Hebreong Biblikal
: ??????
?am?th
) ay isang lungsod sa mga pampang ng
Ilog Orontes
sa gitna-kanlurang
Syria
. Matatagpuan ito 213 kilometro (132 milya) hilaga ng
Damasco
at 46 kilometro (29 milya) hilaga ng
Homs
. Ito ang kabisera ng
Gobernado ng Hama
(
Hama Governorate
). Isa ito sa mga pinakamataong lungsod sa bansa, na may 312,994 katao ayon sa senso noong 2004.
[1]
Noong 2009, tinataya na may 854,000 katao ang lungsod, at dahil diyan ito ang pang-apat na pinakamataong lungsod sa bansa kasunod ng
Aleppo
, Damasco, at Homs.
[2]
[3]
Tanyag ang lungsod sa labimpitong
noria
nito na ginamit sa pagpapatubig ng mga hardin, na sinasabi ng mga taga-lungsod na mula pa sa 1100 B.K.. Bagaman ginamit noon sa
irigasyon
, nananatili na lamang ang mga
noria
sa layuning pang-
estetiko
(o kagandahang panlabas na anyo).
Sa mga huling dekada, naging kilala ang lungsod ng Hama bilang sentro ng oposisyong kontra-
Ba'ath
sa Syria, lalo na ang
Muslim Brotherhood
. Sinalakay ng
Hukbong Katihan ng Syria
ang lungsod, simula sa
riot
noong 1964
, at naging tagpo ng pagpatay ng maraming tao noong
Himagsikang Islamismo sa Syria
nang naganap ang mga
masaker sa lungsod noong 1981
at
1982
kung saan 25,000 katao ang nasawi. Muling naging tagpuan ang lungsod ng laban sa pagitan ng militar ng Syria at pwersang oposisyon bilang isa sa mga pangunahing kaganapan ng
Digmaang Sibil sa Syria
sa
paglusob ng lungsod noong 2011
.
35°08′N
36°45′E
/
35.133°N 36.750°E
/
35.133; 36.750