Si
Grace Patricia Kelly
(Nobyembre 12, 1929 – Setyembre 14, 1982) ay isang Amerikanang aktres na, noong Abril 1956, ay ikinasal kay
Rainier III, Prinsipe ng Monako
, upang maing
Prinsesang konsorte ng Monako
,
inistilo
bilang
Ang
Kanyang Mabining Kataastaasan
Ang
Prinsesa ng Monako
(sa Ingles ay
Her Serene Highness
The
Princess of Monaco
), ay karaniwang tinutukoy bilang
Prinsesa Grace
.
Pagkaraang magsimula sa larangan ng pag-aartista noong 1950, sa gulang na 20, lumitaw si Grace Kelly sa mga produksiyong pangteatro ng Lungsod ng New York pati na sa mahigit sa apatnapung mga episodyo ng buhay na pagpapalabas ng mga produksiyon ng drama noong kaagahan ng
Ginintuang Panahon ng Telebisyon
noong dekada ng 1950. Noong Oktubre 1953, sa paglabas ng
Mogambo
, siya ay naging isang bituin ng pelikula, isang katayuang natiyak noong 1954 sa pamamagitan ng isang Gantimpalang Ginintuang Globo (
Golden Globe Award
) at isang nominasyon sa
Gantimpala ng Akademya
(
Academy Award
) pati na mga pangunahing gampanin sa limang mga pelikula, kabilang na ang
The Country Girl
, kung saan nagbigay siya ng isang mapagkumbabang pagganap na nagkamit para sa kanya ng isang
Gantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres
(
Academy Award for Best Actress
). Nagretiro siya mula sa pag-arte sa edad na 26 dahil sa kanyang mga tungkulin sa
Monako
. Siya at si Prinsipe Rainier ay nagkaroon ng tatlong mga anak: sina:
Caroline
,
Albert
, at
Stephanie
. Napanatili rin niya ang kanyang pagka-Amerikana, na pinanatili ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamayan, bilang mamamayan ng Estados Unidos at bilang
Monegasque
(ang tawag sa isang mamamayan ng Monako).
Namatay siya pagkaraang makaranas ng isang
atakeng serebral
(
stroke
sa Ingles) noong Setyembre 14, 1982, kung kailan nawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang kotse at nabangga. Ang kanyang anak na babaeng si Prinsesa Stephanie ay kasama niyang nakasakay sa kotse, ngunit nakaligtas mula sa aksidente.
Noong Hunyo 1999, iniranggo siya ng
American Film Institute
o AFI ("Panimulaan ng Pelikula ng Amerika") bilang ika-13 sa kanilang listahan ng
pangunahing mga bituing babae ng sinemang Amerikano
. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa
"100 Hottest Women of All-Time"
(100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng
Men's Health
.
[1]
Taon
|
Pelikula
|
Papel
|
Direktor
|
Mga iba pang artista
|
1951
|
Fourteen Hours
|
Louise Ann Fuller
|
Henry Hathaway
|
Paul Douglas
,
Richard Basehart
,
Barbara Bel Geddes
|
1952
|
High Noon
|
Amy Fowler Kane
|
Fred Zinnemann
|
Gary Cooper
,
Katy Jurado
,
Lloyd Bridges
,
Thomas Mitchell
|
1953
|
Mogambo
|
Linda Nordley
|
John Ford
|
Clark Gable
,
Ava Gardner
|
1954
|
Dial M for Murder
|
Margot Mary Wendice
|
Alfred Hitchcock
|
Ray Milland
,
Robert Cummings
,
John Williams
|
Rear Window
|
Lisa Carol Fremont
|
James Stewart
,
Thelma Ritter
|
The Country Girl
|
Georgie Elgin
|
George Seaton
|
Bing Crosby
,
William Holden
|
Green Fire
|
Catherine Knowland
|
Andrew Marton
|
Stewart Granger
,
Paul Douglas
|
The Bridges at Toko-Ri
|
Nancy Brubaker
|
Mark Robson
|
William Holden
,
Fredric March
,
Mickey Rooney
,
Earl Holliman
|
1955
|
To Catch a Thief
|
Frances Stevens
|
Alfred Hitchcock
|
Cary Grant
|
1956
|
The Swan
|
Princess Alexandra
|
Charles Vidor
|
Alec Guinness
,
Louis Jourdan
,
Agnes Moorehead
|
High Society
|
Tracy Samantha Lord
|
Charles Walters
|
Bing Crosby
,
Frank Sinatra
,
Celeste Holm
|
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Artista
,
Pelikula
at
Estados Unidos
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.