Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Hainismo
(mula sa
Ingles
na
Jainism
) o
Jain Dharma
(??? ????) ay isa sa mga matatandang
relihiyon
sa mundo na nagmula pa sa Antigong
India
. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang
Mah?vir?
(599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo,
pag-aayuno
, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o
meditasyon
. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:
- Ahimsa
(kawalang-karahasan)
- Satya
(katotohanan)
- Asteya
(katapatan)
- Brahmacharya
(kabirhenan)
- Aparigraha
(karalitaan)
Ang panata sa kawalang-karahasan
(ahimsa)
ay siyang tunay na obsesyon ng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.
May kaugnay na midya tungkol sa
Jainism
ang Wikimedia Commons.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.