Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Ronald Glen
"
Big Baby
"
Davis
(ipinanganak noong Enero 1, 1986), ay ang 6'9", 289 lbs na dating
power forward
ng
Louisiana State University
college basketball team, na huling naglaro sa
Los Angeles Clippers
ng
NBA
. Si Davis ay na-draft ng
Seattle Supersonics
bilang 35th overall pick noong
2007 NBA Draft
. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis ay na-trade sa Boston Celtics kasama ni
Ray Allen
para kay
Delonte West
,
Wally Szcerbiak
, at sa 5th overall pick ng
2007 NBA Draft
na si
Jeff Green
.
Ibinoto si Davis ng mga coach ng
Southeastern Conference
bilang
2006 SEC Player of the Year
, at napangalanan din upang mapabilang sa All-
SEC
first team. Noong 2006, bilang isang sophomore, pinangunahan ni Davis ang
Tigers
sa kanilang unang paglahok sa
Final Four
simula noong 1986. Sila ay nalalag sa torneyo noong National Semifinals, kung saan natalo ang Louisiana State University sa
UCLA
matapos makalamang ng malaki ang UCLA sa first half. hindi na nagawang makalapit ng LSU. Mababa ang naging shot percentage ni Davis sa nasabing laro kung saan gumawa siya ng 17 puntos, at apat lamang ang napasok niya sa kanyang 10 freethrows bago ma-foul out sa laro.
Noong 20 Marso 2007, ipinahayag ni Davis sa press ang kanyang pagpasok sa
2007 NBA Draft
imbes na bumalik sa LSU sa kanyang huling taon.
[1]
Siya ay pumirma ng kontrata sa agent na si John Hamilton ng Performance Sports Management.
[2]
Si Davis ay na-draft ng Seattle Supersonics bilang 35th overall pick ng
2007 NBA Draft
. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis, kasama ni
Ray Allen
ay na-trade para sa 5th overall pick ng
2007 NBA Draft
na si
Jeff Green
.
Si Davis ay kabilang sa 2007
summer league
team ng Celtics. Sa naganap na trade, inaasahan ni Davis na mahaba ang kanyang magiging playing time sa kanyang unang professional season. Bagama't ang kanyang pangunahing posisyon ay
power forward
, si Davis ay maari ding maglaro bilang backup center sa regular season.
[3]