Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mapang naglalarawan sa paghahati-hati ng Polonya sa mga
gmina
.
Ang
gmina
(Pagbigkas sa
Polako
[?gmina]
, maramihan
gminy
[?gmin?]
) ay ang pangunahing uri ng dibisyong pang-teritoryo ng
Polonya
sa pinakamababang antas. Nagmula ang pangalang ito sa
Aleman
na
Gemeinde
(pamayanan), at isinasalin ito sa mga dayuhang wika bilang
komuna
o
bayan
. Noong 2010, mayroong mahigit-kumulang 2,479
gmina
sa buong bansa.
[1]
Taong 1972 pang unang itinatag ang
gmina
bilang batayang dibisyong pampangasiwaan sa Polonya, kung saan pinalitan nito ang mas maliit na
gromada
(kumpol). May tatlong uri ng
gmina
:
- Gmina miejska
(
gmina
ng urbano), kung saan isang bayan lamang ang bumubuo dito
- Gmina miejsko-wiejska
(
gmina
ng urbano-rural), na binubuo ng isang bayang nagsisilbi bilang
poblasyon
at ng palibot na
nayon
- Gmina wiejska
(
gmina
ng rural), na binubuo lamang ng mga nayon at ang palibot na lupain nito (minsan ay binubuo lamang ng isang nayon)
May ilang
gmina
kung saan ang kabisera nito ay nasa teritoryo ng
gmina
, pero hindi sakop ng
gmina
mismo (maaaring ihalintulad sa 'di-pagsakop ng mga lalawigan sa mga
mataas na urbanisadong lungsod
sa
Pilipinas
). Halimbawa, ang bayan ng
Augustow
ay namamahala sa rural na
Gmina Augustow
, pero hindi ito bahagi ng Gmina Augustow mismo dahil isang
gmina
ng urbano rin mismo ang bayan ng Augustow.
Maaari ring hatiin ang mga
gmina
pa sa mas maliliit na dibisyon: sa mga rural na lugar, tinatawag itong
sołectwo
(sityo), habang sa mga bayan at lungsod naman, tinatawag itong
dzielnica
(kalapit-bahayan o distrito) o
osiedle
(purok).
![Wika](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/de/Globe_of_letters.svg/35px-Globe_of_letters.svg.png)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Wika
at
Politika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.